mahal kong kuya eddie/ tiya dely,
ako po ay 23 anyos, binata, employed sa isang kompanya dito sa makati at solid vilmanian. lumiham po ako sa inyo upang idulog ang isang problemang lubos na nagpapagabag sa akin.
mali po. hindi po ako buntis dahil hindi naman po ako hermaphrodite at wala rin po ako'ng matris, at lalo pong wala ang matris sa wish list ko this christmas. wala rin po akong nagnanaknak na sugat, pangangati o sakit na dinadaing sa aking ari o anumang lagusan ng aking katawan, maliban na lang sa tumubong pimple sa loob ng aking ilong. hindi rin po ito tungkol sa paghingi ng payo tungkjol sa aking buhay pag ibig dahils o far BONGGANG BONGGANG BONG BONG! naman po siya--- at take note hindi po siya yung dati kong penpal sa sampaguita dormitory sa muntinlupa, tapos na ang fantasy stage na ganuns a buhay ko.
sumulat po ako, hindi rin dahil sa napansin ko'ng nahihilig akong sumegway ng 'sang damakmak na side dishes, kundi dahil sa mga nakaraang linggo, napansin ko'ng wala po akong gana--- wala po akong bulate at hindi ito tungkol sa seks. wala po akong motibasyon upang gawin ang mga bagay na madalas ko naman ginagawa. aside from the fuck( naks! ingles) pa na, punong puno na man ako ng inspiraytions. wala akong gana pumasok sa opisina, magsulat sa blog, gumuhit, lumabas kasama ng mga kaibigan etc. etc. at marami pang etc. dahil hindi ko alam iispel ang etsetera (tama ba?!)
yes! you herd me tama. sa kabila ng mga bagong bagay, tao, hayup, lugar, pangyayari, tagalog, two syllables at nakikita sa bahay na dumating sa akin, parang wala pa rin akong gana.
sa loob ng isang higit isang buwan, nadiagnose ako ng hypertension at nauwi sa enlargement of the heart. kungkaya't kinailangan ko'ng breakan ang syota ko. masyado namin mahal ang isa't isa na lalong nagpapalaki sa puso ko kaya i have to let go.... joke lang po! hehehe.
tapos isang araw pagkagising ko, hapon ata yun, naisip ko'ng kailangan ko'ng may gawin. so ayun, ngayon po ay enroll na ako ng masters degree sa diliman ng ganun ganun lang---na naman. sana matapos ko na ito, this time.
at ang panghuli, nagbukas ako ng isang online negosyo. sa panghihikayat ng isang kaibigan. medyo kumikita naman siya. pero so far, sa mga kaibigan ko pa lang siya inoopen. sa mga gusto naman po'ng bumili ng mga drowings ko, click niyo lang ang play sa radyo niyo. ooops, pa plug na din po pala kuya eddie/tiya delly. mahal ang advertisement ngayon, hindi naman ako politiko.
nahihirapan na po talaga ako, sinabi ko na rin sa sarili ko na marahil naninibago lang ako. subalit after a few days, habang at home na home na ang bago naming kapitbahay na dumadagdag na sa mga problema ko dahil sa kakavideoke nila hanggang umaga ARAW-ARAW, wala pa rin ako'ng gana. sinubukan ko na rin po'ng tumungga ng isang bote ng latigo 500, pinaghalong gatorade, extra joz at motolite battery subalit wala pa rin...
ano po ang gagawin ko? sana matulungan niyo ako.
gumagalang,
letter M, letter E. put them together its... U
21 comments:
Leche kang bata ka! Ang dami mong kwento pero wala akong nakwenta.
Wala akong maipapayo dahil wala ka naman problema. Ang kawalang gana mo ay natural na manipestasyon ng mga bagay na ayaw mo gawin. May kasabihan ang matatanda: "Kung Ayaw mo, Wag mo."
Ankinin mo ang iyong pag-ayaw. Bahagi yan ng pag-alam kung ano ang gusto mo gawin.
Madalas ang akala natin gusto nating gawin ay gusto talaga ng iba para sa atin. Hindi dapat ipahiram o ibenta ang pangarap. Libre ang mangarap. Gumawa ka ng sarili mong pangarap, yung talagang iyo lamang.
