ang panunuod ng indie movie ay parang isang kahon ng tsokolate, hindi mo malalaman kung ang titikman mo pala ay tae.
frustrated ewik
kagabi, pagkatapos ng aking klase, inimbitahan ako ng isang kaibigan na manuod ng isang pelikula sa UP film institute. sabi ko sa kanya, hindi ako pwede, wala ko'ng pera. pwera na lang kung manlilibre ka. kumagat naman siya at linibre niya ako. ayus!
hindi ko alam kung ano ang papanuorin namin. ang alam ko lang indie film na naman ito, kundi ito gay film ay award winning international film ito.
pagdating namin sa FI (film institute, ugali ng mga taga-UP na mag abbreviate kundi man ay gumamit ng generic ie. manang xerox, manong fishbol, manong guard etc.), WHOOOH!!! ang daming tao. nakakagulat. hindi naman kasi madals na ganito kadami ang mga taong nanunuod ng pelikula sa FI. last ko'ng nakita ang ganito kadaming tao ay noong nag premier ang lihim ni antonio. nang mapansin ko'ng mas madami ang lalaki kesa sa babae, na parang meron na naman grand eye ball ng bi-manila sa mirc, una ko'ng tanong sa kaibigan ko, gay film ba ito? sagot niya, hindi naman si allen dizon at gwen garci ang bida. anong synopsis? hindi daw niya alam. anong title nga ulit? butas (loopholes).
hmmm...
isang tingin pa, kinilatis ng mabuti ang mga taong nakapila at naghihintay, huwaw... andaming mga premyadong direktor meron din mga kilalang artista, at hindi din naman pala lahat ay mga inaakala ko, meron din mga manong na parang galing lang sa pakyawan.
naiintriga na talaga ako kung anong meron sa pelikulang ito. nang makapasok kami, isa na namang malaking WHOOOOHHHH!!! standing sa loob ng FI. at sa unang pagkakataon ay nakatayo akong manunuod dito. may kakaibang ambiance ang lugar, ito yung pakiramdam nung teenager ako at nauso ang mga ST na pelikula. kahit wala pang ako'ng 18 ay nanuod ako ng R18 na sine sa probinsiya, na kadalasan ay may kadobol pa. mas malikot pa sa malanding kiti kiti ang mga mata ng mga tao at hindi mo maiiwasang kagahan.
nagsimula na ang pelikula, unang bungad LEO films. hmmm... parang natatandaan ko ang production house na ito. nostalgic sa pandinig. nang iresearch ko sa Internet siya pagdating na pagdating ng bahay, ito ang ilan sa mga pelikulang prinoduce nila: sa iyo ang sarap, sa akin ang hirap (1999), hiram na katawan (1998), alipin ng tukso (2000), hiyas... sa paraiso ng kasalanan (2001), tukaan (2002), ligaya...pantasya ng bayan (2002) at marami pa'ng ibang pelikulang mapapanuod mo lang sa mga liblib na sinehan ng recto at cubao.
anyhow, mas pinili ko ng hindi ikwento sa inyo ang synopsis baka mahawa pa kayo sa disappointment na nararanasan ko. to be brutally honest, walang kwenta ang pelikula. hindi bago ang kwento, actually walang bago sa kabuuan. ang lame ng twist at halos wala nga'ng climax o totoong conflict, na pwede'ng mag engage sa kwento. pilit na pilit as in talagang pinilit ang kwento para magmukha, take note sa salitang ginamit: MAGMUKHANG kwento. siya ay hindi kwento. aside pa sa fact, na napaka as in napaka SLOWPACED at DRAGGING nito!
infairness, nag effort naman si direk, si direk bong ramos. siyempre naalala ko yung pangalan ng director. aside kasi siya nag director, siya din kasi ang may ari ng story at concept, script writer, at producer. at everytime na lalabas ang pangalan niya ay magpapalakpakan ang mga tao. kaya lalo na kaming nag expect. ang ginawa ni direk, kumuha ng dalawang shot to represent two side of the stories. kung pamilyar kayo sa pelikulang hero ni jet li. parang ganun, na parang hindi din. kasi kung ano yung unang kwento halos ganun din ang ikalawa. hindi ko alam kung may relevance ang tono na pagsasalita ni gwen graci sa bawat perspective, dahil kung oo, sorry hindi naging effective. imaginin mo na lang na pinapanuod mo ang isang napakahaba at napakadragging na pelikula ni jinggoy estrada ng dalawang beses sa isang upuan. nakaka stress, anu po?!
at kung sasabihin niyo'ng napaka bias ko naman po, kung andun kayo marahil ay isa kayo sa mga taong panay ang tayo, labas, tayo, labas ng kanilang inuupuan dahils a boredom. buti na lang talaga at hindi ako ang nagbayad dahil kapag nagkataon ay marahil ay susugurin ko si bong ramos at ipapareimburse ko ang ticket ko.
haaay, pagkatapos ng pelikula, may apat na bagay lang ang narealize ko. una, unti-unting ginagamit ng mga naluluging production houses ng mga ST films, nauso noong 90s ang pag usbong ng mga indie films para mainfiltrate muli ang market. ganito ang formulang hinahanap nila: kwentong mula sa mga film students + lots of sex = pa-indie movie. ikalawa, dahil walang jurisdiction ang mtrcb sa mga pinapalabas ng UP film institute at bawal na rin ang mga R18 na pelikula sa SM, ginagawa na ang FI bilang center for soft porn industry. ikatlo, narealize ko kung bakit ang daming nanuod kagabi, hindi dahil sa kwento kundi dahil sa muling pagkakataon ay makakapanuod tayo ng mga ST movies, katawan, please!. kung bibigyan lang siguro ng remote control ang bawat nanunuod kagabi, siguro finast forward at pinause na lang nila ang pelikula kungsaan may sex scene at may frontal nudity sina gwen garci at marco morales. at ang pang huli, na sa tingin ko at ang tanging positive points lang sa pelikulang ito ay, ang galing ng promotions at advertisements supervisor nila!!!


source
sensiya na, kelangan ko lang talagang irelease ito...
inhale, exhale... inhale, exhale... inhale, exhale...
yan okay na ako...
pweh, lasang tae pa rin...