Tuesday, July 13, 2010

Mangyari Lamang

ni Rico Abelardo

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmamahal
Nang makita ng lahat ang mukha ng pag-ibig
Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan
Sa mga malabo ang paningin.

Mangyari lamang na tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi
Nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani
Ipadama ang pait ng kabiguan
Habang ipinagbubunyi ang walang katulad
Na kagitingan ng isang nagtaya.

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal
Nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata
Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubli
Ng pusong lumaki sa mga engkanto't diwata.

Mangyari lamang na tumayo ang nagmahal, minahal at iniwan
Ngunit handa pa ring magmahal
Nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
Ipamalas ang katotohanang nasaksihan
Nang maging makahulugan ang paghagulgol sa dilim.

At sa mga nananatiling nakaupo
Mangyari lamang ay dahan-dahang tumalilis
Palabas sa nakangangang pinto
Umuwi na kayo!
At sumbatan ang mga magulang
Na nagpalaki ng isang halimaw.

At sa lahat ng mga naiwang nakatayo
Mangyari lamang na hagkan ang isa’t isa
At yakapin ang mga sugatan
Mabuhay tayong lahat
Na nagsisikap makabalik sa ating pinagmulan
Manatiling masaya at higit sa lahat
Magpatuloy sa pagmamahal.

*:) salamat kay pads dahil napangiti ako dito

9 comments:

Carabrant said...

Pano ka napangiti nito eh napalabas ka ng room dahil nananitili kang nakaupo? Hahaha!!

Grabe!! This post is so long overdue, pati yung continuation ng carnival porn story mo!!

orallyours said...

ayy lab eeeet!

soltero said...

haha ayan, nakatayo ako! asan ung mga hahagkan ko? hehe :P

gillboard said...

ang ganda nga. napangiti din ako.

napatayo ako. =)

Mu[g]en said...

Nalungkot ako sa tulang ito.

jericho said...

napaluhod ako. charot! :P

wanderingcommuter said...

carabrant: mahirap ituloy ang carnival porn kung hidni na ako nanunuod ng porn. nyahahaha!

wanderingcommuter said...

orallyours: i bety you do.

soltero: sus. alam mo naman meron eh. ayaw mo lang iacknowledge.

gillboard: isa ka pa! may nagpapangiti na din ba sa iyo?

mugen: para sa isang taong ang dugo ay emosyon, hidni na ako magugulat. mwah!

jericho aka ispageyti!!!! hahahaha!

Carabrant said...

Kailangan mo ba ng inspiration? Pwede kitang tulungan. Hahaha!

Kala ko pa naman gagawin mo nang film yung carnival story mo. Willing pa man din sana akong gumanap ulit. Hahaha!!