Tuesday, March 29, 2011

10 signs para malaman mo kung may boy/girl friend na ang crush mo (o babastedin ka ng liligawan mo)

10. mas updated at lagi siyang unang nakapanuod ng sine kesa sa iyo. pero kapag niyaya niyo naman, madami siyang excuses.
matapos ka'ng magnobena at humingi ng tulong kay sta.clara, st.jude at kerubin, niyaya mo ang crush mo manuod ng sine. banat mo pa, "napanood mo na ba ang ______?"
sagot naman niya, "oo, ang galing ng efex nun."
"eh yung __________?"
"oo, okay lang naman. mas dvd watching siya eh.
""aaahhh... yung pinakabago, yung ______________?"
"yup, nung rest day lang."
kulang na lang talaga tanungin mo, "bakit hindi ka nagyayaya?"
"gusto mo ba'ng manuod ng sine buklas? kahit ano'ng hidni mo pa napapanuod?"
"naku, super busy ako lately eh...."
ewan ko na lang kung hindi ka talaga mapamura.

9. kapag naging (mas) maporma at nagpapabango na siya ngayon.
kung isang araw, may naamoy ka'ng mabango, tapos first time mo pa'ng maamoy ito, at lalo na hindi pa naman malapit ang pay day, hanapin mo kaagad ang crush mo. kapag nakita mo siya na nakapower dress at malayo sa typical look niyang tshirt, jeans at rubber shoes o tsinelas. kabahan ka na, tsong!

8. kasama na sa expression niya ang linyang: "hindi ako pwede eh. may gagawin/pupuntahan ako".
kapag narerealize mo na lang na alam mo na ang pangalan ng tatay at nanay niya, mga kapatid niya, pet niya at lolo't lola niya o basically, alam mo na ang buong family tree niya kahit hindi mo pa sila nakikita. naku, wag ka'ng maging feelingero, hindi ka niya ipapakilala sa kanila. ginagamit lang niya, sila as an excuse para hindi sumama sa iyo.

7. hindi sumasabay umuwi, laging nauuna o iba ang dinaadaanan.
isang oras ka ng naghihintay sa labas. wishful thinking na pwede mo siyang sabayan sa pag uwi at maihatid man lang sa kanila. first move itong ng panliligaw kapag nagkataon. pero huli na ng malaman mo, kanina pa pala siya lumabas. at infact, mas nauna pa pala siyang lumabas sa iyo. the next day, gusto mo'ng kornerin. sinigurado mo ng mauuna ka'ng lumabas. nung nahuli mo na at inalok sabayan sa pag uwi, biglang nagtawag ng taxi at natatae na daw siya.ayun! dugo ang puso, durog ang first move...

6. Kapag may sudden change ng routine at hindi niyo na siya madalas kasama.
kapag madalang niyo na siyang nakakasama: sa ibang lugar na siya kumakain, sa ibang side na siya ng building nagyoyosi at iba na rin ang brand ng yosi niya---hindi ito simpleng pagbabago o make over lang, may nag iimpluwensiya sa kanya. believe me!

5. kapag patay na rin ang kanyang friendster, multiply, facebook at iba pang social networking site> last log in more than 3 weeks ago.
kasama sa panliligaw strategy mo ang pang-iistalk. at isang efecktib way ay anonymous viewing sa mga profiles niya sa internet, para malaman mo ang kanyang interest, favorites at madalas puntahan. pero 3 linggo ka nang nag oonline, ubos na ang pera mo sa kakarenta sa netopia, hindi pa rin siya nag uupdate at nag oonline. ang masaklap pa, nakaprivate viewing siya at hindi pa niya inaaccept ang invitation mo. haaay, sayang pera!

4. hindi o madalang na siya nag tetext. kahit lagi mo naman siya nakikitang nag tetext mag isa.
nagising ka isang araw at narealize mo na namimiss mo na ang mga text messages niya kahit na group forward messages pa ito. tapos isang araw, matutuwa ka dahil nag "goodmorning" siya. pero nang rineplyan mo naman, hindi na siya na nag reply back. minisscall mo pa pero wala pa ring epek, wala talagang reply.pero nang biglang pasuko ka na, biglang tumunog ang cellphone mo. magmamadali ka'ng iopen ang message tapos madadagdagan lang ang inis mo dahil globe advisory lang pala. argh!

3. kapag pumasok siyang naka turtle neck kahit hindi naman malamig o may band aid sa mga weird part ng katawan with the excuse na nakagat ng malaking kulisap.
matapos ang mga serye ng biglaang pag popower dress, magugulat ka na lang dahil papasok siya ng naka turtle neck kahit naknakan naman ng init sa labas. kung hindi naman talaga kaya ang init, nag baband aid pero super last resort na ito. panahon pa yata ng lolo at lola ko, ganito na ang mga style ng mga nagtatago.tip naman sa mga crinu-crush-an, pasalamat ka at uso ang mga scarf lately. kaya pwede mo'ng itago yan, kung ano man yan, gamit ito. kaya hindi magiging ganun ka obvious. *sorry dude, ayoko lang maging bias sa mga readers ko. its a subtle way of saying, i understand what they are going through. naks naman!

