Monday, August 18, 2008

sa loob ng restaurant

*ang susunod na post ay sequel ng sa loob ng tren.

hindi matigil ang tawa ko ng ikwinento ito ng isang kaopisina kanina. kahapon, nang maghiwa-hiwalay kami pagkatapos ng trabaho ay naisipan nilang kumain sa labas. matatapang ang mga loob dahil kakasweldo lang. tinopak at naisipan pang mag fine dining.

pagdating nila sa restaurant, nakakakuha daw kaagad sila ng mauupuan. iniaayos ang mga sarili sa mesa at agad na umorder sa naghihintay na waiter. nang makaalis na ang waiter, napansin kaagad ni ryan ang isang grupo ng mga babaeng kumakain sa kaharap na mesa.


sofistikada ang mga ito at ubod ng mga ganda.

"madalang lang ang makakita ng mga flock of birds with the same feathers sa panahon ngayon," naisip ko.

subalit para kay ryan, nangingibabaw sa lahat ang ganda ni dalaga. matangkad, bilugan ang mga mata, at di mapagkakailang magandang pinaputok ng make up at maayos na bumagay ito sa kaniyang mga pisngi at labi. at sa pananamit at kilos pa lang daw ng mga ito, halata mo ng hindi basta-basta ang magkakasama. subalit dala na rin ng namumukol na wallet sa bulsa, hindi pinanghinaan ng loob ang ating bida. bagkus ay na-challenge pa.

hindi daw talaga na namnam ni ryan ang lasa ng inorder niya. habang ang iba nama'y nagulat sa laki ng bill na siningil sa kanila. pero naging sulit naman ang lahat para sa kanya.

sabi pa niya, "kung ganito lagi ang view sa lugar na ito tapos andun pa siya, wala na ako'ng pakialam kahit maghirap ako at kumain sa supot supot na mga tira-tira na tinatapon sa labas, makita lang siya."

nang magyaya na umuwi ang iba, doon niyang naisip na minsan lang mangyari ang love at first sight. kungkaya't hindi na niya ito palalagpasin.

kumuha ng natirang tissue, kumuha ng ballpen sa bag at nag sulat. pagkatapos ay nag-ipon ng lakas ng loob at nanginginig pa'ng inabot ang tissue sa napupusuan. nagulat ang mga kasama nito. lahat sila ay nagtawanan.


bumalik si ryan sa kinauupuan at lalong kinabahan. natulala at sa labis na pag-iisip hindi na daw niya napansin ang mga kantyaw ng mga kasama. nakapako lang ang tingin sa magiging reaksyon at gagawin ng dalaga.

ang nakasulat sa tissue: i like you. can i have your name and phone number?

humiram ng panulat ang dalaga sa isa sa mga kasama at sinulatan. pagkatapos ay tumayo at binalik ang munting papel kay ryan.

ang sinulat sa tissue: bibigay ko lang yun kung mayaman ka, meron ka'ng kotse, bahay at 7 inches na tite.

nagbago ang reaksyon ni ryan. sa isang bigla nawala ang lahat ng impresyon at naramdaman niya para sa dalaga. kinuha muli ang bolpen sa bag at sinulatan ang tissue. pagkatapos ay tumayo ng wala ng pag aalinlangan sa dibdib. saka inabot muli ang kanina pa pinagpasa pasahan.

binasa muli ng dalaga ang nakasulat at biglang napahagikgik. liningon si ryan. subalit wala na ang mga ito sa kanilang mesa at umalis. duon siya humalakhak ng malakas at inabot sa mga kasama ang papel at sabay sabay rin silang nagsitawanan.

ang sinulat: hindi ako mayaman, wala din ako'ng kotse at bahay. at hinding hindi ko rin ipapaputol ang titi ko para sa iyo.

napatawa ako ng malakas. isa na marahil ito sa mga pinakamalupit na kwento ng hook ups na narinig ko.
pagkatapos ng halos walang tigil na tawanan, naisip ko, wala nga talagang tinatawag na love at first sight. at minsan hindi din dapat tayo maniwala sa nakikita at natatali sa ating mga impresyon sa iba. lalo na sa mga ganitong tagpo.

may kaibhan ang naunang post sa tagpong ito. dito, mukhang naglagay ang dalaga ng check mark sa i agree to the terms and conditions ng mga ganitong set up. at kung nagkataon nag fit in din si ryan sa mga qualifications na hiningi ng dalaga, may naloko na naman siguro ang globe, smart etc. sa kanilang unlimited text promo.
sadya nga'ng isang risk ang pangahasin gawin ang mga ganitong bagay. minsan, nauuwi ito sa inaasahan. subalit mas madalas ay hindi. siguro nga umiikot ang lahat, depende sa diskarteng gagawin: kung papaano lalapitan, paano makikipagkilala at higit sa lahat kung ano ang plan b kung lumihis ito sa plano. tingin ko, kung hindi umalis kaagad si ryan, ibinigay na rin siguro ng dalaga ang kanyang pangalan at number. kahit hindi ito tunay. ang mahalaga ay nagawa niyang basagin ang pader na una nitong tinayo.

