Saturday, October 4, 2008

kuliti: pagtatanggol sa pag-ibig

naalala ko, noong bata pa ako, nagising ako na may kakaibang kati sa kanang mata. nagulat na lang ako ng kinamot ko ito at nakaramdam ako ng kirot at parang may bumubukol pa. hindi ko naman ito masyadong pinansin nung una hanggang sa nakalabas ako ng bahay. pagpasok ko ng klase, umulan ng panunukso at kumulog ng tawan.
"ahhh, may kuliti... naninilip!," tukso ng isang kaklase tapos ay nagtawanan ng malakas ang halos buong klase.

subalit sabi ng titser ko sa science, hindi naman daw totoo ang ganitong paniniwala sapagkat ang kuliti ay nangyayari dahil sa duming pumasok at umiimpeksyon sa mata. pero siyempre dahil ako ang bida ng araw na iyon, hindi naniwala ang mga kaklase ko. hindi ko na lang matandaan kung umuwi akong umiiyak o may pasa sa mukha.

pero dahil batang lucky me ako noong bata (batang smart), naisip ko, papaano nakakabuo ang tao ng mga ganitong paniniwala partikular sa kuliti? wala lang ba silang maisip na ibang pantukso? at bakit sa dinami dami pa ng pwedeng iugnay paninilip pa?

malamang, kahit isang kawa ng lucky me beef ang kainin ko noong bata ako, hindi ko masasagot ang sariling mga tanong ko. noong nagcollege na lang ng natututo ako mag yosi nang naalala't napag isipan ko ulit ito. kapag naninilip ka, tinitignan mo ng palihim ang mga bagay na pilit na tinatago sa iyo: mga imaheng hindi mo dapat makita. subalit may kakaibang pagnanasa ang bawat tao na malaman ang mga ganitong bagay, kaya marahil may tinatawag na curiosity.

marahil ito rin ang dahilan kung bakit pilit ko'ng inaabot noong bata ako ang mga bala ng betamax na tinatago ni papa sa tuktok ng aparador (kaya din siguro tumangkad dahil sa kakaabot nun). o kung bakit palihim akong pumapasok sa kwarto ng tito ko para hanapin ang mga magasin na ayaw niyang ipakita sa amin. bakit kasi kailangan may itago at bakit may bawal malaman?

sabi ng isang pilosopo, may kakaibang ibinibigay ang paninilip. nagkakaroon ito ng kapangyarihan laban sa kanyang (mga) sinisilipan sapagkat nakakabuo ito ng mga larawan na hindi batid ng kabila. pwede niyang balahurain ito, pabukakain, bastusin, padapain, patuwarin ito sa ayon na rin sa wildness ng kanyang imahinasyon. ang mga bagay na kadalasang itinatago kaya tinatago ay madumi daw. binabahiran daw nito ng dungis ang mga nakakakita sa kabila ng katotohanang lahat naman tayo ay may kanya-kanyang dumi. subalit tingin ko, ang mata o ang sariling isipan ang siya lamang nagbibigay dumi rito.

marahil kaya nabuo ang paniniwalang magkakakuliti ang taong maninilip ay upang takutin at ilayo ang nakararam sa mga bagay na dapat raw itago. subalit naiisip ko, kadalasan, ang mga bagay na tinatago sa atin, ay yung pa'ng mga na nagpapalaya sa atin. dito tayo namumulat at lubos na naiintindihan ang mga bagay na hindi natin maintindihan. tayo ay lumalaya sa mga pag iimbot at mga sariling konsiderasyon, na ibinakod sa atin ng sariling lipunan.

