Tuesday, August 12, 2008

top10: buhay callboy/girl

kung nursing ang pambansang kurso sa pilipinas, hindi mapagkakailang call center agent naman ang pambansang trabaho nito.

nakakalungkot lang isipin na sa panahon ngayon hindi na ata uso ang salitang ambisyon. ang bawat isa ay kailangan ng lunukin ang demand ng market. basta maraming opening, mas malaki ang sweldo, at hindi kasing haba ng edsa ang kailangan mga qualifikasyon, swabe na.

pero hindi natin masisisi kung may mga taong kailangang isakripisyo ang kanilang mga pangarap. dahil sa hirap at kawalan ng tamang trabaho sa bansa, kailangang isaalang-alang ang maraming bagay: pamilya, gastusin at sariling tiyan. dito na papasok si pareng un(der)employed.

minsan gusto ko na ding maniwala na hindi lahat ng tao ay may choice dahil may mga sandali na inaagawan at nawawalan din tayo nito: dala ng mismong pagkakataon (chance) at sitwasyon.

pero bago pa man ako umiyak dahil sa makapagdabdab-damdaming mga litanya ko, na hindi naman talaga topic ng post na ito, ito na ang top 10 para masaya naman.

karamihan sa atin ay nakakulong lang sa impresyon na ang mga call center agents bilang may mga slang, haggard at nocturnal beings. subalit kung titignan mabuti hindi lang naman dito umiikot ang buhay nila. tulad ng ibang trabaho meron din ito'ng mga natatanging mga katangian.
ito ang sampumg natatanging katangian sa buhay ng isang call center agent.

10. naliligaw kapag nagcocommute ng may araw dahil di na sanay at nawiwindang na makakita ng madaming tao sa labas at mas natatandaan ang mga kalsada kapag madilim.

9. sa dalang nilang makita ng mga nanay at tatay nila, sinisingil na sila ng upa sa bahay at border na lang ang turing sa kanila. tinatahulan na rin sila ng aso kapag papasok o lalabas ng gate dahil hindi na sila kilala nito.

8. madalas kapag sasagot ng telepono bigla silang nag oopening spiel at para maging consistent mayroon din closing.

7. napraraning kapag nakakarinig ng beep sound. TOOT! akala'y may call sila.

6. kapag tinatanong kung saan nagtratrabaho, iexpect mo ang isasagot sa iyo'y either IT or BPO.

5. iniisip muna ko'ng paano iprpronounce ang mga sasabihin na tagalog. pinipilit rin na hindi magslang kapag bibili sa tindahan o magbabayad ng pamasahe sa jeep o bus. mahirap nang madiskrimineyt at masabihan ng maarte.

4. kapag kilala si AVAYA o kaya kapag nagtatanong ng oras ay "AVAYA time ba yan?"

3. kapag pagkatapos gumamit ng pc sa bahay ay nag CTRL+ALT+DELETE tapos magugulat kung bakit iba ang lalabas.

2. ang unang iisipin o gagawin pagkagising ay magtatanong ng "anong oras na?"

1. nagsasalita in english kapag tulog. sosyal! kahit sa pagtulog ay napapanaginipan ang pag cacalls.

38 comments:

TENTAY™ said...

Ahahahahahaha swak na swak ka nanaman dito eeeeeeeh!! =)

ang office ko ay nasa loob ng Mall, kaya sa gabi ako paikot ikot at nagwiwindow shopping, kaya ayon pag naglibot ako sa same mall ng mall hours, nawawala talaga ko pramis, di ko alam pasikot sikot. pero pag sa dilim, kahit nakapikit sanay na sanay. ahhahahaha!

at kapag tinanong ng oras, avaya time dapat. at ayko na magheadset/earphones dhl sasabog na tenga ko. hahahaha.

kapag tinanong ng araw, EST eto, dahil nasanay american time at dates. masaya pati kapag holiday sa States. lalo na pag holiday sa pinas. hahaha. =)

buti nalang di pa ko sinisingil nila mumi't daddy. hahah.

sory natuwa lang ako sa post mo. dakilang BPO worker din ako. (hahahah) Shushalen ha. =)

Joaqui said...

I can relate to number 2. With the avaya thing, good thing I don't log in anymore. hehehe

Anonymous said...

shocks hindi ako makarelate.. hehehe

Anonymous said...

shocks hindi ako makarelate.. hehehe

Chyng said...

minsan gusto ko na ding maniwala na hindi lahat ng tao ay may choice dahil may mga sandali na inaagawan at nawawalan din tayo nito: dala ng mismong pagkakataon (chance) at sitwasyon.

i disagree. i have a choice, yet i still chose na magpanggabi naman. maiba lang! and not bad pala afterall!