ang interesante lang din isipin, kung paano nagbabago at lumalawak ang mga posibilidad upang makakakilala ng isang potensyal love. mula sa kapit bahay set-up, matchmaking ng mga magulang, kantyaw ng mga common friends, blind dating, cyber chat, at ngayon ay mga ganitong hook ups: mapa-bar, tren at halos kungsaan saan. pero nakakapagtaka lang na bakit madami pa din ang hindi nakakakita sa kanilang mga mr./ms right?

tapos naisip ko (ako din pala ang sasagot sa sarili ko'ng tanong- lakas tama), siguro dahil na rin sa dami ng mga options na nakapila, mas madalas ay nahuli pa ng gising si mr/miss right at napupunta sa dulo ng pila. tuloy madami ang nag eexperiment, nabibigo at hindi na nakakapaghintay.



31 comments:

Myk2ts said...

kudos to ryan!

i dont believe in love at first sight. its more on attraction, but definitely not love. mahirap isiping mahal mo na agad ang tao dahil sa pisikal na anyo. for me it's too superficial.

para sakin lang naman po yun :)

nice post!

Ely said...

not to be mean, pero baka ayaw lang nung babae kay ryan kaya ganun ginawa niya, to turn him off. either way walang mawawala sa kanya.

N said...

hehe funny nga naman. at totoo sinabi mo, we just have too many options along the way kaya kadalasan di natin nahahanap si mr/ms right. at kadalasan rin na sa ating paghahanap, naiignore natin yung tamang tao para sa atin since masyado tayong preoccupied sa mga ideya natin dun sa taong yun. minsan, kailangan din tayong maging sensitive and at least take notice yung mga taong malapit na satin. :)

N said...
This comment has been removed by the author.
N said...

(edited)
...medyo nalito ako sa tagalog ko kaya dinelete ko na lang kadugtong sana ng comment ko sa taas...hehe pagpasensyahan mo na ewik. by the way, isa na namang blockbuster entry ito kung sakali. Hehe good job

Anonymous said...

Namula ako.

jericho said...

with his response, love ko na si ryan kahit hindi ko pa sya nasa-sight. mwahaha

Boying Opaw said...

mabuti na lang at hindi ako kumakain habang binabasa ito. naglabasan na sana ang mga kinakain ko sa ilong ko.

siguro nga napaka unlimited na ng mga options at ways and means of hooking up and meeting people kaya palaging "so many guys/girls, so little time..."

*******

[wandering commuter said]
bakit hindi mo kaya subukan ang pag ddj... wala lang just a thought. you have the ear eh.

[boying opaw replied]
whoa, salamat naman at ganyan ang tingin mo...

pero, alam mo, sobrang daming mas magaling pa sa akin. pero alam mo ano nangyari sa kanila? wala. eh, ako pa kaya. haha.

tsaka, uhmmm. hindi po ako DJ. hehe. uhmmm. siguro experimental musikero po.

Mrs. Spin's said...

ganda ng kwento...pasaway..hehe

love at first sight? uso ba un? nauntog na ako!

dini-develop ang love, i think?

"we live and we learn to take one step at a time" :-)

Mel said...

haha, anlupet sumagot ng tropa mo, haha!

sana mabigyan din ako ng ganung pagkakataon, tamang komedi cguro yun

Boying Opaw said...
This comment has been removed by the author.
Boying Opaw said...

out of topic 'to. subukan mo pumunta dito: blog readability test. ang reading level ng blog mong 'wandering commuter' ay High School.

odin hood said...

winner si ryan for having the balls to make a move! di ko kaya yun!

kahit di naging successful ang attempt winner pa rin siya, he still had the last laugh.

. said...

pero nakakapagtaka lang na bakit madami pa din ang hindi nakakakita sa kanilang mga mr./ms right?

- Ito ay dahil marami ang nahuhumaling sa prospects ng attraction at first sight. Kapag nagkakakilanlan na, saka lang lumabalas yung mga panget na ugali na siyang nagiging ugat ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang partners.

Tingin ko, sinusubukan lang nung babae si Ryan. Kung ako sa kanya ganito ang hinirit ko.

"It's for you to find out. Heheh. Just want you to know that you're the most beautiful woman I've seen in this part of Makati. Thanks for the refreshing sight."

Ewan ko lang kung hindi magblush ang tsik na pinopormahan niya.

Kape Kanlaon\ said...

i agree with ely...

i don't believe in love at first sight too...

nilagay nalng sana nya number niya on the paper and then it's up for the girl to contact him or not.. they could just communicate through text/call and could have saved each one from either shame or guilt...

but the last message he gave her was a killer! hehe

Kiks said...

