Monday, October 6, 2008

top 10: another mrt reminders

10. ate, kung sasakay ka ng mrt at balak mong makipagigitgitan sa mga kalalakihan dahil alam mo'ng mas malaki ang tsansa mo'ng makaupo ka kesa sa cart ng mga babae, siguraduhin mo lang na hindi ka magsusuot ng medyo plunging o nagbabacon strips na kwelyo. medyo nagiging humble kasi ang mga manong na nakatayo sa harapan mo at lahat sila ay biglang iniistiff neck ng nakayuko.

9. sir, sa hubog at laki ng yung biceps, malalaman na ng lahat na nag ggym ka. kaya kung sasakay ka ng mrt, please lang, huwag ka na magsando. maliban kasi sa kumikintab sa tawas ang iyong lekileki, medyo disoriented at kung saan saan pa nakakarating ang mga buhok mo diyan.

8. madam, kung naiinis ka dahil walang lalaki nag aalok sa iyo ng upuan, huwag ka ng lagatik ka ng lagatik (tsk! tsk!). siksikan ang mga tao sa loob ng tren at hindi mo kontrol kung saan dadapo ang iyong laway.

7. kuya, hindi po ikaw ang tipo ko at lalong malayo pa ang sweldo. kaya please, huwag kang masyadong nakasandal sa akin. medyo alam ko na kasi kung nasaan ang pusod mo.

6. mga magigiting na manggagawang manong at manang, alam niyo po'ng nasa inyo ang aking lubos na paggalang at respeto. subalit kapag minsan, dapat po two-way process din yan. kapag sasakay naman po tayo ng tren, medyo sana po ay pilitin natin maligo. kung hindi naman po talaga kaya dahil nauunawaan ko rin naman minsan hindi lahat tayo sa lungsod ay may access sa tubig, sana naman po huwag tayong masyadong manggitgit at sumiksik kahit bumubulwak na sa dami ng pasahero at lalo na kapag walang aircon ang tren. hindi po kasi ako nagdadal ng extra na damit. may tren din naman pong dadating. lubos na gumagalang, yours truly.

5. people! sabi nga sa radyo, maging magalang. huwag sasalubungin ang mga bababa, hindi niyo po sila kamag anak.

4. manong at manang guard, alam ko po'ng pangunahing layunin ninyo ang aming kapakanan. subalit pag minsan naman po huwag masyadong marahas sa bag ko. japeks lang po yan dahil wala akong pambili ng original at lalong wala akong pambili ng bago. isa pa, matangkad po akong tao kaya taas-taasan niyo din po ang kapkap sa akin. baka po ibang baril ang makapa niyo. patay tayo dyan.

3. auntie, sabi ng sign don't step the yellow line. kung hindi mo maintindihan. huwag lumagpas sa dilaw na linya. huwag ka'ng mag alala nasa unahan ka na at hindi ka iiwan ng tren. baka kasi sa kaatatan mo kunin ka na tren ng tuluyan.

2. manong tren driver, halos kalahating oras na akong naghihintay. nasaan ka na? lunch break mo ba? 3 tren na mula sa kabilang lane ang dumating at umalis wala ka pa rin. pucha! naiihi pa ako. sa wakas, ayan na si manong tren driver. matulin ang takbo at parang nagmamadaling kunin kaming mag sabik na sabik na pasahero. eto na ang pintuan, malapit na. sabik na sabik na akong pumasok. andyan na bilis pa. biliiissss paaaaaa..... lumagpas ang tren. naihi daw ako.

