Saturday, March 6, 2010

digitays layf

sana, gaya ng halos lahat ng bagay ngayon, digitized na din ang buhay.

na kasing dali lang ng pagpindot ng enter key ang pagsuong sa mga kailangang harapin

at pwede ding mag CTRL Z sakaling magkamali.

sana pwede ka'ng mag <--- o ESC kapag hindi mo na kaya ang problema

at mag Shift F7 kapag nalilito na.

sana pwede ka'ng mag CTRL C para magkaroon ng mga bagay na meron ang iba

at mag CTRL X sa mga bagay na gusto mong lang agawin sa kanila.

sana pwede ka'ng mag CTRL S sa mga bagay na ayaw mo'ng mawala sa iyo

at mag F5 kapag gusto mo ng sumuko sa lahat ng ginagawa mo.

magbagongbuhay thru CTRL ALT DELETE

at maghanap ng true love gamit ang CTRL F.

pero biglang kong naisip,

madalas, pagdating sa mga pangarap na ganito,
karamihan sa atin,
laging hanggang "SANA" lang tayo.

16 comments:

Yj said...

be careful for what you are wishing for....

Chip said...

Pinakamaganda siguro kung parang Windows OS, may restore points ang buhay mo at pwede mag-System Restore. :)

Anonymous said...

at dahil may recycle bin, pwede pang ibalik ang mga bagay na nawala sa 'yo.

saya nun.

Anonymous said...

"sana" is a thing of the past
dumaan na yun ano

LoF said...

or googling for one's keys or the remote.

kiel estrella said...

or time machine ng mac - ibalik and bagay na wala, balikan ang magagandang sandali

citybuoy said...

pwede rin magreformat. kaso baka mapagkamalan kang krung krung. haha

bunwich said...

sana...

(play background music here)

engel said...

kung pwede nga lang sana. =)

Menthos said...

hopefully, one day, it will happen. But then again, when that time really comes, would we want it?

Aethen said...

Sana ganun din kadali pagppindot ng SPACE key ang pagbigay ng oras at lugar sa isang tao.

Aethen said...

Dagdagan ko pa...

Shift F3, kung gusto mo lang subukan kung bagay ba o hindi.

CTRL B, kung gusto mong magpalakas ng loob.

CTRL J, kung gusto mong pantay lahat.

F7, kung gusto mo lang masigurado na tama ka...

VICTOR said...

Depende pa rin naman sa bilis ng kompyuter. Kahit na mag CTRL+ALT+DEL, minsan naghahang! LOL.

Darc Diarist said...

this post is genius! :)

i love john stan's addition. kaya lang may hint of sadness, wishing for a recycle bin, hay...

Eben said...

kapag haggard ka na.. CTRL+R lang para mag Refresh!

mikel said...

sana pwedeng iwan muna, magkape, tsaka balikan pag ready ka na uli...