Saturday, February 9, 2008

rubik cube man


*i thought of doing something different today. so i figured of writing my next post in filipino and in a lighter manner.


sabi sa aking psychological test nung college, ako daw ay right brain hemisphere dominated (paumanhin hindi ko matandaan ang pagkakasunod ng mga salita), ibig sabihin mas nakikita ko daw ang mga maliliit na detalye ng paglubog ng araw sa kanluran habang nilalamon ito ng mga piraso ng animo'y nagbabagang basag na salamin. malimit rin daw sa mga taong ganito ay nailalapat ang kariktan ng mga katulad na tanawin sa isang dibuho o obra. in short, inclined daw ako sa arts.

sabi pa ng psych professor ko, kadalasan sa mga taong ganito, dahil aesthitically inclined sila nahihirapan sila sa mga bagay na logically at arithmatically complicated (kung saan, magaling naman ang left brain hemisphere dominated na tao. obviously, hindi ko pa rin alam ang pagkakasunod-sunod, kaya ginaya ko na lang yung nauna para consistent). kaya siguro dalawang beses ko'ng inulit ang college algebra.

pero hindi rin, ang dahilan ko, nakakayamot kasi si miss math teacher na ang kinakausap lang ay black board at libro. tapos magagalit kasi hindi daw kami nakikinig. sagot ko naman, sabi ng mama ko masama daw ang nag eeaves drop.

yun ang unang beses na pinatayo ako at pinalabas ng kwarto. buti na lang may natira pa akong yosi sa bulsa at napadaan si dette para may kakwentuhan ako. pagkatapos ng klase, tinanong ako ng professor kung nagsisisi na daw ako.

sabi ko, opo, nagsisisi na po ako, with matching teatro convictions. sa kabila nito, binigyan pa rin niya ako ng 4 at pinagremoval exams. nagkulang ako ng isang puntos para pumasa. alma ko, maraming factors ang pwedeng ikonsider kung bakit ako nagkulang ng puntos, pwedeng environmental, ambiance, time pressure at iba pa. subalit bato talaga ang puso ng professor ko'ng yun, hindi umubra ang dahilan ng isang soc an major sa kanya. pito lang ang pumasa, lima kaming matapang at magigiting na bumagsak, 21 ang nag drop sa klaseng iyon. sa sumunod na semestre, hindi na narenew ang professor dahil sa mababang survey score at turn out ng mga estudyante.

inulit ko siya sa sumunod na taon. boyfriend naman ng dati kong teacher and nagturo, patay! pay back time! ito lang nakita ko sa mukha ng teacher ng pumasok ito sa unang araw ng klase. pagkatapos ng semestre kahit wala pa rin naintindihan binigyan niya ako ng flat na dos. mataas na yun para sa nag-iinternal hemorrage na taong tulad kapag nakakakita ng numero.
sa hinaba ng kwento ko, side dish pa lang po yun! ang totoo, pumasok sa isip ko ang topic ito kanina pagpasok ko ng opisina. nagulat ako dahil lahat ng tao ay may kinakalikot, linalapirap, binubutingting at pinapaikot na isang makulay na bloke. ang totoo, noong una, hindi ko alam kung ano ang tawag dito. tinanong ko lang sa katabi ko ang tawag, rubik cube daw. hinanap ko pa sa internet kung papaano siya iispell. buti na lang tama ang naitayp ko, kung ano ang bigkas siya namang baybay.

sinubukan ko'ng paglaruan rin, ang goal lang naman daw ay mailagay mo ang magkakakulay na mga square sa iisang mukha. madali lang naman pala. napanuod ko sa tv 7 years old 17 seconds na kumpleto niya.

akala ko lang pala. narealize ko kaya nga siya nafeature sa tv kasi genius siya. bakit genius ba ako?

ayun 6 hours ko na siyang pinaglalaruan ngayon. at malapit na siya makalas. akala ko nanaman kasi kapag napagsamasama mo ang isang kulay, magsasama na rin ang ibang kulay. hindi pa pala, lalong nagulo ang mundo ko. tapos sabi pa ng office mate ko, buuin ko daw siya ng five months. sabi ko sa kanya, eh kung burahin kaya kita sa mundo. tumahimik siya at nagconcentrate naman ako. ilang saglit lang, gusto ko ng umiyak!

sabi ko pa, madali siya kasi may kulay tapos right brain hemisphere dominated pa ako. so naka na lang ito! shet,m mapagpanggap ang animal! logic pala kailangan nito. nagiging illohikal na ako. tumigil ako at humarap sa computer. pucha! gumagalaw na kulay pa rin ang nakikita ko, masama na ito. hindi ko siya matanggal sa isip ko kung papaano sila bubuuin. tinago ko na siya. ayoko na!

bumaba ako ng opisina, nagyosi. tapos may nakita akong nagtitinda ng rubik cube at ang dami dami nila. patong patong. sa tingin ko, isa-isa silang gumagalaw ng kusa. nasisiraan na ata ako ng bait!

boom!

outside this building part 2 na ito, the rubik cube man.

