Sunday, July 1, 2007

fantasya

" fantasya": ms paint: 010207: 12:50pm: opis

sa madilim na sulok ng aking kwarto
totoo ang kasabihang, bulag ang pag ibig
doon, kapwa tayo sumasayaw sa ritmo
ng ating mga pagnanasa
pikit ang mga mata at malayo
sa nahihimbing na madla

dito, naabot natin
ang mga pinakamataas na awitin
naguguhit ang mga tagong kurba at linya
nanamnam ang mga lason sa paligid at
naamoy ang pinakamasangsang na lansa

lahat ay katuparan
ng isang malafantasyang panaginip, kumbaga

subalit sa pagdama ng huling hininga,
unti-unting babalik ang lahat sa dating ayos
nagigising at makikita ang sarili
na nakahiga sa kama

kungsaan, muling iniisip ka

5 comments:

mcaethen said...

i am just wndering if both of the individual in the Photo are male. it would imply that the post gratify a moment with a guy also. hehehe. *-*

theTripper said...

u did that with ms paint? u r really good. :)

wanderingcommuter said...

mcaethen: it would depend on how will you interpret it. i just love giving suble meanings on my works...hehehe. thanks for the comment. live with your interpretation becasue my poitn would always differ from yours and probably you might have btter interpretation than mine

thetripper: hindi kasi ako marunong magphotoshop tulad ni iko kaya nabuhay ako sa ms paint. classic1 hehehe

Ariel said...

ang galing talaga...ayus! Ang galing mong artist! The paintbrush tool in Photoshop is very much like MsPaint's.

Chax said...

Yay. You're good. :)