Lols, Mugen. I don't know if I would fall for such lines.

But Ryan has been daring enough to do the virtually impossible. Kudos to him and his wacky sense of humor.

Thing is, cocks cannot simply be offered these days. Neither are pussies.

Ah, love. Nalango lang si Kuya.

lucas said...

ahehe..hindi rin ako nanniniwala sa love at first sight. ayun ang umpisa. physical attraction then knowing each other tsaka lang mededevelop ang pag-ibig.. haha!

wanderingcommuter said...

myk2ts: uy, bago yun ha at gusto ko yun: love doesn't equate to attraction and definitely attraction doesn't means love.

ely: oo nga baka nga. being optimistic lang naman ako para sa kanya... hehehe

white: uy nagiging grammar police na rin siya. hehehe. tama, naprepreoccupied tayo either sa bombardment ng mga options kapoag gugustuhin natin at feeling of desperation because we don't want to act upon it.

anino: uyyy, bakit kaya?

jericho: mahal na din daw niya. pero actually hidni niya alam na pinost ko yung kwento niya. hahaha! baka akala niya ikaw yung babae dun sa restaurant. hahaha.

boying: "so many guys/girls, so little time..." may conceited. hahaha! pero kung tutuusin tama naman. hahaha...
madami din ako actually kakilala na nag dDJ DJhan lang. but seriously consider it... i may not have the talent to distinguish the technicalities but atleast i can still appreciate it as an audience.

harmonie: uyyy, andami namang quotes na pwedeng ishout out na lumalabas kapag nagpopost ako ng mga love related articles. hahaha. dinidevelop ang love...tatandaan ko yun! hahaha.

mel: feeling ko ang mga malulupit na comedy ay yung mga lumalabas spontaneously... hehehe.

odin: hindi ko nga alam ngayon kung bida ba siya o kontra bida eh. hahaha.

mugen: inshort, mapanglinlang talaga ang mga impresyon. hehehe. uy, optimistic din siya. hehehe. tingin ko din kasi yun eh. naku, siguro kung ginagamit mo yan ngayon. may 3 panganay ka na siguro ngayon. hehehe.

lance: naisip ko din yan actually pero tingin ko super arrogant naman nun kung linagay mo na agad name at phone number mo. saka malay mo ibigay pa niya yan sa ibang tao o kaya naman isulat sa likod ng mga bus at may kasamang wanted sexmate... di ba nakakatakot?

kiks: Thing is, cocks cannot simply be offered these days. Neither are pussies.
naku, hindi rin. may kilala nga ako kung saan saan lang kinakalat at iniiwan yung mga kanila eh. HAHAHAHA.

rhon: tama, nadedevelop ang pag ibig. hahaha!

gillboard said...

hahaha... aliw naman ang sagutan nina ryan at nung dalaga...

naaalala ko nung ginagawa akong wingman ng mga kaklase ko noong college.

A.Dimaano said...

I don't believe in love at first sight. Siguro crush at first sight pede pa, pero love indi eh. I think you have to know the person VERY WELL for you to fall in love with him/her.

escape said...

ang nakasulat sa tissue: i like you. can i have your name and phone number?>>> uso pa pala ito. hehehe...
love at first sight happens but less likely.

Turismoboi said...

cute ung story

KRIS JASPER said...

hahaha...

natawa ako dun sa dick size thingy...

Mrs. Spin's said...

"harmonie: uyyy, andami namang quotes na pwedeng ishout out na lumalabas kapag nagpopost ako ng mga love related articles. hahaha. dinidevelop ang love...tatandaan ko yun! hahaha."

--siyempre basta L.O.V.E! actually, sa Kodak ko pinadevelop...hehehe pasaway lang ako.

cheers!

enrico said...

lakas ng loob ni ryan to do that. pero major turnoff sakin yung sinulat ng babae. bka tama nga sabi ni Ely.

pero at least nag-effort pa rin yung babae na magsulat at iabot yung tissue.

Joaqui said...

I like the comeback of your friend. Classic. On a serious note, he should have just written his number with a message saying he finds her attractive and would like to know her better. Something like that. hehehe

On second thought, we would not have read this entertaining story if this was done otherwise. But we could have seen a better ending to this if done otherwise. hehehe :)

Dabo said...

nahirapana akong ma-pick up yung joke hehehe.. may nag-assist pa sa akin para ma-gets..

Dabo said...

ewikk.. wala nga pala ako load hehehe

--- --

[chocoley] said...

Whoa, astig ni ryan. tht's th real deal. Buti hindi siya nagpa-apekto dun sa nangyari.

At least one has to discover tht first impression sometimes never last.

Denis said...

ito'y isang simpleng bastos na post. hahah kidding. nicenice

Chyng said...

hahahha, a bitch meets a bitch!