Tuesday, January 27, 2009

8 signs na crush mo na ang isang tao

8. kapag wala ka sa mood lumabas kapag hindi siya kasama. pero kapag andun ka na't kasama siya, hindi ka naman nagsasalita. basically, kahit hindi mo naman siya tinitignan, kuntento ka nang nandun lang siya.

7. gumagawa ka ng eksena o okasyon para magkita kayo. kunyari, kahit wala ka'ng pera at katuldok na lang ang itim ng mata mo dahil sa gutom, magyayaya ka pa rin inuman at sagot mo pa, para lang pumunta siya.

6. kapag nag iisip ka ng gagawin o pupuntahan kasama siya prior ng pagkikita niyo. kapag nagkita na kayo, palalabasin mo'ng naisip mo lang ang ideya by the spur of the moment at hindi mo naman talaga pinagplanuhan.

5.kapag daig mo pa ang bagyo sa pag-eemote at ang sunset sa pagiging artistic. kapag hindi ka nabati tuwing nagkakasalubong kayo, feeling mo ang pangit pangit mo na, tapos sisihin mo pa siya dahil hindi niya kino-compensate yung attention na binibigay mo sa kanya. may pagkakataon din na sobrang nagiging artistic ka at sinisipag gumawa ng mga tula, kwento o kahit anu ano pa. kahit alam mo'ng wala ka naman talagang talent. kebs ba nila? art is a form of self expression.

4. everytime na gusto mo'ng itext siya, mandadamay ka ng iba at gagawin mo'ng group message para lang may lusot ka kapag nagkabukingan, kaya siguro nauso ang GM. pero kapag nagsireplyan naman, siya lang ang nirereplyan mo. may tama ka!

3. kapag nangungumusta ka na ng mga tao sa mga common friend/s niyo, tapos siya yung laging hinuhuli o ikalawa sa huli mo'ng kinakamusta, para di halatang atat ka'ng may malaman sa kanya. pero obvious naman kasi siya yung may pinakamahabang conversation.

2.kapag ginogoogle mo ang pangalan niyat tuwing wala ka'ng makita sinusubukan mo naman ang nickname niya, kung wala pa rin, ang palagay mo'ng nickname niya, school na pinanggalingan, work na pinagtra(tra)bahuhan. minsan kapag nakita mo'ng maraming results, pindot agad ng image. sabay print o di kaya save sa computer.

1. kapag dinedeny mo sa sarili mo'ng crush mo siya, kahit na 6 or more sa mga nabanggit ay guilty ka.

26 comments:

Mugen said...

Siyempre ito ay sa iyong perspektibo lang. Pero tama ka, kapag may tama ako sa tao, kahit Jomanian Holiday eh gagawin kong big-deal para maaya siya lumabas.

At siyempre taya ko siya. :)

MakMak said...

Yung number 2 hindi na ata crush yun. Obsession na tawag dun. Hahaha. Hindi ba pangi-istalk a yun? :)

Natawa ako sa GM. Haha. Mga palusot.

jeszieBoy said...

ayos! 3 and 4! sapul ako!
haha!

john stanley said...

ay katatanda na may crush, crush pang nalalaman, hehehe!

number 1 ko siguro eto: lahat ng emo love songs na naririnig ko e sya ang naiisip ko.

bakit kaya? =)

Toilet Thoughts said...

Hmmm... Inisa isa ko... lahat iba't ibang tao napaisip ko...

Madami pala akong crush... hehehe.

gillboard said...

Hahaha panalo tong post na to... Tinamaan ako sa halos lahat!!! Parang ginawa ko yung number 4 kaninang hapon lang. lolz

ANTONGALON said...

ako ni minsan di gumamit ng palusot na GM. kaso pag nagsesend ako ng lambing sa taong mahal ko, pingbibintangan nya ako na GM daw yun. sweet nya talaga.

kosa said...

lols
tumbling muna para sa yo!
ooooppsss. ayun!

base sa mga sinabi mo, changna.. tama ka nga pareko..lol
di man sapul si kosa medyo nakarelate ako.. nyahahah

kitakits

my-so-called-Quest said...

number 3! hahahha
hay malapit na nga ang feb. kelangan ng magisip ng number 6! hehe

Yj said...

pagdating sa crush kong si NJ, lahat yan sapul ako maliban sa number 1.... nyahahahaha sinasabi ko nga sa kanya na mahal ko siya ng harap harapan eh.... sabay bawing 'joke lang' hihihihi

the geek said...

lol guilty @ #6....nice one, ewik...

Yffar (^^,) said...

kapatid... i'll be changing my domain name.. www.rainbowhalohalo.tk instead of rainbowhalohalo.blogspot.com. pabago na lang po.. add kita ulit sa blog roll ko kasi nagbago ako ng lay out kaya nawala mga blog lists ko..

bestdhimn said...

syeeeet!!! obsession na pala ang tawag dun... naku! change na lang ako ng ibang number ayaw ko na number two...

akalain mong hindi na pala crush yun?!!! :)

olan said...

hahaha... tumpak na tumpak mo... hahaha... relate na relate ako dun sa no. 4 and no. 3. hahahah...

Bino/Geno said...

Yihee..

lucas said...

natawa ako dun sa number 4. hahaha! sapul!

Chyng said...

sakto, nalalapit na nag valentines!

Victor Gregor said...

haha. got 6 out of 8.

me nakalimutan ka yata na isa pang signos: minsan, nagtetext ka sa kanya ng kunwaring "mis-sent" message, para lang magtext siya at tuloy makapag-usap kayo. LOL.

Aracir said...

#8 and #2 hahahha

Denis said...

waw tunay in deed.

yoshke said...

well, if that's the case, i am sooo crushing someone now. haha

anyway, natatawa ako dito sa list na 'to. sapul eh. haha

i am nobe. said...

high school ako noon.. hahaha!

love,
nobe

www.deariago.blogspot.com
www.nobe112681.blogspot.com
www.babyproblogger.blogspot.com

Elyong said...

Wow ganun pala yon.. maraming beses na pala akong nagka crush.. hahaha!!

Have a wonderful day.

Reyn said...

Sapul ako sa numbers 1-4. Haha. Pero hindi lang crush siguro yun :P

Abou said...

ang crush ko kahit i google wala akong makita. di ata marunong mag computer kaya ayun lagi ko na lang tinitingnan sa malayo

Anonymous said...

Hahaha! Nakakaburat kasi minsan na may mga hinihirit kang hindi dapat sa kanya. Mga "jerk moves" ba.