Monday, December 28, 2009

horoscope: a year ender/starter

capricorn (21 december- 20 january)
last year: ocean park, aquarium

huwag umasa sa mga online job posts. sa panahon ngayon, hindi na lang ikaw ang may access sa internet. isa pa, madaming tamad na HR. hate nilang nagbabasa ng almost one million job applications ng mga tulad mong nangangarap din ng isang trabahong hindi sa call center.


aquarius (20 january- 18 february)
binondo food trip

hindi lang sa pagkain nararanasan ang kaligayahan meron din nakukuha sa gym. it starts with the letter K... at hindi yun KANTOT (sa ibang blog yun), Kalusugan yung akin, Kalusugan.

at isa pa, kelangan mo na ding ma outgrown ang iyong oral fixation sa C. anak ng.. sabi ng sa ibang blog yun. Cigarettes ang tinutukoy ko, Cigarettes!


pisces (18 february- 20 march)
watch a play, reconcile with an ex

kelangan tapusin ang mga nasimulan. hindi binigay ang talent para ipagyabang lang. biyaya din itong dapat pagkakitaan.

sa panahon ngayon, kapag mahirap ka, past time lang ang talent, hindi ka mabubuhay diyan dahil mayayaman lang ang may K(ayamanan) maging artist. not unless, close kayo ni ellen o oprah


aries ( 20 march- 19 april)
write a novel,
dance all night

kung hindi na pabor sa iyo ang pagiging happy-go-lucky lang, baka kailangan mo ng bumuo ng sarili mong ambisyon at sungkitin ito. iba pa rin talaga kasi ang may tinanim at hinihintay kang aanihin kesa maghintay ng walang katiyakang mahuhulog. and no hindi niyo po akong pwedeng iinvite na neighbor dahil hindi po ako naglalaro ng farmville.


taurus (19 april- 20 may)
lose 20lbs, fly a kite
cook for family and friend

ang responsibilidad ay hindi isang salitang binuo lang ng mga martir o ng mga taong gustong mandamay sa hirap ng kanilang buhay. lahat tayo, kahit hindi naka indicate sa birth certificates natin, mayroon nun. at hindi lang yun tumutukoy sa sarili natin kundi sa ibang tao--- sa mga importanteng tao sa buhay mo.


gemini (20 may- 21 june)
banana split, check in a motel

hindi ka na bata para maglaro lang nang maglaro. dahil hindi naman kasalanan ng ibang tao kung pangit ang naging childhood mo.


cancer (21 june- 22 july)
enchanted kingdom

takte, beinte singko ka na! bring it on quarter life crisis! tandaan mo lang, hindi lahat ng success nadadaan sa laging pagmove forward. mayron din nanalo dahil sa pagsuko. so relatibo ang kasabihang quitters never win dahil in the first place, hindi naman sila goal manalo. may iba gusto lang talaga mag enjoy.


leo ( 23 august- 22 september)
dvd marathon

magsipag ka na. dahil MAY NAGTEXT... sawa na daw ang katamaran sa iyo. tatlong subject ka na lang, thesis ka na. at kapag nagkataon ontime ka pang gragraduate sa masters mo. kung anong gagawin mo after nun, saka mo na isipin. alalahanin mo muna kung ano ang magiging thesis proposal mo, ambisyoso!


virgo (23 august- 22 september)

hindi lang luzon ang lugar sa pilipinas at hindi lang pilipinas ang bansa sa mundo. at mayroon ding barko at eroplanong naimbento para sa henerasyon mo. hindi totoo ang sinabi ni bob ong na makakapunta ka sa new york, paris atbp sa pag inom mo sa starbucks. o kahit ang sinabi ng HEKASI teacher mo na mararating mo ang buong bansa sa nayong pilipino.
sabi nga ng globe, abot mo ang mundo!