19 comments:

DN said...

aw. ni minsan ay di ko sinubukang bumuo ng isang rubik cube. ayoko aksi ng masyadong komplikadong mga bagay. mas simple mas maganda. ^^

ayon sa survey, halos lahat ng mga nasa law school ay right brainers (kagaya natin. lol.) pero ang mas nababagay daw doon ay mga left brainers. kamusta naman yun.

jericho said...

may pagbaha ng rubik's cube? kahit kelan hindi ko rin nabuo yan ... sabi ko na lang, "who d pak cares?". hehe (that's me being bitter)

Anino said...

Salamat sa GMA at kay ZAIDO. Sumikat ang Rubik cube!

wanderingcommuter said...

dn: hahaha. gusto kong reasoning yan, dn! hahaha... pagbalik ko ng rubik cubes, sasabihin ko yan. kakabisaduhin ko na yung linya...
hahaha.

jericho: sige dahil jan, linya mo ang closing line ko: who da pak kers?! hahaha!

anino: pano naman sila naugnay dito?

Quentin X said...

Rubik's cube is so 80's. :)
Perhaps what you have is dyscalculia. Math is my favorite subject. I breezed through them in college while the rest of the class suffered. Does that make me good at rubik's cube? No. I rather peel the colours off the damn thing and put them back to the way they should be.

wanderingcommuter said...

quentin x: hahahaha... i was laughing really laughing hard reading your comment. i never thought of that idea. i'll do this by the time i hand it over to the owner of the rubik. hahaha! thanks a lot!

Anino said...

Wanderer, yung isang Zaido,mahilig sa Rubik cube.
Baka interesado ka dito.Sa aking palagay,may malaking tsansa ka.Punta ka lang sa STORIESFROMTHAILAND sa blogroll ko siya makikita.

Bulaang Katotohanan said...

nakakabaliw yang mga cube na yan especially kung di mo saulo ang technique, binigyan ako ng mama ko ng rubik "shape" (di cya cube)na nakuha nya sa isang charity shop dahil mukhang nabaliw na ang may ari nito...pentagon ang face pero may 12 sides...post ko yung pix kapag nagana na yung usb ko.

Anonymous said...

There's nothing amazing about the Rubik's cube. You just have to memorize the steps how to make it then you can do it in no time.

Z said...

hahahaha.. naaliw ako sa entry mo. nakoooo ako walang kaamor-amor sa rubik cube na yan. :D masaya na ako sa ganito, panood nood lang ng mga nagpapaka-henyo kuno. :D

wanderingcommuter said...

bk: alam mo sa pagdescribe mo pa lang ng rubik shape na binigay ng nanay mo. sumakit na ang ulo ko. ayoko na ng imaginin..hahaha!

anino: aaaaahhhhhhh... sorry hidni ako nanunuod ng zaido eh. hehehe!

bino: oh no, may steps siya?! alalo akong nahilo...gwark!
pero sabi nga daw nila. basta bahala na sila!

zenzen: hello, salamat po sa pagdaan! welcome to the club ng mga moron. hehehe. sirain ko pa rubik cube nila eh!

Coldman said...

basta ako nangongopya lang sa katabi ko pag may exam sa algebra. Humaba ang leeg ko nun! Hahaha!

wanderingcommuter said...

coldman: naku, kami natututo kami ng sign language alphabet. lalo na't multiple choice ang kadalasang exam sa math. hehehe!

Mel said...

yung rubik's cube na yan ay yung tipong 3x3 pa lang.. akala ko magaling na ako kasi nabuo ko na dati ang isang side...

tinuro sa akina ng tamang pagayos nyang lintek na "laruan" na yan tapos sabay sabi sa akin ng kaibigan ko...

Mina: tol pag kaya mo na yan, yung 6x6 naman ang ipapahiram ko sa iyo

Mel: ang sama naman, broken hearted na nga ako last year, ngayon utak ko naman ang sisirain mo!?

ayun, paper weight na alng ang rubik's cube na isang side alng ang nabuong kulay, apir!

DN said...

hahaha...anong reason???

Turismoboi said...

rubix makes me hilo hehehe!

KRIS JASPER said...

In my whole pathetic life.. twice ko lang yata nabuo yan.

wanderingcommuter said...

mel: yun lang, ganyan ang mga banat! ang tawag kan baliw na pag ibig. hehehe! biro lang. susunod niyang ibibigay sa iyo rubic hearts. hahaha.

dn; yung tungkol sa mga law students. hahaha! tingin ka first comment mo.

turismo boi: hahaha,,,ako din eh. kaya nagbobonamine muna ako bago ko siya titignan. hahaha!!!

kris jasper: WOW! congratulations! ako wala pa akong matandaan na nakabuo ako ng isang rubix cube. hahaha!

wanderingcommuter said...

mel: yun lang, ganyan ang mga banat! ang tawag kan baliw na pag ibig. hehehe! biro lang. susunod niyang ibibigay sa iyo rubic hearts. hahaha.

dn; yung tungkol sa mga law students. hahaha! tingin ka first comment mo.

turismo boi: hahaha,,,ako din eh. kaya nagbobonamine muna ako bago ko siya titignan. hahaha!!!

kris jasper: WOW! congratulations! ako wala pa akong matandaan na nakabuo ako ng isang rubix cube. hahaha!