Tuesday, November 25, 2008

kwestyon en answer

minsan may mga bagay na mas mabuti pang hindi na lang pag usapan. what you see is what you get, kumbaga.
ito na marahil ang isa sa mga pinakapopular na pag iisip nating mga pinoy. sabi nga nila, sobra tayong mapagmahal subalit nahahadlangan tayo nito dahil likas daw sa atin ang hindi pagiging expressive o takot sa mga komprontasyon. marahil dahil hinubog tayo maging konserbatibo ng ating kultura't henerasyon (teka, parang hindi ko na ata naabutan yun).
noong nakaraang araw, sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nagkaroon kami ng pagkakataon ng mga kaibigan ko'ng magkita-kita muli para sa book launching ng isa pa naming kaibigan dito sa quezon city. madaming pamilyar na mga tao ilan ay nakilala sa baguio habang ang iba ay dito na sa baba. subalit mas marami pa rin akong mga nakamayan ko at nais makamayan.
at para sa isang taong napaka sentimental, napaka-nostalgic ng pakiramdam ng lahat. ang ilaw, ang set up, ang pagiging busy ng mga tao, ang tawanan, ang kawalan ng pag iisip sa mga bagay sa labas ng venue at ang kabuuang aura ng lahat. haay, para akong bumata ng 3 years. hanggang sa naimbitahan akong magbasa ng ilang excerpt ng libro. siyempre noong una ay pakipot pa dahil matagal-tagal na rin ng huli kong ginawa ito. sa una'y kinabahan subalit matapos ang pagbabasa ay naging orgasmic ang lahat para sa akin---rejuvenating!
matapos ang book launch, napagpasyahan namin na dumiretso sa bahay ng kaibigan upang doon ipagpatuloy ang kwentuhan sa harap ng mga bote boteng halimaw.
inabot ng tanghali ang inuman at sa lahat ng iyon ay naging pinakamainit ang naging tanong na binato kay paolo. si paolo ay isa sa aming mga kaibigan subalit hindi ko masasabing close kami- nagkataon lang sigfuro na same circle of friends.

tanikala, ink and paper, 01/25/2007



isang taon ang tanda niya sa akin. metikuloso sa pananamit, ingelesero, mataray, baliw kay nicole kidman, madaldal, nahuhumaliw sa japanese boy band at nasabi ko na bang baliw siya kay nicole kigman (kinakailangan kasi ang labis na diin duon)?

naalala ko pa nun sa school, siya yung tipo ng tao na kapag naglakad sa lobby ay maririnig mo all of a sudden ang soundtrack ng sex in the city sa isip mo, kasabay ng pagtalbog ng lahat ng bagay sa katawan niya and with the pout in his lips. subalit sa kabila ng lahat ng ito ay tago pa rin siya sa kanyang pamilya.

papaano? yan din ang hindi namin alam... ibang iba si paolo kapag andyan na ang buo niyang angkan. akala mo may kausap ka'ng ibang tao.

hanggang sa ang kasama ng isa pa naming kaibigan ay nangahas magtanong at hindi inalintana ang lagim ng kanyang pagiging mapusok.

"bakit hindi ka na kasi mag-out?"

"why would i, if i don't feel the need of it?


"wala lang. parang maging malaya ka."

" who told you i am not free??! each of us has our own definition of the word and for me, i am happy with how my family is treating me as a man because no matter how we look at it and rearrange things, the truth of the matter is, lalaki pa rin naman ako and in this stage of my life, ayoko ng baguhin yun. ayokong kapag sinabi kong, mom, dad your unico hijo is gay ay magbago ang lahat. not because they might takwil me because they can't do that. but because i just don't want this relationship we have to change. i don't see myself living with my family in an entirely different treatment from what we have now."

natahimik ang lahat. inubos ko na lang ang bote ko sa isang lagok. matapos nun nagbukas muli ako ng panibago. naisip ko, para sa mga pilipino marahil hindi talaga ganun kahalaga o kabigat ang konsepto ng coming out kumpara sa US. lahat tayo ay nasanay na malaman at maintindihan ang mga bagay batay sa ating sariling pagtingin at kung ano ang pinapakita at pinaparamdam sa atin ng mga nito. ang dilemna nga lang ay kung sa papaano sa paghugot ng mga kasagutan ay magawa natin itong maunawaan at irespeto.

marahil nga, mahalaga para sa lahat ng tao ang pag alam sa mga kasagutan sa kanyang buhay at marami sa tin ay nasanay sa schoolic na paraan ng question and answer. subalit narealize ko matapos ang inuman na yun na hindi lahat ng mga tanong ay kinakailangan sagutin dahil mas madalas hindi naman lahat ng bagay ay dapat kwestiyunin in the first place.

13 comments:

Dabo said...

tinamaan ako..

Dabo said...

i read tripper's blog on "profiling a PLU" and similarly both of you agree on the same thing: people, including friends have nothing to explain when it comes to homosexuality if asked or even if not asked.

Luis Batchoy said...

and when you are with friends, dapat lang that there'd be nothing to explain. That's why they're friends, in the first place.

jamie da vinci! said...

i guess it is easy for straight ppl to think that by coming out, everything will be ok, since they don't really have to tell their folks that, well, they're straight!

coming to terms with one's identity is never an easy matter and it really takes a lot of weighing, especially in our culture where family ties and "honor" are held in high regards. there is nothing wrong i believe with being content with the status quo, even if it means denying oneself of certain liberties. happiness comes in all degrees anyways. everything has it's price and no one should ever dictate to you how much you has to pay for it, not even friends.

lucas said...

ang lupit ng artwork ewik! the best! ang galing ng konsepto nung tao...loved the character design...lupit...

amy formal training ka ba or talgang gifted ka lang with artworks???

Chyng said...

Being gay or straight, and coming out or stayin in the closet are all one's preference.

And i agree with Jamie, sino ba ayaw mabuhay ng normal? (sad.. but let's admit it, nde pa rin)

escape said...

whether one is gay or not, he/she should still be of good morality. ganito lang naman yan, kung may respeto sya sa sarili nya, rerespetuhin din sya ng mga tao kung sino sya.

Niel said...

ibang iba si paolo kapag andyan na ang buo niyang angkan. akala mo may kausap ka'ng ibang tao...

"who told you i am not free??! each of us has our own definition of the word and for me, i am happy with how my family is treating me as a man..."


There's a certain contradiction in there, don't you think?

Iba nga lang siguro definition ko ng free. At sa definition ko, isa akong colony.

. said...

Hindi naging problema sa aking kung out ako o hindi. Lalo pa ngayo't medyo nagski-skid na ako sa pagiging asexual na tao. :)

wanderingcommuter said...

@neil: yup, but if you are going to read the first line. I am the person who is saying it. it is my perception on how he was.
the second line, however, wil be paolo speaking and he has his own definition of the word.

xxxborgexxx said...
This comment has been removed by the author.
xxxborgexxx said...

sama ako sa book launching! kahit saan! masaya yang sa inyo kasi may alak! and that guy who said na ayaw nya mag-out, i think he makes a lot of sense. staying in the closet doesn't mean you're a caged and lying loser. it is you who decide what part of yourself to show to people and if you do not show people some parts of who you are, if that decision was made by you and your own conviction, then that is you.

Kiks said...

morality is soooooooooooooooo relative.

pero tama si paolo. i agree with him.

wag problemahin ang hindi pinoproblema ng iba.

i like going to outings with people. i don't like going and outing people.