sa pagkakaalam ko, dito sa maynila, pinagbabawala ang pagsabit sa mga sasakyan. marahil kung sa probinsya lamang namin ito naka kahit sa top load pwede ka'ng sumakay at pwamis kakaiba ang feeling. meron pala talaga siguro sa ating mge "emo self" yung kahit sa sandaling yun ay mas mataas at mabilis ka sa iba. naks, mara clara po pala ito---inaapi!
pero siyempre hindi ito probinsiya---maynila ito. dito, hindi mo mararamdaman na mataas at mabilis ka sa ibang tao kapag sumakay ka sa top load. bagkus, mararamdaman mo'ng mas nakakaawa ka sa iba. imaginin mo na lang ang dumi mo pagbababa mo, teng! daig mo pa ang taong grasa sa dilim este itim!
honestly, hindi ako marunong sumabit. bukod kasi sa hindi ganun kalakas ang grip at kasteady ang balance ko, pasmado pa po ang kamay ko. minsan, inatake ako ng pagiging gentleman sa probinsiya at pinaupo ko yung matandang babae na nagtitinda ng hipon sa timba. si manang naman kasi kahit alam ng puno okay lang daw na tumayo na lang siya sa may pinto. siyempre hindi naman yun kinaya ng konsensya ko, kaya sumabit na lang ako.
eh first time kong sumabit yun... HOOOWWOOOOOOOOHHHHHH!!! nanginig ang tuhod ko at siyempre dahil probinsya yun, parang iyo lang talaga ang kalsada, walang trapik at ugali ng mga jeepny driver na makipag unahan sa isa't isa. opo, kung akala niyo killer bus lang sa metro manila ang ganid sa pasahero, wait lang kayo kapag nakakita kayo ng mini-killer 6 seater jeepny sa probinya... nag iiSLASH siya, hindi lang cut, ISLASH!
yun ang unang pagkakataon na hiniling ko na sana matrapik kami! dahil nag iislide na talaga ang namamasang kamay kooooooooooo.... aggggguuuuuyyyyy....
parang eksena sa pelikula na mahuhulog sa cliff ang iyong love of your life at pinipilit mo sa siyang isave. pero unti-unting nadudulas ang kamay niyo sa isa't-isa hanggang sa makakabitaw ka, mahuhulog siya ta habambuhay mo'ng dadalhin ang guilt na yun.
GANUN!!! ang pakiramdam! iisipin mo na sana hindi ako naghuhugas agad ng kamay matapos...
balik usapan.
kahapon, nakakita ako ng isang grupo ng mga taong nag aabang ng masasakyan. may lalaking, mukhang hindi magpapatalo kanino, si miss na tinanggal na ang high heels para sa dadaan na masasakyan, si manong na naka pambalya pose na... pagdating ng jeep... karipas sila. mahampas ang mahampas, masipa ang masipa, mabalya ang mabalya... kesehodang mabayagan, madakmaan ng suso, masapak sa mukha, mamudmod sa kilikili ng iba, basta ang makasakay.
ganito ang eksena sa rush hour!
at kung nagtataka kayo kung ano ang kinalaman ng mga pictures sa taas...
kasi si cute manong na nakasabit kahit pantalon sumasabit sa pwet... nag wewedgy lang siya at pinagmamasdan namin sya ng kaibigan ko habang hirap na hirap siya at sumidiskarte kung papaano niya tatanggalin yung kinakain ng pwet niya.
uyyy siyempre babalikan mo naman... hahaha...
kahapon din, nalaman ko ang isa sa pinakamalungkot na bagay tungkol sa akin galing sa isang doctor. gusto ko'ng maiyak ng sinabi niya yun sa akin habang nakahiga ako sa kama at may oxygen mask sa mukha. pero kinailangan ko'ng magpakatatag, alam ko'ng isa muli itong pagsubok.
sabi niya, hindi na daw ako pwede uminom dahil sa hyper tension ko. ooohhh yes, sa edad ko'ng 23 may hypertension na ako. hindi ko man alam kung ano yun, feeling ko its something grave kasi matagal ko na palang nararamdaman ang symptoms hindi pa ako nagpapacheck up. PANALO!
not to mention pa ang life style ko na naknaknakan nang HEALTHY!!!
so, starting today, less fats, more fruits, less smoke and no drinking na...
yup, you heard it right!!! no drinking muna! i need to... sad to say.
but atleast i had fun with my last drinking session because someone mess with the ewik.