1. dear mrt, tatlong tren na ang dumaan hindi pa ako nakakasakay. bakit ba kailangan kasing pagdating ng cubao, e bumubulwak ka sa dami ng pasahero? ang hirap mo sakyan. kapag ang susunod na tren ay puno pa rin, bababa na ako at kukuha na lang ng taxi at isusumpang hindi na muli sasakay sa iyo. sawang sawa na ako puro na lang frustrations ang nakukuha ko sa iyo. kundi ka lang talaga time-saving at cheap, hindi ako magtitiyaga sa, kala mo. ito na ang susunod, naku... keep your finger cross na lang. huwag ka'ng puno. huwag ka'ng puno. huwag ka'ng puno..HU..waawww!!! totoo ba ito, walang laman? para lang ako sumakay sa north edsa station ah. o siya, since maluwag ka na naman at nakikisama ka din pala, hahayaan ko na ang ibang pasahero makaupo. baka naman sabihin mo wala akong utang na loob. TING! "next station, santolan station. ang susunod na istasyon ay santolan station" konti din ang mga tao. teka, parang kilala ko siya.... artista ito, crush ko ito. hindi ako pwedeng magkamali. sumasakay din pala siya ng mrt. naku, tumayo pa sa tabi ko. siya nga! hala... sana kahit dumampi lang ang braso ko sa balat niya, kahit dumikit lang ang amoy. lapit pa...lapit ka pa. ortigas, shaw, boni, guadalupe...

TING! istasyon ko na...

anak ka talaga ng TOOOT!!! MRT, bakit hindi ka sumikip??! nakaka-FRUSTRATE ka na talaga! PACHU! PACHU!


*pansin ko puro na lang rin ako mrt... hindi na ako marunong sumakay ng jeep. hahaha! dapat may sarili na rin label ang MRT...

28 comments:

Myk2ts said...

tama ka jan, nakakaloka ang mga nakatayo sa may pinto lalo na sa may ayala. akala mo kamaganak! kung makasalubong akala mo me dala kang balikbayan box! azar!

bwisit! said...

hay buti na lang qc bound lang ako. nakakalokah talaga ang mrt lalo na pagdating ng 5pm onwards. pero mas nakakalokah ang patak ng metro sa taxi hehehe

odin hood said...

hahaha nakakaaliw talaga mga kwentong mrt mo

gillboard said...

hmmm.. medyo matagal na rin akong di nag mrt... nakakatrauma sumakay ng rush hour... andyan nang mahipuan ka... malas mo pa kung karpintero nasa likod mo... natusok ako ng martilyo nya nung nagsisiksikan sa loob...nasugatan ata ako noon.

Boying Opaw said...

huyy!! kras. hahaha. madaling araw na 'to ah. hahaha.

tsk. tsk. kung kelan kelangang masikip si MRT, tsaka pa alang sumasakay. hahaha.

kung magkakasabay tayo sa MRT, kahit walang ibang pasahero, didikit ako sa iyo. hahaha. UY!!!

Kape Kanlaon\ said...

Ang COol!.. para ka lang nasa isang kwarto na nangangaral sa ibat-ibang klase ng mga tao..
at bad trip nga yun! kung kelan pa kailangang masikip para makahaplos man lang.. tsk tsk tsk

Mrs. Spin's said...

natawa ako sa number 5..wahahaha

Joaqui said...

This is so funny!

Most of these I saw with my very own eyes. :)

. said...

Pansin ko nga puro MRT ang kwento mo. Tinatamad akong bumili ng ticket, makipagsiksikan at tumayo sa loob ng MRT. Dedma na sa bilis, basta ako, mamimili ng brand-new Made in China na bus sa ibaba.

Marck Rimorin said...

ewik: i so heart you for introducing me to C5. rotfl

pero yun lang, early to bed early to rise... and the MRT is the only queue in the world that goes sideways.

@mrt w/ guy na pa-simpleng titingin tapos pumuwesto na sa tabi ko, @mrt cubao morning na tulakan kasi may space pa daw mumurahin ka...

adds to emo. believe me.

mikel said...

i swear by number 4! yung manang guard sa may magallanes (south-bound), naku talaga! hilahin niya talaga yung bag mo pag nagmamadali ka at nagkamaling maisnab siya. tsk. hila kung hila talaga. haha

sa sobrang complex ng mrt experience, i propose na magtayo ng bagong course na tatawagin "MRT Studies" na siyang gagamit ng iba't ibang siyentipikong perspektiba (1) upang mas lubos na maunawaan ang dinamks ng mrt at (2) upang makapag-predikt sa hinaharap ng dinamikong ito.

haha

Anonymous said...

