Isang bagay na disadvantageous sa mga taong nagyoyosi ay ang pagiging magastos nito. Magastos hindi dahil sa pagbili mo ng iyong bisyo kundi magastos siya dahil sa dami ng limos na binibigay mo. Opo, limos.
Let's do a computation (naks parang magaling ako sa Matematiks. Sana hindi ako mag internal bleeding nito) : sa kada paninigarilyo mo sa labas ng isang establisamento, gumagastos ka ng P2.00 sa kada yosi na sinisindihan mo. Depende pa yun kung may natatanging talento ka sa paghigop (iba yun sa paghithit, take note) o pinanganak kang mas malaki ang isang baga mo sa ulo mo o di kaya'y sadyang sosyal ang brand ng sigarilyo mo. Tapos additional cost pa kung mahilig ka'ng mag kendi o uminom pagkatapos, sabihin na natin piso ang isang kendi. At panghuli ay ang limos na ibibigay mo sa mga pulubi na hindi ka lulubayan hangga't hindi ka magbibigay. Pumapatak ang limos depende kung sino ang kasama mo mag yosi mas malaki, mas espesyal ang tao. Sabihin nating P5 barya lang ang meron ka sa bulsa at ito ang ibibgay mo. Lumalabas sa isang yosi session na gumagastos ka ng atleast P8.00. At sa loob ng isang araw apat ang break ko at kailangan magyosi ako sa kada break. So P32 na yun. Hindi pa kasama yung walang kasing daming refilling stations at branches nila pag uwi.
So sabihin na nating P40 yun at P200 ang budget ko sa isang araw kung walang pupuntahan. Aba! lumalabas 20% na daily allowance ko ang napupunta sa charity!
Siyempre discretion mo rin naman yun kung magbibigay ka o hindi. Pero mas madalas hidni mo maiwasan kahit na alam mo na ginagamit lang sila ng sindikato. kahit nakikita mo'ng pinambibili lang nila ng rugby o pinampupsta sa cara cruz.
Naisip ko lang din, kahit saang sulok na ata Maynila (bansa at buong mundo na rin) merong mga palaboy na pulubi. Matanda, bata, katutubo, disabled, babae, lalaki, mag asawa. Lahat ay may kanya-kanyang raket din: may tumutugtog, sumasayaw, umaarte at kumakanta.
Samakatuwid, ang pamamalimos ay isang malaking talent contest kung saan ang boto ay hindi dinadaan sa text o vote cards at hindi na rin nangangailangan ng host o anumang advertisement.
Karagdagan, marahil kung ilalagay into ratio mo ang bilang ng kotse sa mga pulubi, 1:5 ang labanan. Kaya't hindi na rin nakakapagtaka kung ang trapik ay umaabot na kahit sa side walk o isang araw mayroon na ring traffic light kahit sa mga side walk.
Haay, late na naman ako (tayo). Kailan kaya tuluyang mawawala ang trapik?
No comments:
Post a Comment