paano sasagutin
ang pangamba ng iba
sa aking pag-iisa?
kung malalaman lang
ang di-lantad kong buhay.
nakalima nang asawa;
ngayo'y limang ulit nang separada.
di kabilang ang nakasintahan
nang kung ilang oras, araw, linggo.
sinamba na't kinahumalingan;
itinuring na ring basahan,
laruan, kasangkapan.
Naging maybahay, kalaguyo't puta.
Ilan nang giliw at muhi,
luwalhati't lumbay
ang isinilang at inaruga.
Kung nag-iisa man ngayon
ay dahil alam na,
at tanggap,
ang uubra't di uubra.
At di na kailangan ng isa
para maramdaman
ang kagandahan ng sarili,
ang kabuuan ng pagkatao,
ang kabuluhan ng buhay.
Kung malalaman lang
kung gaano kakulay
sa dilim at kasukalang nilandas
sa pag-unawa ng pag-iisa.
Ang mahalaga,
natutong magmahal,
nagmamahal ako
at magmamahal.
Ito ang katuturan,
kahit nag-iisa.
note:
that day, after finishing this book, i said loneliness( or being single) goodbye.
Galing Cine Cafe
Nestor De Guzman
Lambana Press, Quezon City
No comments:
Post a Comment