@mink,
cant relate din sa calls.. hehe

Kape Kanlaon\ said...

is this suppose to be a joke?

Turismoboi said...

buti na lang tlaga wala na ko sa call center

Anonymous said...

it's all true but you forgot to mention that almost all of us bring dark glasses in case maabutan ng sikat ng araw and to hide the eyebags. Also the most common factor among call center agents like me especially those in tech support is that we are heavy smokers-pang alis ng tension or pang release ng inis sa client na super bobo.We would rather smoke than eat on our break times, or we'd drink gallons of coffee.And yes we had to change the way we pronounce certain english words when talking to other people kasi baka they'll think we're so maarte.

mikel said...

ano yung AVAYA time?
parang ang sarap mag emo pag tiga "IT o BPO" :) wala lang. basta.

Anonymous said...

hehe cool...

N said...

"minsan gusto ko na ding maniwala na hindi lahat ng tao ay may choice dahil may mga sandali na inaagawan at nawawalan din tayo nito: dala ng mismong pagkakataon (chance) at sitwasyon" >>>>>>>>THERE IS ALWAYS A CHOICE!

yun lang. ;)

escape said...

hahaha... patawa nga tong listahan na to. astig ang ten at nine.

baka may madadagdag pa dito ang mga taga call center.

Anonymous said...

Sup .Word totoo yan.Im a call cneter agent and pagtinanong ko kung ANONG oras,Tinatanong ko talaga kung Avaya time.

Thanks for visiting my site.

odin hood said...

anu ung avaya time??

can't relate sorry...

hehe pero sa number 10 nakakarelate pala, kasi classes ko kasi sa hapon hanggang gabi... kaya nawiwindang din kapag umaga

lucas said...

ahahahaha! magaaply ako sa call center this week...magkakamal muna ako ng salapi bago tuluyang magnars...now i'm worried--baka ganito mangyari sa akin! ahaha! speaking english in my dreams???KABOG! haha! saya!

Anonymous said...

Hehe. Oo nga. I worked for a call center before but not as an agent but for the Human Resources. It was fun especially the interviewing part. Hihi.

Niel said...

CTRL+ALT+DELETE

ano mangyayari kung callboy/girl gumawa nun?

[chocoley] said...

Haha, BBSB :) As IN. Pero it's a matter of being pa rin, kc yung iba still have the lcuk para mapili yung gusto nilang work.

Avaya is xoo technical huh, yung CTR+ALT+DEL, nakakalurkey talaga yan.

Mrs. Spin's said...

bagay na bagay sa kapatid ko ang number 9, 8, 2 at 1...hehehe

gillboard said...

idagdag mo na rin na di marunong bumiyahe pag umaga... di alam ang konsepto ng morning rush hour.

ika said...

true true. kaya nga love na love ko ung song ng Cambio na Call Center.

"This is only temporary / I'm not really in a hurry..."

pwede mo rin idagdag ung mag CC sa lahat ng emails.

KRIS JASPER said...

sosyal pala ang mga agents na yan... kahit sa panaginip nag eenglish...

Mel(na nasa opisina) said...

^guilty lolz

Poipagong (toiletots) said...

Hahaha. Nakakatuwa. Pero di ako napadpad s pagiging call boy. Di ko kaya ung shift. Antukin kasi ako. Walang sinasanto pag inatake ng antok.

Boying Opaw said...

naku. hindi na pala IT ang isasagot ko 'pag may magtatanong kung ano trabaho ko. baka pagkamalang call center ako. tsk. tsk. tsk.

@niel camhalla: oo nga, no? CTRL + ALT + DELETE para sa mga call-boys/girls. hmmm...interesante.

. said...

Minsan ko lang nakita si Avaya. Pero magandang pangalan niya ha!

Myk2ts said...

naalala ko tuloy yung friend ko na inismiran ng cashier ng chowking.

"keynkohng with bagowong" ba naman ang orderin eh :)

callgirls/boys, mabuhey!

Savage Heart said...

Kaya e CTRL-ALT-DELETE na yan!!

* hahahah sa mga nakakatulog sa bus or jeep at lumalampas at kung saan saan nakakarating dahil hindi nagigising sa sobrang tulog... mabuhay tayo!!! LOL

Kris Canimo said...

AVAYA time. di ba un ung VoIP? yung phone na bongga. ung log in log out. :)

8. madalas kapag sasagot ng telepono bigla silang nag oopening spiel at para maging consistent mayroon din closing.

^^totooong totoo yan.

Anonymous said...

Avaya is the brand name of the phone that we use.Control+alt+delete is what we press when we want to log out sa pc.

