10. angel figurine
nung nauso ang angel figurines, baduy ang mga bahay na walang collection nito. palakihan, pagandahan at pamahalan ang labanan ng mga bahay-bahay. siyempre, dahil uso hindi rin naman nagpahuli ang divisoria at quiapo sa paglabas ng mga murang angel figurines. makakabili ka na ng isang set compose of 4 figurines sa 100. kaya naman patok na patok ito sa mga kuripot na nanay na kailangang bilhan ang mga anak nila ng regalo.
sa isip ko nung nakatanggap ako ng ganito, eh aanhin ko naman ito? nanay ko lang matutuwa dito. e pano ang sariling kaligayahan ko? nang makita ng nanay ko ang regalo tuwang tuwa siya, nilapitan pa niya yung nanay nung kaklase ko'ng nagbigay. nagtawanan sila, yun pala angel figurines din ang binili ng nanay ko para sa regalong ibibigay ko. sana pala nag exchange gift na lang yung mga nanay namin.
9. ballpen
sa mga pangregalong ballpen dinadaan lahat sa packaging. pero madalas hanggang packaging lang sila. sa unang gamit matutuwa ka dahil ang kapal pa ng tinta pero after a while mapapansin mo na unti-unti na itong numinipis at paputol putol hanggang sa mapipikon ka na lang dahil wala pa siyang isang linggo ay ubos na. hindi man lamang nakaabot ng bagong taon ang regalo mo.
8. gift cheque
kapag nakatanggap ka ng regalong ganito, isa lang ang ibig sabihin, tamad mag isip ang taong nakabunot sa iyo at wala siyang interes na alamin ang mga hilig mo. umiyak ka na lang kung crush mo pa ang naka bunot sa iyo. gawin mo, titigan mo siya mata tapos mag ala nora ka'ng magwawatery eyes. lapitan mo siya, pagbagsak ng matatabang luha, sampalin mo sa mukha sabay takbo. tignan mo hahabulin ka nun.
*asa. hahaha. conceited ka talaga ate, hindi ka na nadala.
7. picture frame
dala na rin ng paglabas ng mga digicam (na nagpabagsak sa industriya ng photo films) at mga online social networking websites, madalang na talaga sa atin ang nag priprint ng mga pictures. kaya naman nakakainis din kapag may nagregalo ng picture frame. mapipilitan ka pa tuloy magpaprint. masaklap pa, sa sobrang dami ng mga pictures mo sa mga sites na ito at hindi na regulated ang pwedeng mo'ng kunan dahil na rin hindi mo na kailangan isipin kung may available film ka pa, ang hirap maghanap ng picture na pwede mo'ng ipaprint at ipaframe!
6. alarm clock kung binigyan ka ng regalong ganito isa lang ang ibig sabihin, pansin na ng mga tao na lagi ka'ng late at oras ng magbago. pero madalas sa mga alarm clock na ganito either one time big time mo lang pwedeng gamitin o mas malakas pa ang utot mo kapag mag alarm.
5. wallet sinong makakalimot sa seiko wallet, ang wallet na maswerte? kung mayaman ka bibili ka ng original. pero kung swabe lang ayus na yung mga imitations na binebenta sa cvc sa ilalim ng lrt monumento station. tapos babawiin sa singkwenta na nakalagay sa loob. sa chinese daw kasi swerte yun para lalong dumami ang pera.
4. kalendaryo madalas sa mga ganitong regalo ay binibigay ng mga business man. obvious naman dahil makikita mo pa sa taas ng kalendaryo in bonggang bonggang bold and italicized letters ang business name nila. good advertising strategy kung tutuusin, pero kung tutuusin rin give away ito hindi regalo. as far as i know, magkaiba yun.
3. commercial product tshirts speaking of businesses, isa rin sa mga madalas na iregalo ng mga business man ay tshirts na may bonggang bonggang bold and italicized letters ang business name nila. pero ang kaibahan ng kalendaryo at tshirt ay makikita kung gaano ka kaclose sa namimigay. kung mas hindi kayo ganun kaclose, calendaryo. kung nasa point na kayo'ng kayang magbeso-beso, ayan tshirt. pero bottomline pa rin, give away ito hindi regalo---GIVE AWAY!
2. mga bagay na madaming ilaw hindi ko alam pero feeling ko sadyang may fascination tayong mga pinoy sa mga bagay na umiilaw, mapa trumpo, yoyo, ballpen, lighter o ano pa man yan. kahit wala naman talagang purpose ang pag ilaw ng mga ito feeling natin elegante na siya basta umiilaw.
1. good morning towels dalawang tao lang ang matutuwa kapag binigyan mo ng ganito, kundi nanay ng batang malikot ay jeepny driver. sabi ko nga nung nakatanggap ako ng ganito nung second year highscool, "what am i twelve? thirteen na kaya ako, panyo na naman. malaki na kaya ako!"