.
..
...
cause no one mess with the EWIK.
cause this what happens to them.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA!
HAPPY HOLIDAYS GUYS!!!
18 comments:
buti na lang eh talagang bawal na dito sa maynila ang mga sabit sa dyip.
pero mas wala naman titindi pa dyan sa mga dyip na kaskasero, yung mga drayber na sobrang bilis magmaneho na nakikipaghabulan sa ibang sasakyan.
healthy living ka na pala dapat ngayon wik..cheers to that! ooopppsss...
hindi pala dapat uminom..
so shake hands nalang..hahah!
I have an idea, pero ayaw kong mag guess kong sino ang nasa last pic..hahahah!
no drinking muna!
maganda yan. may pag-asa. hehe
I hope you stick to your plan of healthy living! :) I support you! :)
But, most importantly, remember this:
Our mental and emotional diets determine our overall energy levels, health and well-being more than we realize. Every thought and feeling, no matter how big or small, impacts our inner energy reserves.
:)
~kinesics
P.S. I dont think I'll get drunk when you are around! :)
sabi na nga ba. napansin mo na naman yung pwet ni dudung. hahaha.
wow. gentleman. wapak!
hindi rin ako sanay na sumabit sa mga sasakyan. hindi naman kasi ako sumasakay lalo na kung puno na ang jeep. hehehe! maliban na lang siguro kung late o natatae nako. haha!
pati yung wedgy ng mama walang kawala sayo hahahaha! ingat ka baka someone is doing the same thing to you. hehehe!
HPN???tsk...you need some exercise at bawal ang maalat.
peace out!
---
thanks sa comment. :)
haha, ito na siguro ang pinakanakakatawang nabasa ko sa mga nabasa kong posts mo ewik...
may "PWAMIS" pa eh hekhke!
apir!
hindi lang naman sa pag-inom nakukuha ang hypertension, siguro sa lifetyle mo na rin na baka sedentary masyado. ako nga malapit na sa area na iyan - pre-hypertension pa lang naman. mahilig kasi dati sa maalat at matatabang pagkain kaya ilang buwan ko nang iniwasan iyon - kahit pa wala akong bisyo bukod sa video games lang.
hahaha... ganyan nga talaga pag rush hour. kung minsan nga sa mga trailer vans at trucks may mga estudyanteng sumasabit.
nagawa ko na rin ang sumabit at talagang enjoy. lalo na sa probinsya. normal ang mga ganitong senaryo. kahit tricycle, dami ding sumasabit.
Bakit naman sa dami ng pede mapansin eh pwet ang napansin mo? Pede naman yung bag. Or yung cap ni manong. or yung shirt.
Mahilig ka sa pwet? LOL! =)
dapat no smoking na rin kaya! alagaan mo kasi mabuti health mo tsk tsk!
hindi kaya lasing ka ng naisulat mo itong post nato?
hahaha huling pahabol?
waaah ayokong-ayoko mawalan ng sasakyan pauwi kaya lagi me natotrauma nun kapag 6pm na't madilim
e wala pa din me masakyan pauwi.
Hahaha. Nakakatawa naman ang pagsabit mo.
Hmm. Sino kaya ito. Mukang cute. Hehe.
di ko yata kaya ang lifestyle ng maynila..lalo na ang makipag -agawan sa jeepney.
at dahil mya hypertension ka..bawal ang pork.tulad nung sa ads..madami ng bawal..hehe! moderation lang yan at exercise.
dude, ang hirap nian. been there.
It's not the speed that kills; it's the sudden stop.
it's hard, pero kaya magstop. nakakloka nga lang ung mga U.B.E. moments tapos wala kna yosi at beer! kakaiyak!
pareho na tayo ngayon!hehe (isipin nalang naten na magkakaganito din cla, nauna lang madetect sakit nten!) wahahha
kelangan talagang izoom natin ang gutom na likuran ni kuya!!! hehehe
good luck sa hypertension... fruits, tubig at tulog lang katapat niyan..
Si Dabo yang last pic..hula ko lang.
--hehehe
From: secret,walang clue...
wow ako din minsan na lang umiinom hahaha. at wish ko lang walang nag pipicture picture sakin pag lasheng nako...
Post a Comment