***

inabot sa akin ni dette ang sequel ng kanilang libro, na may pamagat na kuliti: pagtatanggol sa pag ibig. ito ay isang antolohiya ng maiiksing kwento tungkol sa iba't-ibang tagong relasyon. sabi ni dette, layon daw ng librong ito ang pasilipin at magawang ipaunawa sa mga mambabasa ang dinamismo ng iba't ibang uri ng relasyon meron ang tao.


kadalasan kasi, kapag sinabing relasyon, marami sa atin ay nakakakahon lamang sa depinisyon ng lalaki at babae. ang seks ay dapat sa loob lamang ng kasal. ang pag ibig ay kailangan pa'ng nakabatay sa iba't ibang kwalipikasyon at lahat ng labas dito ay tinatawag ng abnormal o hindi tanggap.

ang bawat isa sa atin ay may kanya kanyang kiling o bias. palagay, ko wala kahit sino ang maaring sabihing open minded siya. maaring open tayo sa isang bagay at hidni naman sa kabila. sapagkat lahat tayo ay may kanya-kanyang o iba-ibang paniniwala batay na rin sa kung papaano tayo hinuhubog at pinalaki.

kahit ako masasabi ko'ng hindi pa ako ganoon kamulat tungkol sa maraming bagay sa paligid ko. ilag pa rin ako sa konsepto ng bestiality o pakikipagtalik sa mga hayup, necrophilia o ang obsesyo na kalauna'y passion sa mga patay at pedophilia o ang obsesasyon sa mga bata at marami pa'ng iba.

kaya naman marami sa atin, ang hindi maiwasang magpahayag ng mga pananaw na lubhang nakakadurog ng pagkatao. sabi nga ng isang linya sa libro, ang tao ang gumagawa ng sarili niyang katotohanan. at sa tingin ko, ito rin ang nagsisilang ng napakaraming kasinungalingan sa mundo. siguro gulong gulo na kayo sa mga pinagsasabi ko. mabuti pa't basahin niyo na lang ang libro.

trivia: ang libro ay nalimbag sa tulong ni ginoong boy abunda. wala lang. hahaha!

7 comments:

gillboard said...

alala ko tong kasabihan na ito... kawawa yung kaklase ko noon, kasi palagi siyang may kuliti (sensitive kasi mata)... parang every other day pinagdidiskitahan ng buong klase.

wala lang... layo sa post mo... hehehe

. said...

Totoong ang mga bagay na tinatago natin ang siyang magbibigay sa atin ng tunay na kalayaan.

Nakakalungkot na lamang na habang tumatagal, marami sa atin ang humahanap ng sagot sa pawang pakikiramdaman lamang.

Diablo said...

i was abt to buy a copy. i was just put off by the boy abunda factor in the equation.

Kris Canimo said...

SHAMELESS PLUGGING!

kung ikaw ay natuwa, nahilo, nagulat, naiyak (o kahit ano na lang), sa entry ko para sa e[kwento]mo na pinamagatang Sanlaksang Katanungan, lubos kong ikagagalak kung iboboto niyo ito. Paano ba 'ka mo?

1. "pumunta lamang dito sa link na ito.

2. mag-iwan ng isang komentong nagsasabi na binoboto niyo ngang talaga ang Sanlaksang Katanungan ko haha.

pwedeng ganito:

(a) yeah, im making boto for Sanlaksang Katanungan, because it was like, you know, nakaka-cry.
(b) kahit hindi naman maganda at puno ng typo, sige iboboto ko na rin ang Sanlaksang Katanungan kasi ang kapal ng mukha nung author na magpromote ng sarili niyang entry,
(c) i vote for sanlaksang katanungan. period.

3. at para i-confirm ang boto, mag-eemail sila sa email address na gagamitin niyo sa pagboto, kaya naman please regularly check your inbox ;)

hindi ipinagbabawal ang pagbabasa ng ibang entry. basahin niyo na rin baka sakaling magbago isip niyo :)

maraming salamat! ;)

-prosetitute

Boying Opaw said...

oo nga. masasabi ko rin na hindi ako open-minded. may kakitiran din ang utak ko. pero alam ko hindi ako nag-iisa. hahaha.

oo nga. bakit ba may mga tinatago? bakit kapag tinatanong si ewik, laging secret?

hahaha. peace, ewik.

KRIS JASPER said...

di ko pa na-experience yan, not that Im wishing for it... nah...

anyway, nahilig din akong manood ng betamax tapes ni dad nun.. hahaha!!! ba't ba ang sarap gawin ang isang bagay na feeling mo eh mabubuko ka anytime?

Looking For The Source said...

ang sabi sakin nung bata ako, another reason daw kung bakit ka nagkakakuliti eh dahil sa kinagat daw ng ipis! nyahahah