kadalasan, kapag papasok ako sa isang coffee shop, nakadepende ang oorderin ko sa panahon, sa mood, sa pangangailangan, sa haba ng oras na gusto ko'ng ilagi (para sa kanilang wi-fi) at siyempre sa perang dala ko. wala akong "usual" na inoorder. kaya minsan naiingit din ako kapag naririnig kong tinatanong ang customer na nasa harapan ko nang, "the usual mam/sir?" parang ang ranya pakinggan: parang ang three word question na iyun ay awtomatic ng sasabihin ang class status ng bibili.
*kapag sumagot ng yes at ang binigay ay brewed coffee (regardless kung anong size), usually matatandang mayaman na makikibasa lang ng dyaryo habang hinihintay ang asawa o anak na matapos ang weekly or monthly grocery o shopping.
**kapag frappuccino (na madalas venti o biggest size) naman, kadalasan dalawa lang yan, mga yuppies (young professionals) na gustong sulitin ang wi-fi ng cafe o mga magkakaibigan doing there regular relationship-sex-life updates, tsismisan ang tawag kung masa o mahirap ka.
***kapag hot brews naman like cafe latte, americano etc., kadalasan, mga professionals na "to-go" ang mga ito. dumaan lang para mag gising ng mga cells bago pumasok, o di kaya naman ay mga medical o law students na masigasig sa pag aaral (ehem...ehem)
****samantalang sa mga nag iiced tea o fruit juice/shake, ito ay yung mga pa demour o allergic sa kape-type na customer.
pero siyempre meron din naman mga exception to the rule, partikular duon ang mga tipo ng customer na bumibili lang sa mga unang araw ng katapusan at kinsenas. tapos bigla na lang mawawala pagdating ng ikalawang linggo (lusot ang mga empleyadong biweekly ang sahod). mahirap ng mag explain, kaya i gets niyo na lang.subalit dahil pabibo akong bata, hindi ko masasabing mayroon akong the usual na order. madalas gusto ko'ng magpanggap na coffee expert kahit dalawang beses lang naman ako nagkakape sa isang araw. 3-in-1 pa. lalo na kapag pinasisiklaban pa ako ng barista ng mabilis at canned na english, naku lalo akong ginaganahan pahirapan sila. may mga pagkakataon kasi lalo na kapag walang ginagawa sa opisina ay nagbrobrowse ako ng mga coffee websites at sinusundan ang mga flow charts na pwede mo'ng orderin. mga tipong one macchiatto frappucino, decaf, unsweetened, coffee based grande. kung anong lasa nun? ayus naman... dahil sa katotohanan naman tulad ng beer, kahit hindi naman talaga masarap ang iniinom, napapainom ka pa rin dahil ang habol ay hindi kung ano ang pinapasok mo sa bibig mo kundi ay yung lumalabas dito at ang mga naririnig ng mga tenga mo: "its the talk," pare. ika nga ng isang kaibigang na nagwawala kapag nakainom at nagsisisi sa mga ginagawa kinaumagahan pero umiinom pa rin.
mahirap ideconstruct ang mga tao sa loob ng mga coffee shop lalo pa't unti-unti na itong nagiging kulturang popular. kahit mga pulubi paboritong tambayan na rin ang mga coffee shop at iniinom ang kung anuman ang natitira sa mga naiwang basyo. dito na rin sila nagkwekwentuhan, nagyoyosi at namamalimos. believe it or not, mahiwaga ang mga coffee shops. para ka'ng pumapasok sa ibang dimensyon kapag nakatengga ka dito. sabi nga ni bob ong, kapag pumapasok ka ng starbucks, seattle's best o anuman coffee shop, dinadala ka nito sa new york, paris, london at iba pang lugar maliban sa pilipinas...
o di ba, parang tanga lang walang sense yung pinost ko... hahaha!
24 comments:
Kahit iniiwasan ko ang kape dahil sumasakit ang ulo ko kapag uminom ako nito, naki-kape pa rin ako sa iyo ngayon.
Wala sa listahan mo ang bansang kinaroroonan ko ngayon. Maaring hindi ka nga kayang 'dalhin dito' kapag pumasok ka sa mga kapehang binaggit mo dahil noong July at August ng kasalukuyang taon, 61 out of 85 Starbucks shops ang isinara rito sa Australia.
May sense yung post mo, gusto ko yung mga na in-enumerate mong customers with their "as usual" coffee orders.
"kapag pumapasok ka ng starbucks, seattle's best o anuman coffee shop, dinadala ka nito sa new york, paris, london at iba pang lugar maliban sa pilipinas..."
Like an escape?
Wow...I did not know there's already Seattle's Best there...how about Peet's Coffee? I don't drink coffee, but tea.
Hahaha I can relate, because some Starbuck's here, they charge you for wi-fi...but, a few coffee houses have free wi-fi.
I like how you described different groups of people who get the same type of coffee whenever they are at the coffee house.
It actually made sense :).