Pero kung wala kang gana gumawa ng sarili mong pangarap. Matulog ka na lang at gumawa ng panaginip. Maghintay ka ng tamang panahon.
Hindi nagagawa ang pangarap ng isang iglap. Wag ka rin matakot kung sa kalaunan ay maling pangarap ang iyong nagawa. Baguhin mo agad iyon. Walang "touch move" sa pangarap.
Hindi porke't ginagawa mo ang mga bagay na ginagawa mo, ibig sabihin nito ay gusto mo na sya. Wag mong ikaila na may mga taong nakaimpluwensya sa yo na gawin yun.
Kung tama ang aking alaala, naipahiwatig ni Pooh, na ang paggawa ng wala ay hindi isang kawalan. May mabuti itong maidudulot na mahirap ipaliwanag. Mauunawaan mo lamang ito kapag gumagawa ka na ng wala.
Sumasainyo,
Helen Bola
my payo ako!
try mo mghiking at mg ski im sur mawawala ang katamaran mo...
un eh kung sisipagin kang gawin un!!hahaha!!asan n ung tshirt q???akin na!ok lng khit nasoot mo n!hehehe!
hav a nice day!
Putangina drama ito.
Lol!
Noranian ako. Sori. =p
You know U, your problem lies not with your lack of motivation but instead it is because you are fully satisfied with everything you've got. You mentioned that you are in love, your sex seems appetizing and that somebody is taking care of you. These elements, when combined together gives you a sense of security, that you yourself stops struggling to survive and let your significant other guide the way.
I know some people who acts different to your situation, but consider yourself lucky U.
Thank you for your letter, which unfortunately was mistakenly sent to me,
Joe D' Mango.
walang gana? mag-lactum ka. hahaha
may cardio-megaly ka????
[tawa habang umiinom ng kape, pumipetiks, pagkatapos ng isang linggong kayod]
totoy, sa wowowee ka sumulat.
leche. problema mo eh hindi mo alam ang problema mo. hehehe
I was really into this and was really hoping to shed some light on you but when I read this,
"hindi rin po ito tungkol sa paghingi ng payo tungkjol sa aking buhay pag ibig dahils o far BONGGANG BONGGANG BONG BONG"
ako naman ang nawalan ng gana. lol
Joke. Just bitter. hehehe
I'm happy for you two. :)
Una sa lahat Noranian din ako hahahah...
mag jogging ka na lang... baka maka tulong sa hypertension mo... fly ka sa U.P. or sa Arteneo at marami pa sa katipunan... hehehe
sorry, SHARONIAN ako :p
Ay, makakatulong talaga sa describe yourself ang pagiging Vilmanian. Ayos!
Conio dear,
you need some inspirasyon you know. Or make gawa some new hobbies.
Malay mo you might balik to your old self! winks*
Buhay pa ba yung 2?
At least, yung bagong lipat sa apartment sa ibaba, I call her mozzart.
Lagi kasing nagpapiano (8pm), so kung dinner time namin ni A, libre ang classy ambiance kasi dinig hangang dito yung volume nung piano nya.
sabi nga ni ej/stan:
gumawa ng bagay mula sa wala
um basta parang ganun. haha
kung walang problema... gumawa ka problema. hehe
ayos ba?
I dunno...I am confused :( Did you use a lot of slang tagalog words in this post? :(:(:(
I only understood a bit.
I guess, reading the comments...you are making your own problems? :) hahaha dunno! Magulo ka, Ewik! :)
~kinesics
nyahaha ibang klase ang drama ah... comedy hehehe...;p
ahehe...pwede kung magreply sila sayo i-post mo din???ahehe! gusto ko malaman reaction nila sa mga sinabi mo...speechless kasi ako eh..ahaha!
tropa anung balita??hehehe!!!nasolve na ba ang problema mo na wala kang problema??haha ang gulo yata nun!!^_^
walang gana.. lagi ka na lang walang gana... hahahaha
wala lang... hehehe
siguruhin mong latigo 500 ang iyong matungga bata
he he
pahinga lang talaga yan. tsaka pag isipan mong maigi ang bagay na gusto mo talagang gawin tapos focus ka na doon.
alam ko naman saglit lang yan.
Post a Comment