5. people! sabi nga sa radyo, maging magalang. huwag sasalubungin ang mga bababa, hindi niyo po sila kamag anak.

laughtrip naman to. minsan lang ako sumakay ng mrt. kapag desperadong makarating ng mas maaga. pero kung ang balak ko e makarating ng mas komportable at less pawis, bus na lang muna ako. hahaha

Bienthoughts [a.ride.to.life] said...

korek, korek, lalo na yung mga manggagawang nanggagaling sa Guadalupe, ay nako, sisiksikin ka talaga hanggang mayupi ka, kahit wala nang space. at talagang magsisigawan silang lahat na kala mo kung sinong mga siga sa tren..

haggard nga sumakay sa MRT pre, pero sa sobrang dami mong nararanasan sa isang sakayan, paguwi, mapapatawa ka na lang.. hahaha ;-) nice one!

mrs.j said...

panalo

very commuter tlga!

Looking For The Source said...

this is funny.



i remembered one time kwento ng ate ko, she saw an incident sa mrt. may 2 babaeng parang nagkakainitan sa pagpasok sa tren. ung isang babae nakapasok sa mrt. ung isa hindi. inis yata ung babaeng nakapasok, kaya nung habang pasara na ung door ng tren, sinampal nya ung babae sa labas. malamang badtrip ung babae sa labas hindi makaganti. sarado na ung door eh...

hahahaha..

mrt nga naman!

aajao said...

natawa rin ako sa number 5. haha! parang airport lang sa pagsalubong? hahaha

onatdonuts said...

hahaha

nakakatawa ka tsong...the best nga ang number 5...meron pa isa, ate kapag punong puno ang tren na mala-sardinas ang dating...wag kang mag-expect na hindi ka masisiksik. hehe wag masyado maarte, hindi ka naman masyado maganda, hehe gusto mo bili ka ng sarili mong MRT. hehe

KRIS JASPER said...

ok ah, parang di ka naman galit sa mga train/MRT driver? wala ba silang suggestion box?

at sino ba yung artista na yun?

jericho said...

sumulat a kaya sa management? hehe malay mo ilagay sa pintuan angmga paalala an ito. hehe

Ely said...

YES to all especially number SIX! hehehe

escape said...

hahaha... ganyan nga talaga sa mrt. naiinis din ako sa sistema nila. lalo na kung delayed dumadating ang tren. ang gulo gulo. kakadala rin.

Anonymous said...

Mabibilang lang ang araw na sumakay ako sa MR.Ngunit dahil sa mga isinusulat mo dito, gusto kong subukan.

Anonymous said...

Siyanga pala, ganyan din sa mga aircon buses tuwing umaga. Parang hindi na nga airconditioned yung sasakyan.

the spool artist said...

bwahahaha... couldn't stop laughing! now, i miss the MRT - and you made each ride sound like a great fun Pinoy pop adventure!

I'm adding you to my blog list if you dont mind!

Chyng said...

at dahil til 11pm na ang lrt, maginhawa na ang buhay ng mga taong-gabi! wow!

Sprechtrel said...

Ganyan kahirap ba ang sumakay ng MRT? Mukhang kada-sakay ay parang nakikipagsagupaan ka na sa lahat ng bagay ah. :| But besides that, nakakatuwa rin yung paraan ng pagpapayo mo via top 10. :P

Niel said...

ako talaga, iwas ako sa mrt hangga't maari. lilipat ako ng tirahan kung kailangan.

Anonymous said...

pet peeve ko yang mga naka-sando talaga. ehehe. seriously.

pag nasa mall ako or mrt, men in sandos irk me. come on, it's a frakkin' undershirt. it's supposed to be underneath a shirt. why would you go out in your undershirt? Magbi-beach?

SOrry, the conservative in me is complaining. ehehe. Napa-rant tuloy ako. haha.