~kinesics
still i do not get why people buy XmL of coffee that is more expensive than 1L of gas? kung kuwentutan at kuwentuhan lang din naman e may mga mas maayos na mga lugar din diyan sa tabi-tabi.
try likha diwa's cold lattes. wala lang. sarap din tumambay dun. hindi pa mahal--ang kape. haha
hehe. di ako fan masyado ng cofee shops. mahal kasi. pero di nmn ako pulubi. mas masarap lang kasi ung mga natitikman kong kape nung bata ako sa Batangas. So di ako nabibighano masyado dyan sa mga yan.
Pumupunta lang ako kasi mapipilitan sa mga kaibigan na makipagkwentuhan sa cofee shop.
@amicus: saan ung likha diwa?
Dagdag ko lang. nung nagaaral ako sa college at nung nagtagal para sa board exam, sa Burger King ako na 24hrs dati sa tapat ng PGH. libre pa refil ng kape or softdrinks nun. Sarado na ata un ngayon. hehe.
tambaya ko ng likha diwa kapag hindi kailangan pumunta ng office. kapag andun ako mas gusto ko ang banana choco crisp ice cream... the best.
jepoy, sa may CP garcia road, gilid ng UP diliman...
ngayon lang ako nahilig sa kape. pero di ako umiinom sa mga coffee frachises. mahal iyun. di practical. kung anu ang supply ng offcie iyun lang. hehehe
tama si amicus. daming lugar para sa kuwentuhan. di ko alam kung bakit anung meron sa mga coffee parlors na iyan. hahaha. ayoko na lang mag comment pa dahil baka maraming tatamaan. :)
hahaah..
natawa ako sa mga pulubi..
nag.uupdate rin ba cla
sa mga nangyayari sa lives nila?
at sa cofi shops pa ha?
i normally order frap..
at wifi lang din ang habol.
and the talk of course..
kaya lang pag nagcocofi ako,
kinakabahan ako..
palpitation na ba yun? haha
may sense naman post mo eh..
kakatuwa nga..
galing mo naman atang mag.analyze
ng mga coffee shop tambays..
hihi...
PS. coffee is often associated to sex in pop psychology. go figure. hahaha
tama ka trip... may movie na when a guy ask a girl for a coffee he means sex... hehehe.. i dunno the movie though hehehe narinig ko lang sa radio
elitist. hahaha! ^_^
hindi ako madalas sa starbucks. wala naman kasi ako pambili ng kape. hehe! hindi sa pagmamayabang pero mas masarap yung timpla ko! hahaha! ang yabang nga..hehe!
napakaobservant mo, ewik. nalaman mo yung mga social classes sa mga kapihan! bravo! hehe!
peace out!
depende rin ako sa mood o sa panahon. normally, hot mocha o kea java chip. ayoko naman ng espresso. haha.
may class segregation din pla pagdating sa kape. nakakatuwa. mas masarap samahan ng yosi ang kape sa labas ng coffee shop. tapos may kasama kang mga kaibigan. naku, malalang usapan yan. :P
para ka'ng pumapasok sa ibang dimensyon kapag nakatengga ka dito. sabi nga ni bob ong, kapag pumapasok ka ng starbucks, seattle's best o anuman coffee shop, dinadala ka nito sa new york, paris, london at iba pang lugar maliban sa pilipinas...
^^a friend told me na hindi naman daw talaga coffee ang sineserve sa starbucks kundi yung coffee shop ambiance. hindi ko alam kung bakit. pero ang alam ko, wag kayong magkakape sa gloria jean's sta. lucia at masungit ang mga barista ina nila.
lolz ako once a month lang nakikita sa mga coffee shops
pero pag dun na sa yoohoo o kaya binalot(mga inuman bar naman) nakangiti na agad ang mga waiter at sasabihin, "o sir, mag isa lang yata kayo ngayon?" wahahaha!
mas gusto ko maging beer expert kesa sa kape, yun lang
hindi naman sa walang sense, may sense talaga tong post mo lalo pat patuloy ang pag usad ng mga cofee shop sa bansa.. mas sikat na sila sa mga beer house hahahahha
anyways, totoo ang sinasabi ni bob ong na kapag nasa loob ka ng starbuck at kung anik anik na coffee shop, parang nasa ibang lugar ka na..
totoo yun, kaya masarap tumambay dun kahit na minsa lang akong maglagi dun..
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Mabuti na lamang at hindi ako pala-kape. Hindi rin ako mahilig tumambay sa coffee shop. Hehe.
panu pag iced coffee and inorder? like me...
masarap din naman kasi magrelax sa mga kapehan. masarap din naman ang mga kape at mas masaya pag kasama mga friends... pero talagang mahal nga lang
uy meron na ba kaya ung bagong starbucks journal/planner???
oops bull's eye! i usually order non-fat cafe latte to go. but here in SG, they call it "skinny" latte! ..para sa mag gustong skinny forever :-)
matinong tambayan ang habol namen sa isang cofi shop. tambay all you want, all you can!
ay, ang ganda ng ending "parang tanga lang!" hahaha
di ako masyado makistarbucks... minsan lang... coffee bean & tea leaf ako... na ang order eh pangyuppy.
Ayaw ko ng mainit na kape.
mas gusto kong mag MILO na lang mura pa haha.. :)
Post a Comment