2. biglang bawal na mag overnight o mag inuman sa kanila.
ang bahay na pinag uugatan ng lahat ng nararamdaman mo. ang lugar kung saan mo siya unang nakilala: ngayon ay close na. kahit makailan ulit kang magyaya at kahit back up-an ka ng mga kaibigan niyo, hindi na raw talaga pwede mga visitors dun. siyempre classic na excuse dito ay nagagalit ang land lady, ang mga kapit bahay, ang mga askal at pusakal.

1. kapag may sun cellular na number na siya.
talaga nga namang hindi ka pa talaga sumusuko at natatauhan noh?!last resort na talaga, tatawagan mo na siya kahit below 20 pesos na lang load mo. kaso kahit ang pagpapaulan ng mga chummy at personalized messages ay walang epek at unlitxt na ang sumusuko, wala pa rin response. kungkaya't tawagan mo na. pero kung biglang nag out-of-coverage area, naku, isa lang nag ibig sabihin niyan mayroon siyang sun cell na tanging karelasyon niya lang ang laman sa phonebook. sa kasalukuyan, habang ikaw ay nagmumukmok sa kinalalagyan mo, sila naman ay nagpapalapnos ng tenga sa pakikitelebabad sa isa't-isa.

15 comments:

Toilet Thoughts said...

hmmm:
1. nagyaya kaming manuod ng sucker punch, pero napanood mo na.
2. kagabi tinatanong mo kung ok lang hairstyle mo. kaninang umaga naghahanap ka ng clay doh. gusto mo pang magpa blow dry ng buhok.
3. minsan mo na akong sinabihang hindi ka pwede.
4. may bago kang phone. anong sim nakasuksok dun sa isa?
5. kelan ka huling nag twitter? facebook? at well, bakit ngayon ka lang ulit nakapag blog?
6. dati kamusta ka ng kamusta, tumatawag ka pa. aba hindi ko alam nasa glorieta ka pala kagabi eh kelngan ko ng kasama.
7. hindi namn effective sayo ang turtle neck kasi hindi namn babakat sayo un kung sakali.

hmmm. so. ano na? bwahahaha!

Ryan said...

Benta! Kasi sa Sun Cellular at Turtle Neck lang yata hindi nagqualify yung friend naming ako lang ang nakakaalam na may syota. Hahaha!

chyngreyes.com said...

so agree with number 1
walang single ang bibili ng SUN!

(pero winner din ang turtle neck!) hahahah

charles said...

HAHAHAHA!! benta 'yung nka-turtle neck. at saka 'yung tatawag ng taxi dahil natatae na. haha

thecuriouscat said...

buti na lang talaga hindi ako ganyan, walang tumugma

kaya sa taken na ako nagkacrush para alam ko na wala ako mapapala kaya d ko na nagiging-crush agad-agad :P

nOx said...

makikidaan lang...

wapak ang number 1. kahit nung high school pa lang ako, yan na talaga ang telltale sign :))

Yj said...

ay bakit parang naiisip ko si Dabo sa turtleneck, band aid at scarf... wahahahahaha

benta ang comment ni Toilet Thoughts

Spiral Prince said...

oo na. guilty na ako. :))

cArLo said...

shal madami naka-relate a! panalo ang 10 signs mo a! lalo na yung nagtaxi dahil natatae ahaha ^_^
and about sun, totoo yan! haha nag-sun lang ako nung may jowa na ako, tapos pagkatapos e tinapon ko na. hehe ^_^

gillboard said...

gaya ng sabi ni toilet thoughts.

kalansaycollector said...

sun is the ultimate couple sim. haha


iniistalk ko yung crush kong kapitbahay sa fb. haha pakshet gumuho mundo ko nung may in a relationship with... na siya. boo! haha

wanderingcommuter said...

toilettots: walanghiya ka! ginagawan mo pa ako ng issue! NYAHAHAHA!

1. sa susunod kasi kapag magyaya ka ng movie sabihin mo kung anong title ng papanuorin para alam ko kung ano ang iiwasan.

2. ikaw kaya ang nagyaya na iblowdry buhok ko, tapos nagising ka naman ng late!

3. PALAGI mo akong sinasabihan ng hindi ka pwede!

4. globe yun! beh!

5. busy ako sa work! LOL

6. tinext kita 11pm ka na nagreply. ikaw tatanungin ko, anong ginawa mo sa market market? hahaha

7. ofcourse not, sa iba ko lang pinapalagay, ayaw ko sa neck! hahaha!

defensive me!

Niel Steve said...

tumpak!

whiteelephant said...

wohow this is soooo true! especially #1!

lyn said...

pano kung yung bf mo yung bumili ng sun at sinabi para daw sa 'work' yun :/