pantasya.
lahat naman tayo ay nabubuhay sa pantasya. walang buhay at katotohanan kung wala ito.
Yan ang nagbigkis sa Virgin Labfest 4: Revisited, tatlong piling mga dula mula noong nakaraang taon na sinama muli sa kasalukuyang lupon:
ang kalungkutan ng reyna
sa panulat at direksyon ni floy quintos
kung hindi ka mapraning paggising mo isang araw, na tanging ang version lang ni judy garland ng somewhere over the rainbow ang naririnig mo sa lahat ng istasyon ng radyo, aba ditse, icheck mo na ang ID mo at baka sumapi ka na pala sa katawan ng isang certain Yolanda Cadiz, ang Queen Ruler of the Kingdom of Mayee, Duchess of the twin dukedom of Moncada and Paniqui, Tarlac.
lost ba kayo?
basically, ito ang pantasya ni Yolanda Cadiz. ang palitan ng monarkiya ang demokrasya, gawing batayan ng ating GNP at GND ang beauty at fashion. at ang indikasyon ng pag-unlad ay nakabatay sa decadent expenditures ng ating bansa.
kahit kailan, hindi ako nahilig sa fashion at music. hindi din ako madaling turuan pagdating dito. forte ko ang international and national histories, politics and policies, kaya naman labis ang paghanga ko ng mapanuod ang dulang ito.
hindi madaling pagsamahin ang dalawang extremely opposite subjects, kala mo ba. kaya naman masasabi kong well-researched, politically rigid but aesthetically crafted ang kwento. ganapan pa ng dalawang primyado at hinahangaang mga aktor sa entablado. kaya naman isa lang ang masasabi ko: kokonsensyahin ka sa panunuod nito dahil higit pa sa kulang-kulang 200 pisong binayad mo ang dulang ito.
may bonus ka pang LSS (last song syndrome) ng somewhere over the rainbow, yung version ni judy garland ha?!
uuwi na ang nanay kong si darna
halaw ni job pagsibingan at direksyon ni catherine racsag
may theory ako na solid vilmanian ang sumulat ng dulang ito. for it has this coniving feeling na ang naging inspirasyon ng dula ay pinaghalong mga remakes ni ate V's Darna chronicles noong 1970s at touch ng pelikulang Anak noong 2000.
Magkagayon man, it actually makes perfect sense.
sa panahon ngayon, tinuturing na supertao ang pagiging isang OFW. kapalit ng malaking (o malaki nga ba?) sweldo ay ang pagganap sa isang mabigat na trabaho, mapalayo sa pamilya at ang mag-isa sa isang bansang alien sa iyo. dagdagan mo pa ng realisasyong, pinagsisilbihan mo ang iba't ibang mga tao, maliban sa sarili mong pamilya. kaya naman hindi na bago para sa atin ang mabalitaang may mga OFW na bumabalik ng bansa either baliw o nakabalikbayan crates na. because the job requires superhuman patience, hardwork at sanity.
kung titignan, may facade ang kwento na maging mababaw. at kung mababaw kang tao, lulutang ka lang sa facade na iyon. but if you'll dig deeper, maiintindihan mong ang pagiging satiriko ng dula ay kinakailangan upang matago ang isang napakalaking bomba ng katotohanan na naghihitay lamang sumabog sa harapan ng kanyang manunuod.
all in all, ang dula ay short pero all encompassing, brief pero hitik na hitik, at higit sa lahat realistic bagamat umiikot lamang sa pantasya ng isang musmos na makita muli ang kanyang inang OFW--- ang nanay niyang si darna.
ang bayot, ang meranao at ang habal-habal sa isang nakababagot na paghihintay sa kanto ng lanao del norte
panulat ni rogelio braga at direksyon ni nick olanka
simple lang naman ang pantasya ng bayot. ang mapakinggan siya, seryosohin at hindi ituring na mahina.
madali ding maunawaan ang pantasya ng meranao. gusto lang niyang hindi katakutan, siya'y igalang at pagkatiwalaan alinsunod sa kanilang maratabat.
at mas lalo na ang habal-habal. pantasya lang niyang masakyan, makapagbalanse sa gilid ng bangin at marating ang kailangan puntahan.
subalit ang mga ito ay sandaling nanatiling pantasya sa kantong iyon ng lanao del norte. dahil kinailangan pa nilang pagtalunan ang mga ito upang lubos na maunawaan ang kani-kanilang mga kaibahan.
napakanatural ng mga batuhan ng linya. at madalas makikita mo ang sariling napapailag din sa mga ito. siguro dahil alam mong kapag tinamaan ka siguradong masakit. dahil lahat naman tayo may biases, may judgment sa kapwa at higit sa lahat, lahat tayo kailangan lang mapakinggan at makinig. sa kabilang banda, umayon din ang kanilang mga adlib upang mapatampok ang kanilang talino at versatility bilang mga aktor sa entablado.
at sa pagtatapos, kahit nagpapaltos na ang pwet mo sa upuan at sumasayad na ang iyong nipples sa iyong tiyan (dahil sa kawalan ng masasandalan), iisipin mo pa din na sana magtagal pa ang palabas. dahil dito kahit papaano nakikita mong nagkakatotoo ang mga pantasya mo, kahit sandali, kahit malayo sa katotohanang naghihintay sa iyo sa paglabas mo ng entablado.

***
photo sources:
7 comments:
kelan kaya ako makakapanood ng play?
haaaaaaaaaaaaayz
Hmmm. Mukhang masaya nga ito. Dalawang blog na ang nagsabing maganda ang plays dito...
Anu ung merenao??? :P
hmm, andming nanuod ng virgin lab fest,,hindi man lang ako naisama..huhuuhuuhu
Kainis lang hindi ko naabutan yung Bayot ng Meranao...damn
....at dahil sa linya ng play ay hindi na ako pumapasok sa Folded and Hung masyado..wahahahaa
pareho kayo ng ni-review ni herbs. magkasama ba kayong nanood? sana sinama nyo rin ako. :)
ang ku-kyut ng mga title. hehe. interesting!!!
sa pagtanda ko, napapansin kong humihina na ang aking attention span sa pagbabasa. kaya lubos ang aking kaligayahan nang matapos ko ang sinulat mo.
maganda ang pagkakasulat. may halong angst at objectivity na nagpapabalanse naman kahit papaano. nakakaengganyo ang pagbabasa at mismong mga sariling pananaw na sadyang magtutulak sa sinumang mambabasa na - sige nga, mapanood nga yan.
papanigan ko si yj: haaaay, kelan ko kaya mapapanood ang play na yan?
Post a Comment