libra ( 22 september- 23 october)
isdaan
go to malate, make out with a stranger
talk to a prostitute

alam ko matagal mo ng gustong maging rabbit. ayaw mo ng maging messy at madugo sa pagkain. mahirap man dahil evolusyon na ang nagdikta, pero sabi nga ng billboard sa aurora, change is (still) inevitable. at hindi ka magiging traydor sa alma matter mo kahit mag GO GREEN ka!

scorpio (23 october - 22 november)
resign

siguro ngayon alam mo na kung gaano kahirap ang maghanap at maghintay sa isang bagay na parang hindi na dadating. at ngayong natanggap mo na siya, huwag mo na siyang hahayaang sa parehong courier pa mapadala ulit ito.


sagitarrius (22 november - 21 december)

overrated na ang saying na look for happiness. si barbie at mga magic ponies na lang ang naghahanap nun sa end of the rainbow.
hanapin mo contentment dahil hindi na yun nag eevolve into bigger complications, at dahil hindi din naman sila pokemon. ano daw?!

pero on a serious note, makontento ka dahil may kontento na kung sino ka at ayaw mo mang aminin, sila ang nagpapasaya sa iyo.

anak ng... yan ang ending!


*linked entries are part of my lifelist for 2009.
** and this entry will be part of my lifelist for 2010. wish me luck!

18 comments:

dabo said...

don't i just envy being you? hahaha on second thought no.. it is enough to know i love youlike i love my nails. yung mga nagupit na kuko huh.

cheers!

citybuoy said...

good luck!

elYAS said...

natuwa naman ako sa gemini. haha. adik.

PILYO said...

parang gusto ko rin gumawa ng blog na tulad mo hahahaah.

red the mod said...

Tinamaan ako ng todo-todo dun sa sign ko ah, hehe. I agree. Learning doesn't always entail the brandishing of conquests, or the establishment of new turfs. It is in the simple acknowledgment that what transpired imparted a better comprehension of matters.

And moving on is non sequitur for moving forward. But the requisite of moving, changing, evolving and growing. It takes a greater deal of courage to concede to the wisdom of fate, than to brave tides on ship that has long sailed.

I hope to write a new chapter this coming year. One replete with positive altercations, and fruitful contemplations.

Cheers!

Yj said...

tarayan.... at dahil jan may nagtext...

para daw suwerte ka sa taong 2010, lagi mong dalhin ang iyong lucky stone.... at ang iyong lucky stone ay....

batong panghilod!!!! bwah

engel said...

napaisip tuloy ako kung may talent ako. hmmmm.

=)

Happy Holidays Ewwik!!!

Victor Gregor said...

madam ewik. lol.

Zai Zai said...

haha thanks for the first horoscope reading ko for 2010..basta sana happy at prosperous ito para sa ating lahat :)

thecurioscat said...

hindi ako naniniwala sa horoscope pero parang gusto ko yata maniwala nung nakasulat dito sa akin haha

Chyng said...

ansipag, and very nice way to enumerate the things you've done in 2008. cheers! Ü

iurico said...

hmmmm, masubukan nga ang horoscope ko. hehehe

rudeboy said...

Awts!

Sapul ako ng Aquarius!

Maxwell5587 said...

napakamakabuluhan ng entry na to, dami kong narealize and napagtanto sa buhay, haha!

happy new year ewik!

PUSANG-kalye said...

New Year's Day is every man's birthday. Happy New Year Everyone.....

caloy said...

bat naman ganun yung aquarius? magpapapalit na ko ng birth date! hahaha! happy new yeaw. :D

richard said...

wow! may twist.. year ender at same time, starter.. hehe.

syhcool said...

Next, do the same thing for the pandora jewerly right front side of the shirt.Once you have done Pandora Bangles both front sides of the shirt, you then will need pandora bead to do the back of the shirt. Take the shirt and place the back of the discount pandora shirt so that the direct middle is on the ironing board. The pandora sale back collar of the shirt should be right up at the edge discount pandora charms of the "head" of the ironing board or even slightly hanging off. Pull the bottom buy pandora bracelets of the shirt to create that taught resistance again and pandora beads charms begin to spray the shirt and iron in the opposite direction of pandora earrings the pull.