Tuesday, May 19, 2009

laro (?)

sa bawat kwento, hindi lang lagi si judy ann ang bida, si sharon ang api o si nora ang nagiging mayaman o masaya sa ending.

sapagkat kung tutuusin ang bawat kwento ay walang bida o kontra bida dahil ang bida ay kung sino ang gusto mong gawing bida at ganoon din kung sino ang gusto mong kontrabida.

walang masama o mabuti, walang api o inaapi. lahat inaapi, lahat nang aapi at lahat nagpapaapi.

kaya para sa kanya, sa larong ito, unang mainlab, talo.

pero ang hindi niya alam, hindi ito isang laro.

kaya sa dulo siya talaga ang totoong talo.

17 comments:

Trainer Y said...

yun eh kung marerealize nya na hindi pala ito isang laro...pero paano kung patuloy na ganun pa rin ang kanyang ispin ukol dito?
siya pa nga rin ba ang magiging talo kung sa ganitong sitwasyon na siya ang lumikha at siya rin ang gumawa ng mga pamantayan?

napadaan lang...

Anonymous said...

lesson: don't play love with the one who can play it better.

citybuoy said...

those who play with love often lose.. sabi nga ni ate amy.. love is a losing game. :D

Yj said...

hindi ba pwedeng TABLA ang ending?

Tristan Tan said...

@john stanley sabi nga ni Ms. Philippines-Visayas...

"While waiting for the right one, play with the wrong ones but be careful with playing with wrong ones for they may be the right one after all..."

Tama ba? LOL.

Hindi ako naniniwala na ang unang mainlab talo... ang naiwang nagmamahal ang talo. :)

gillboard said...

hmmm... wag na lang kaya maglaro... la naman nadudulot na mabuti yun..

DN said...

"Give in to love, or live in fear."

(Look who's talking moment ito)

lucas said...

very true, ewik...

those who enter a relationship just to play are the losers of their own game...

parteeboi said...

walang nananalo sa laro ng keme. sapagkat ang keme ay hindi isang laro.

Mike said...

kung ang unang nainlab ay talo, lahat tayo ay isang talunan.

bampiraako said...

mas talo yung hindi niya ma-amin sa sarili na inlove pala siya..

Mel said...

well said

<*period*> said...

ouch..lalo na yung comment ni bampira ako

Turismoboi said...

narinig ko ung bname ko triztan haha!

Dagger Deeds said...

Narining ko dati love is the only game where you lose by refusing to play...

MkSurf8 said...

bat naman kasi may panalo at talo. di naman sya dapat game. kasi kung ganun, lahat naglalaro lang.

kung ganun din, dapat walang pikunan. isports lang!

adaptedboy said...

hindi nga laro, pero yung iba ginagawang pastime lang...

you couldn't have said it any better.