Monday, May 11, 2009

tagulaylay ng makatang b(in)usabos

ngayong gabi,
bibisitahin muli ako
ng isang laksa na mga salitang
ibig makipagtalik sa aking gunita
iindayog sa ritmo ng kanilang mga kahulugan
at bibigay muli sa rurok ng kanilang kandungan

magpaparaya sa tikas ng mga talinghaga,
na bubusal sa hinagpis ng aking kamangmangan
at huhubad sa tapis na ibinaro sa akin ng mga magulang
bukas, tiyak kong durugo ako sa hapdi
aagos ang bukal ng luha sa aking mga magang pisngi,
luluwa ang mga titik,
sasabog ang tintaat iluluwal ng aking pantog

ang isang mapagpalayang obra

*tulaan portion muna---ulit! wala pa sa mood magpost!
may sakit ako--- bawal makialam! hahaha
** first posted by auj. thanksie!

7 comments:

gillboard said...

sana'y ikaw ay nasa mabuti nang kalagayan...

Yas Jayson said...

magpagaling.

mapagpalayang umaga. :D

Eben said...

alagaan ang sarili...sana'y nasa mainam kang kalagayan.

Rain Darwin said...

nabanggit sakin ni bitchesa mo, may round 2 daw ang inyong pagtutunggali.

May nakahandang Cuervo Tequila sa mananalo. (itanong mo pa sa kanya)

citybuoy said...

hope u get well soon! :D

Kape Kanlaon\ said...

hahaha.. grabeh ang lalim tol! heheh
pero parang sensored din bah to?hehe

get well.. :D

Yj said...

ang mananalo sa eksperimento... may libreng subo....

bwahahahahaha wala akong masabi eh.... ang lalim ng tula.... d lang pala sa ingles dumudugo ilong ko