Denis said...

ganitong ganito ang ate ko

onatdonuts said...

nakakatawa naman hahaha

kahit sa pagtulog nag-ienglish? hahaha di naman kaya dumugo ilong nila habang tulog?

Kiks said...

ang galing ng post. tagalog na tagalog.

yan ba ang buhay ng mga nagseservice sa phone?

Abou said...

mukhang masayang buhay yan a he he

my-so-called-Quest said...

mukhang enjoy naman ah.
pero ejo di ako makarelate. pero lagi naman akong puyat. hehe

wanderingcommuter said...

tentay: hahaha. sumawak ba? hehehe. ayus yun ah sa loob ng mall?! hehehe. dapat pala talaga may dilim factor sa iyo. eh di pumikit ka na lang kapag may umaga na... hahaha! follow your instinct! hahaha... EST, eastern standard tinme ayt? pust ko dis orienteed ka kapag nag day light na?! hahaha.

joaqui miguel: pero aminin mo nakakamiss din?! hahaha.

mink: you missed half of your life. hahaha.

chyng: nawawala ang chance kapag pumasok na ang salitang consideration sa eksena...

lance: it will depend, dude. nonetheless, it means no offense.

turismoboi: madami pa naman call center sa singapore. hehehe.

biatch: aaaahhhh... ofcourse! shades are already a necessity nga pala. my bad! hehehe.
inshort, ang hirap ng adjustments. hahaha.

amicus: avaya time is parang internet time. its the standard and fixed time para sa lahat. hhhmmm.. bakit kaya?

kenna: thanks!

white: tulad ng sinabi ko kay chyng, nawawalan ng chance kapag pumasok na ang salitang konsiderasyon.

the dong: madami na nga eh... i actually have 80 more. kaso nakakatamad i-input lahat. hahaha.

blacksoul: hahaha... no worries, dude!

odinhood: avaya is a telephony device. it also has in it a standardized and fixed internet time. though most watch and time are not absolute, sa avaya, all time is absolute up to the second.

ron: hehehe. depende pa rin yun dude. kapag nasobrahan lang. hahaha! well goodluck sa iyo! saan at anong field?

bino: hmmm... oo nga pala. ang tulad niyo ang mga nakakaiinis sa mga interviews. hahaha!

niel: may box na lalabas bibigyan ka ng optioon if you want to lock your computer, log out or shut it down. hahaha! madalas ginagawa ito kapag aalis ka para walang makikialam ng computer mo.

dazed blu: BBSB? i must agree... fortunate beings mga anak ng diyos! hahaha!
mapanloko ba? hahaha...

harmonie: talaga? hahaha... ayus! so dapat ngayon maintindihan mo na siya. hahaha.

gillboard: yeap! noted!

ika: i haven't heard the song yet. pero parang maganda nga linya pa lang eh. hehehe. hahaha... ayus, oo nga noh?! bakit nalimutan ko yun. medyo hindi ko kasi ginagamit ang cc at bcc.

kj: kapag eto lang ang ginagawa mo buong araw, hidni malayong mangyari yun. hehehe.

mel: hehehehe... BANG! BANG!

toilet thoughts: talaga?! naku, sanayan lang din yan. hahaha!

boying: TAMA! hahaha... saka ano naman. wala naman masama dun. dude!

mugen: oo mayroon na din, daddy avaya at baby avaya...

myk2ts: hahaha.. minsan talaga hindi naman sinasadya yun...

ronnan: oo nga noh? hahaha! nakarating ka bigla ng fairview samantalang cubao ka dapat bababa.

prosetitute: iba pa yun VoIP... hardphone ang avaya. soft phone ang voip (not sure).
hahaha. ano bang number niyo at matawagan!

biatch: thanks for confirming it. TAMA ako!

the menace: hahaha... give her a shoulder tap for me. hehehe.

onats: hahaha... grabe ka naman. hahaha!

kiks: oo naman. nakakamiss kaya kapag minsan lalo na kapag wala kang kausap sa bahay. nakakatakot baka kasi one day, hindi na pala ako marunong magtagalog. hahaha.

abou: medyo pero kapag naovercome mo na ang fascination sa mga ganitong bagay.. hindi na.

quest: hahahaha... ganun?! pagkakitaan mo na yang insomia mo. yun yun! hahaha.

Anonymous said...

Magandang araw. Hindi ko din alam ang Avaya bago ko mabasa ang kasagutan dito sa comment section.

Susubukan ko din ang BPO. Sabi ng kakilala ko,kailangan ko daw bumili ng shades.

Anonymous said...

uhm, ano yung AVAYA?

pero oy, uso saken ang ambisyon. haha. i am so very ambitious. :p