Saturday, July 3, 2010

x

Naramdaman ko ang sandaling pagtigil ng oras nang magtagpo ang aming tingin, ni hindi ko nagawang iahon ang sarili mula sa pagkalunod sa lamlam at lalim ng kanyang mga mata, na tila may kung anong pwersa ang humihila sa akin papaloob, nang-uudyok pero hindi ko tiyak kung nakikiusap.

Madalas ko ng nakakasalubong ang lalaking yun. Sa tanda ko sa lugar na ito, tiyak kong hindi siya taga samin, maging si Nana Sela, ang pinakamatanda sa aming lugar ay hindi din siya kilala. Walang nakakaalam sa tunay na pagkatao ng lalaki o kung saan siya nagmula, kaya naman hindi na rin nakakapagtaka kung wala ding may alam sa kanyang pangalan. Kungkaya kinilala ko siya bilang X.

Di mapagkakailang matipuno ang katawan ni X, kitang-kita ang pagkabilog ng kanyang mga dibdib, na parang kayang sandalan maging ng mga pinakamamabigat na mga palad. Prominente rin ang mga makakapal na linyang gumuguhit sa kanyang bato-batong tiyan. Halos hindi ko nga napigilang sundan at isipin kungsaan nagtatagpo ang dalawang linyang mula sa kanyang mga tagiliran na sumisisid paloob sa kanyang saplot. Nakakapanggising ng loob ang itsura ng manipis na balahibong nakasabit sa pagitan ng kanyang pusod. Animo'y hinahalina at kinikiliti ang pisngi ko.

Hindi ako adventurous na tao subalit ng sandaling yun, nakadama ako ng kakaibang pagnanasang hubaran siya. Ipahid sa sariling katawan ang nakukuhumahid na likidong nanalaytay sa kanyang makisig na braso upang marating ang kanyang pinanggalingan. Buksan ang kanyang bibig at tikman ang kanyang laway nang maintindihan ang pait na kanyang linulunok bawat araw at siilin ng halik ang mga gapulgadang duming tumatakip sa kanyang walang putlang mukha.

Gusto ko siyang sumigaw, sumigaw ng ubod ng lakas hanggang mabingi ang aking isip. Gusto kong marinig ang kanyang boses at malaman kung gaano ito kalalim o katinis: Kung gaano ito kalakas o kahina. Gusto kong kainin ang kanyang tinig.

Nais kong saktan siya hanggang sa ibulyaw niya ang kanyang pangalan, na wala ni isang kaluluwang may alam. Nais kong ibunyag niya ang kanyang pagkatao, kahit sa pamamagitan noon ay marinig kong ang kanyang pagmamakaawang, alam kong kanyang kinikimkim. Gusto kong dukutin yun mula sa kanyang lalamunan.

Gusto ko siyang lumuha sa harapan ko, humagulgol na animo'y hindi na tatahan. Gusto kong makatiyak kung nakakaramdam pa siya, kung tao pa siya. Gusto kong ilabas niya lahat, isabog niya sa harap ko. Lunurin ako hanggang sa di na makahinga at mamatay kasama ng kalungkutan niya.

Subalit kailanman ay hindi huminto at nagpakilala sa akin si X. Patuloy lamang siya sa kanyang paglalakad na animo'y walang nakikita, nadadaanan o nakakasabay. Malayo ang isip, walang kibo at walang emosyon tulad ng ibang taong grasa.



*an attempt of combining erotic and social writing

19 comments:

iurico said...

LOL

And you've succeeded in doing so.

I salivated... and puked. Echos!

LOL

Nevertheless, very nicely written. :-)

gillboard said...

belated happy birthday!!!

nagpapakamature ka na? hehehe

Anonymous said...

grabe naman, nalunod ako sa galing ng pagkasulat mo nito

bien said...

speechless.

VICTOR said...

Hindi ba ang social relevance at erotisismo ay hindi naman entirely magkahiwalay? Chos. Hehe.

citybuoy said...

erotically social? or socially erotic?

it wouldn't have been my first guess but the words dazzled me anyway. bagay naman pala sila. haha

Boying Opaw said...

an attempt?! so, ganun... attempt lang 'to sa iyo? trip-trip lang?!

so, ano kami? trying hard?

hahahahaha!

=p

Ely said...

Nice...

wanderingcommuter said...

iurico: nyahahaha! salamat... asan na ang trophy ko?

wanderingcommuter said...

gillboard: nyahahaha! echusero ka! salamat! mas mature ka pa din sa akin kahit anong mangyari!

wanderingcommuter said...

thecuriouscat: magpasalba ka kay "friend" para maka-cpr ka na din. alam ko gusto mo yun!

wanderingcommuter said...

orallyours: *blush*

wanderingcommuter said...

victor: wala naman pwedeng ihiwalay sa social eh. wala lang. sinesensationalized ko lang. hahaha!

wanderingcommuter said...

citybouy: i think, either way.

wanderingcommuter said...

boying: bakit kinukuwestyonb ko ba ang mga trip-trip mo??? hindi ka trying... hard ka kaya lagi!

hahaha..

joke lang!

ely: hey long time no hear ah! salamat!

Jake said...

Ganyan ba talaga ang tumatanda, at pati mentally-challenged ay pinagdidiskitahan mo na?

Hahaha!

BELATED HAPPY BIRTHDAY, EWIK!!!

(Tignan mo 'yung photos mo, halos kulay sepia na hehehe)

wanderingcommuter said...

hahahaha. halata talaga ang mga uugod ugod na... naghahanap ng karamay sa kanyang katandaan...

how old are you again? nyahahaha! check your email. i sent you something

Aris said...

nalurkey ako sa hotness ng taong grasa! hahaha!

galing-galing naman. nakakadala.

anyway, happy birthday to you, ewik dear! sana ulanin ka pa ng maraming biyaya at magkatotoo lahat ng mga pangarap mo. :)

casado said...

ang husay! ehehe
ibabalik ko sa iyo ang

clap clap clap! :P