Wednesday, July 15, 2009

ang natatanging alaala

Araw-araw, inaabangan ko ang kanyang pagdaan sa harap ng aming bahay.
At tama nga ako. Napakasarap ng kanyang laway.


dagli or short fiction is a form of literature, briefly narrating a story.

ano sa tingin niyo ang kwento?

Monday, July 13, 2009

tres panalos

a few weeks back, i posted something regarding a newly launched movement called TXTMATES. the group advocates equitable mobile market for cellular service consumers.

recently, the national telecommunication committee acted upon the ongoing issues of mobile carriers by extending the effectivity period of phone load credits. in addition, smart already launched its unlimited call service, which is considered as one of the good starts of the movement.

soon, globe and other mobile carries will also launch their counterpart for this one, as part of the market competition, an act that they should have done way back.

something i could be proud of for in my own ways i have been part of this movement.

all you need to do is to show your support guys. click here!

***

free theater play ticket. make a review. win zenzest gift packs, sinta and rene villanueva books and bilog cd... what more can you ask for?! salamat gibbs! you're the man, zobrah!

***

me: what would you suggest for someone who has colds?
JL: have you tried irish latte?
me: not yet. alright, give me a large one.
JL: pause... sir erik?
me: *blush, speechless* yes.

JL knows my name! HAHAHAHA!

but wait there's more...

thanks for giving your heart/s to me, JL!

hahaha!

peace ODIN!!! hahahaha!

three victories to start my week, not bad! keep them coming please!

Thursday, July 9, 2009

ang muling pagbisita ng mga pantasya

pantasya.

lahat naman tayo ay nabubuhay sa pantasya. walang buhay at katotohanan kung wala ito.

Yan ang nagbigkis sa Virgin Labfest 4: Revisited, tatlong piling mga dula mula noong nakaraang taon na sinama muli sa kasalukuyang lupon:

ang kalungkutan ng reyna
sa panulat at direksyon ni floy quintos

kung hindi ka mapraning paggising mo isang araw, na tanging ang version lang ni judy garland ng somewhere over the rainbow ang naririnig mo sa lahat ng istasyon ng radyo, aba ditse, icheck mo na ang ID mo at baka sumapi ka na pala sa katawan ng isang certain Yolanda Cadiz, ang Queen Ruler of the Kingdom of Mayee, Duchess of the twin dukedom of Moncada and Paniqui, Tarlac.

lost ba kayo?
basically, ito ang pantasya ni Yolanda Cadiz. ang palitan ng monarkiya ang demokrasya, gawing batayan ng ating GNP at GND ang beauty at fashion. at ang indikasyon ng pag-unlad ay nakabatay sa decadent expenditures ng ating bansa.

kahit kailan, hindi ako nahilig sa fashion at music. hindi din ako madaling turuan pagdating dito. forte ko ang international and national histories, politics and policies, kaya naman labis ang paghanga ko ng mapanuod ang dulang ito.

hindi madaling pagsamahin ang dalawang extremely opposite subjects, kala mo ba. kaya naman masasabi kong well-researched, politically rigid but aesthetically crafted ang kwento. ganapan pa ng dalawang primyado at hinahangaang mga aktor sa entablado. kaya naman isa lang ang masasabi ko: kokonsensyahin ka sa panunuod nito dahil higit pa sa kulang-kulang 200 pisong binayad mo ang dulang ito.

may bonus ka pang LSS (last song syndrome) ng somewhere over the rainbow, yung version ni judy garland ha?!

uuwi na ang nanay kong si darna
halaw ni job pagsibingan at direksyon ni catherine racsag

may theory ako na solid vilmanian ang sumulat ng dulang ito. for it has this coniving feeling na ang naging inspirasyon ng dula ay pinaghalong mga remakes ni ate V's Darna chronicles noong 1970s at touch ng pelikulang Anak noong 2000.

Magkagayon man, it actually makes perfect sense.

sa panahon ngayon, tinuturing na supertao ang pagiging isang OFW. kapalit ng malaking (o malaki nga ba?) sweldo ay ang pagganap sa isang mabigat na trabaho, mapalayo sa pamilya at ang mag-isa sa isang bansang alien sa iyo. dagdagan mo pa ng realisasyong, pinagsisilbihan mo ang iba't ibang mga tao, maliban sa sarili mong pamilya. kaya naman hindi na bago para sa atin ang mabalitaang may mga OFW na bumabalik ng bansa either baliw o nakabalikbayan crates na. because the job requires superhuman patience, hardwork at sanity.

kung titignan, may facade ang kwento na maging mababaw. at kung mababaw kang tao, lulutang ka lang sa facade na iyon. but if you'll dig deeper, maiintindihan mong ang pagiging satiriko ng dula ay kinakailangan upang matago ang isang napakalaking bomba ng katotohanan na naghihitay lamang sumabog sa harapan ng kanyang manunuod.

all in all, ang dula ay short pero all encompassing, brief pero hitik na hitik, at higit sa lahat realistic bagamat umiikot lamang sa pantasya ng isang musmos na makita muli ang kanyang inang OFW--- ang nanay niyang si darna.

ang bayot, ang meranao at ang habal-habal sa isang nakababagot na paghihintay sa kanto ng lanao del norte
panulat ni rogelio braga at direksyon ni nick olanka



simple lang naman ang pantasya ng bayot. ang mapakinggan siya, seryosohin at hindi ituring na mahina.
madali ding maunawaan ang pantasya ng meranao. gusto lang niyang hindi katakutan, siya'y igalang at pagkatiwalaan alinsunod sa kanilang maratabat.
at mas lalo na ang habal-habal. pantasya lang niyang masakyan, makapagbalanse sa gilid ng bangin at marating ang kailangan puntahan.
subalit ang mga ito ay sandaling nanatiling pantasya sa kantong iyon ng lanao del norte. dahil kinailangan pa nilang pagtalunan ang mga ito upang lubos na maunawaan ang kani-kanilang mga kaibahan.

napakanatural ng mga batuhan ng linya. at madalas makikita mo ang sariling napapailag din sa mga ito. siguro dahil alam mong kapag tinamaan ka siguradong masakit. dahil lahat naman tayo may biases, may judgment sa kapwa at higit sa lahat, lahat tayo kailangan lang mapakinggan at makinig. sa kabilang banda, umayon din ang kanilang mga adlib upang mapatampok ang kanilang talino at versatility bilang mga aktor sa entablado.

at sa pagtatapos, kahit nagpapaltos na ang pwet mo sa upuan at sumasayad na ang iyong nipples sa iyong tiyan (dahil sa kawalan ng masasandalan), iisipin mo pa din na sana magtagal pa ang palabas. dahil dito kahit papaano nakikita mong nagkakatotoo ang mga pantasya mo, kahit sandali, kahit malayo sa katotohanang naghihintay sa iyo sa paglabas mo ng entablado.

***

photo sources: