Sunday, August 31, 2008

10 signs para malaman mo kung may boy/girl friend na ang crush mo (o babastedin ka ng liligawan mo)

10. mas updated at lagi siyang unang nakapanuod ng sine kesa sa iyo. pero kapag niyaya niyo naman, madami siyang excuses.
matapos ka'ng magnobena at humingi ng tulong kay sta.clara, st.jude at kerubin, niyaya mo ang crush mo manuod ng sine. banat mo pa, "napanood mo na ba ang ______?"
sagot naman niya, "oo, ang galing ng efex nun."
"eh yung __________?"
"oo, okay lang naman. mas dvd watching siya eh.
""aaahhh... yung pinakabago, yung ______________?"
"yup, nung rest day lang."
kulang na lang talaga tanungin mo, "bakit hindi ka nagyayaya?"
"gusto mo ba'ng manuod ng sine buklas? kahit ano'ng hidni mo pa napapanuod?"
"naku, super busy ako lately eh...."
ewan ko na lang kung hindi ka talaga mapamura.

9. kapag naging (mas) maporma at nagpapabango na siya ngayon.
kung isang araw, may naamoy ka'ng mabango, tapos first time mo pa'ng maamoy ito, at lalo na hindi pa naman malapit ang pay day, hanapin mo kaagad ang crush mo. kapag nakita mo siya na nakapower dress at malayo sa typical look niyang tshirt, jeans at rubber shoes o tsinelas. kabahan ka na, tsong!

8. kasama na sa expression niya ang linyang: "hindi ako pwede eh. may gagawin/pupuntahan ako".
kapag narerealize mo na lang na alam mo na ang pangalan ng tatay at nanay niya, mga kapatid niya, pet niya at lolo't lola niya o basically, alam mo na ang buong family tree niya kahit hindi mo pa sila nakikita. naku, wag ka'ng maging feelingero, hindi ka niya ipapakilala sa kanila. ginagamit lang niya, sila as an excuse para hindi sumama sa iyo.

7. hindi sumasabay umuwi, laging nauuna o iba ang dinaadaanan.
isang oras ka ng naghihintay sa labas. wishful thinking na pwede mo siyang sabayan sa pag uwi at maihatid man lang sa kanila. first move itong ng panliligaw kapag nagkataon. pero huli na ng malaman mo, kanina pa pala siya lumabas. at infact, mas nauna pa pala siyang lumabas sa iyo. the next day, gusto mo'ng kornerin. sinigurado mo ng mauuna ka'ng lumabas. nung nahuli mo na at inalok sabayan sa pag uwi, biglang nagtawag ng taxi at natatae na daw siya.ayun! dugo ang puso, durog ang first move...

6. Kapag may sudden change ng routine at hindi niyo na siya madalas kasama.
kapag madalang niyo na siyang nakakasama: sa ibang lugar na siya kumakain, sa ibang side na siya ng building nagyoyosi at iba na rin ang brand ng yosi niya---hindi ito simpleng pagbabago o make over lang, may nag iimpluwensiya sa kanya. believe me!

5. kapag patay na rin ang kanyang friendster, multiply, facebook at iba pang social networking site> last log in more than 3 weeks ago.
kasama sa panliligaw strategy mo ang pang-iistalk. at isang efecktib way ay anonymous viewing sa mga profiles niya sa internet, para malaman mo ang kanyang interest, favorites at madalas puntahan. pero 3 linggo ka nang nag oonline, ubos na ang pera mo sa kakarenta sa netopia, hindi pa rin siya nag uupdate at nag oonline. ang masaklap pa, nakaprivate viewing siya at hindi pa niya inaaccept ang invitation mo. haaay, sayang pera!

4. hindi o madalang na siya nag tetext. kahit lagi mo naman siya nakikitang nag tetext mag isa.
nagising ka isang araw at narealize mo na namimiss mo na ang mga text messages niya kahit na group forward messages pa ito. tapos isang araw, matutuwa ka dahil nag "goodmorning" siya. pero nang rineplyan mo naman, hindi na siya na nag reply back. minisscall mo pa pero wala pa ring epek, wala talagang reply.pero nang biglang pasuko ka na, biglang tumunog ang cellphone mo. magmamadali ka'ng iopen ang message tapos madadagdagan lang ang inis mo dahil globe advisory lang pala. argh!

3. kapag pumasok siyang naka turtle neck kahit hindi naman malamig o may band aid sa mga weird part ng katawan with the excuse na nakagat ng malaking kulisap.
matapos ang mga serye ng biglaang pag popower dress, magugulat ka na lang dahil papasok siya ng naka turtle neck kahit naknakan naman ng init sa labas. kung hindi naman talaga kaya ang init, nag baband aid pero super last resort na ito. panahon pa yata ng lolo at lola ko, ganito na ang mga style ng mga nagtatago.tip naman sa mga crinu-crush-an, pasalamat ka at uso ang mga scarf lately. kaya pwede mo'ng itago yan, kung ano man yan, gamit ito. kaya hindi magiging ganun ka obvious. *sorry dude, ayoko lang maging bias sa mga readers ko. its a subtle way of saying, i understand what they are going through. naks naman!

2. biglang bawal na mag overnight o mag inuman sa kanila.
ang bahay na pinag uugatan ng lahat ng nararamdaman mo. ang lugar kung saan mo siya unang nakilala: ngayon ay close na. kahit makailan ulit kang magyaya at kahit back up-an ka ng mga kaibigan niyo, hindi na raw talaga pwede mga visitors dun. siyempre classic na excuse dito ay nagagalit ang land lady, ang mga kapit bahay, ang mga askal at pusakal.

1. kapag may sun cellular na number na siya.
talaga nga namang hindi ka pa talaga sumusuko at natatauhan noh?!last resort na talaga, tatawagan mo na siya kahit below 20 pesos na lang load mo. kaso kahit ang pagpapaulan ng mga chummy at personalized messages ay walang epek at unlitxt na ang sumusuko, wala pa rin response. kungkaya't tawagan mo na. pero kung biglang nag out-of-coverage area, naku, isa lang nag ibig sabihin niyan mayroon siyang sun cell na tanging karelasyon niya lang ang laman sa phonebook. sa kasalukuyan, habang ikaw ay nagmumukmok sa kinalalagyan mo, sila naman ay nagpapalapnos ng tenga sa pakikitelebabad sa isa't-isa.

26 comments:

KRIS JASPER VAN DYKE said...

Renamed:

10 things stalkers should know.


hahaha.

Ely said...

nakow, gawain ko lahat yan except number 1.

White said...

Kuya Ewik, palagay ko nagawa mo na lahat yan. Hehe pern ilan sa mga nalista mo naranasan ko na.

Pwede ring ayaw talaga sau ng crush mo kasi me nalaman tungkol sau na naturn-off siya. Hehe

White said...
This comment has been removed by the author.
odin hood said...

LOL tama!

Toilet Thoughts said...

4:10 ng umaga. Gumagawa ako ng report habang tina-try gumising. Nabasa ko ito, gising na ulit ako sa kaka-ngisi. Parang lahat based from personal experience. hehe.

Tanong: eh pano mo naman maiiwasan na di dumating sa 10 signs na yan at masawi ka sa iyong kras? hehe.

wanderingcommuter said...

kj: hahaha. that another way to entitle it... hahaha.

ely: hahaha... naku, wala kang sun? critical requirement yan. lalo na kapag hindi kayo madalas magkita. hahaha!

white: naku, hindi naman... napansin ko lang yan mga yan. hahaha!

odin hood: can relate ka din ba? hahahaha.

toilet: hindi kaya... naobrserve ko lang lahat yan *wink...wink* hahaha... para hindi marating sa ika sampu... dapat patayin na ang feelings (parang ganun kadali eh noh?) at lubayan na ang tao. hahaha
actually, sa akin may crush.. hahaha. niro lang.

dak said...

i agree with the lagi nagtetetxt pero pag tinext hindi nagtetext.

pati ung sun cellular number... hahaha... so can relate...

yung sine medyo... at pati yung nag-iiba ang routine... sa pag-uwi, sa weekend activities, etc. tamang tama!

Lance said...

These signs are true.
Sometimes pa nga ang crush mu na mismo and magsasabi sa yo ng harapan na may crush xa na iba. haay...

I use sun cellular prepaid and it's my main number. Although I plan to get the postpaid line kasi mas better pa daw ang signal. OK naman sa akin ang service ng sun ngayon.sobrang mura kaysa sa aking smart before..

hapi sunday wanderer

mel beckham-atienza said...

Of course Ewik is speaking from experience. Lol. Hindi ako maka-relate. Char! I think 5 lang ang na-check ko out of 10. Hihi

Mugen said...

That is why back out ka na, pag alam mong wala ka talagang pag asa. Naniniwala kasi ako na unang kita niyo pa lang, alam mo ng may chemistry kayo sa isa't isa nung tao.

Jake Tornado said...

Hahaha sa Number 3. Grabe, naalala ko nung nasa college ako sa UP-Diliman. May 1 week na kinailangan kong mag-kwelyo! Pucha! Hayup kasi yung naka-*** ko hehe, masahol pa sa kulisap. Yung mga girls at gays hind i ako tinantanan ng tingin ahihihi. :)

Looking For The Source said...

meron pa. number 11.

trust your instinct.

boying said...

hahaha. sobrang tama ito. hahaha. i was practically ROTFL.

tutubi said...

naku. signs nga yan nyahaha

RONeiluke, RN said...

wow.. thanks for the info. now i know what to do with that hag!!! hahaha!

RONeiluke, RN said...

wow.. thanks for the info. now i know what to do with that hag!!! hahaha!

Chyng said...

99% ng naka-SUn, may jowa.. Kaya naman ang number namen ni Enrico starts with 0922.88 hehe

wanderingcommuter said...

dak: hahaha... based from experiences mo ba yun?! so i am thinking mg alove life salamat sa text ito... hahaha.

mel; of course not... hindi ko style yan.. ako nililigawan. whatever! hahaha.

mugen: naku, mga love at first pala ito... hahaha.

jake: kung masahol pa yun sa kulisap naku hindi ko maimagine kung gaano kalaki yun. hahaha. ka kaimito ba? hahaha.
looking for the source: naks, hidni ko naisip yun ha?! hahaha.

boying: based by sa experience? hahaha.

tutubi: can we look for the sign elsewhere.. hahaha

ron: naku, timing ba...goodluck sa iyo kung ganun. hahaha.

chyng: uuuyyy...swet naman. swet-swet! hehehe... init din siguro ng tenga niyo. hahaha.

gillboard said...

bakit ako, nakakarelate ako dun sa karamihan ng nasa list mo... pero single ako? waaaah!!!

caryn said...

hahahha! this is really cute! as to number 3, i've seen some people use scarves ;-)

PROSETITUTE said...

suncell is evil. tsk. nilikha talaga para sa magsyota. tsk tsk.

Anonymous said...

[url=http://hopresovees.net/][img]http://vonmertoes.net/img-add/euro2.jpg[/img][/url]
[b]office software downloads, [url=http://hopresovees.net/]cheap software license[/url]
[url=http://vonmertoes.net/][/url] music software for sale %2522microsoft office 2003 serial%2522 dutch
free mail order software [url=http://vonmertoes.net/]college student discount software[/url] 2 Content Retail Price
[url=http://vonmertoes.net/]nero startsmart[/url] windows vista style xp theme
[url=http://vonmertoes.net/]to buy microsoft software in[/url] cheapest software anywhere legit
buy cheap adobe software [url=http://bariossetos.net/]reselling software[/b]

Anonymous said...

[url=http://vonmertoes.net/][img]http://vonmertoes.net/img-add/euro2.jpg[/img][/url]
[b]sell software business, [url=http://bariossetos.net/]cheap microsoft office home and[/url]
[url=http://bariossetos.net/][/url] filemaker pro 10 advanced torrent educational discount on software
how to price software [url=http://bariossetos.net/]oem vs retail software[/url] go buy software free dvd
[url=http://bariossetos.net/]adobe photoshop cs3 extended serial[/url] does office 2003 work with vista
[url=http://hopresovees.net/]adobe software downloads[/url] autocad 2000
buy microsoft software in [url=http://bariossetos.net/]adobe creative suite 4 master collection reviews[/b]

Anonymous said...

[url=http://hopresovees.net/][img]http://vonmertoes.net/img-add/euro2.jpg[/img][/url]
[b]buy game software, [url=http://bariossetos.net/]discount software house legit[/url]
[url=http://hopresovees.net/][/url] ftp software downloads winzip 12
i buy photoshop in [url=http://bariossetos.net/]kaspersky security[/url] & software store
[url=http://bariossetos.net/]cheapest place to buy software[/url] adobe software online
[url=http://vonmertoes.net/]pro discount software[/url] software to buy for
educational discounts for software [url=http://hopresovees.net/]want to buy software[/b]

Anonymous said...

[url=http://vonmertoes.net/][img]http://vonmertoes.net/img-add/euro2.jpg[/img][/url]
[b]www academic software, [url=http://vonmertoes.net/]how to install kaspersky[/url]
[url=http://vonmertoes.net/][/url] Premium Mac Retail Price acdsee pro download free
profit software discounts [url=http://vonmertoes.net/]download free acdsee[/url] macromedia flash software for free
[url=http://hopresovees.net/]microsoft software help[/url] microsoft office 2003 activation crack
[url=http://bariossetos.net/]retail store software[/url] academic adobe software
ms office 2003 professional [url=http://vonmertoes.net/]education discounts on software[/b]