Monday, January 11, 2010

repost: saan nagwawaksa ang mga tula?

sa alaala,
doon ka nagsimula
isang buwan, isang linggo
at tatlong araw
ang gunita mo'y patuloy na umaalingangaw

binilang ko hindi ang oras
kundi ang alimuong lumandi sa buwan
hinintay ang sandali na maubos ang mga butil
na umaamba
sa kawalan na nakatulala
habang pinupukol
ang pagsayaw ng nagdududang dalampasigan

kinabisado ko ang pagluha ng mga bato,
inaalam ang pinagmumulan nitong nanunuot na lansa
habang kinakalas ang taling kumanlong sa bukas

teka,

hindi ko pa nais na masaksihan kang muli
palapit sa aking pagnanasa

pakiusap,
huwag mo ulit yakapin ang aking pangungulila
dahil alam naman natin, sa iyo pa rin nagwawakas
ang aking mga tula


*mula sa aparador ko'ng amoy naptalina
linikha noong ika-pito ng abril, 2006
**alay sa isang matalik na kaibigan at sa kanyang pagsasarado ng humigit kumulang tatlong taong relasyon.

9 comments:

Dabo said...

at sa mga tulang natapos
hinintay mo ang pagbangon
mga ilog na nakalimot sa panahon
na kahit agos hindi matiis, nagtanong
bakit hindi ka na dumaloy
bakit hindi ka na lumingon..

Andrei Alba said...

astig. magsulat ka pa. ang tagal na rin niyan. amuy na amoy ko.

Chip said...

wanderingcommuter, payat ka pa sa pic oh!! Bwahaha!!

Marco Jullio said...

bakit lagi na lang tayong bumabalik kung saan tayo natapos? at bakit laging may naiiwan... ang lungkot ng tema at ito ay aking nadama... galing!

Dhon said...

Love it! :)

Chyng said...

oh, i remembered this post!

Unknown said...

This really got me. Baaaaaaaaaad. The last line, particularly. Ang hirap no?

Yj said...

i wonder bakit hindi ako naiyak...

hmmmmmmmmmmm.....

Raiden Shuriken said...

"... sa panibagong simula."

ito ang sagot, kung sasagutin ko ang tula. hehehe. sorry po!

in fairview, mahusay ang tula at mahusay kang tumula! you should write more.

cheers!
red