Sunday, June 10, 2007

unmasking maskman



"i never thought, male maskmen knew how to dance jazz. probably the very first ever interpretative dance in our childhood---BRAVO!"

maskman na marahil ang isa sa mga kinahiligan ko'ng 5 member super teams bago pa man lumabas ang power rangers. sila na rin siguro ang nagmulat sa akin pagiging sexual being bago pa man ang adolescent period ko (ito yun, kapag nagtratransform na sila). pupusta ako, inaabangan niyo rin yung eksena na magtratransform sila at manghihinayang sa ilang mga episodes na diretsong transformation kaagad. nakakafrustrate nga lang dahil pare-pareho naman ang undergarments na suot nila every transformation. ayoko ng mag-isip.

kabisado ko lahat halos tungkol sa palabas na ito: ang pinoy theme song nito( refer to the previous play list na pinost ko), ang hand gestures nila kapag nagmemeditate sila at maging ang aura garter game nila (na nauso rin nuong grade 4 ako). Halos may current profile nga rin ako ng mga bida dito eh. pinakakilala na marahil ang kanilang professor na nasa Takeshi's Castle na rin (siya yung leader ng mga contestants).

akala ko alam ko na ang lahat tungkol sa kanila, subalit nagkamali ako nuong nakita ko ito. umiyak ako buong gabi. kakaisip at patuloy na sinisi ang IBC 13 dahil pinutol ito sa introduction. kungkayat, masakit ang ulo kinaumagahan pagdating sa trabaho, kakabisado sa sayaw na ito...hindi niyo ako masisisi...hindi.

2 comments:

Anonymous said...

di ko ngay alam yang maskman... poor me..

wanderingcommuter said...

hala, talaga???
hehehe...okay lang yan.
feeling ko talaga, SPED ang may kasalanan kung bakit most youth in baguio haven't really knew what other children enjoyed there childhood...hehehe.
i remembered rhea before, we were inviting her to play 'agawan base' with us. but she refused because she claimed she don't know the game...tapos nung nakita niya yung laro, sumali rin. kasi raw ang tawag nila sa sped nun ay 'prisoner's base'. hehehe