Friday, October 23, 2009

ang gabing hinimay ko si dave: laglagan time

10. daig pa ng mood ni dave si cinderella pagdating sa curfew. sa unang tingin, mas perky pa sa utong ni jepoi at butt cheeks ko ang energy level ni dave.
pero once na tumahimik na siya at pumungay ang mga mata, sign na yun na close na ang anumang invitation ng lakwatsa. any attempt ay makakatikim ng litanya ng hybrid ni jackilyn jose's facial expression at katarayan. best in 21K walkouthon din siya kapag may out of town pafiesta.

9. one day, nakita ni dave si bea. sabi niya, belo is so overrated. while me, only perla touches my skin and so is our class christmas tree.... connection?! basta! mahirap mag explain! hahaha!

8. may absurd definition si dabo sa salitang talent partikular sa singing. mahilig si dave kumanta, pero ang kanta, o kayo na magtuloy nito para naman may audience participation din kayo.

likas na mapagbiro si dave kaya naman nung una kong narinig siyang kumanta, akala ko talaga nagbibiro siya. kaya mangiyak-ngiyak ako sa kakatawa. pero lumipas ang madaming birthday parties at mga videoke nights, duon na ako nagtaka, nagbibiro pa din kaya siya?

7. tatlo lang ang pinapanuod ni dave, maliban sa porn; national geographic, discovery at animal planet. kaya naman hindi matatawaran ang appeal niya: kinky nerd, ika nga nila. dagdagan mo pa ng mga CR mishaps "daw" niya. hahaha!

pero madalas kinatutulugan niya ang mga ito. yes, mantika kasi siya matulog at madalas sa sobrang mantika niya matulog, umaapaw ang laway este mantika sa bibig. hahahaharrsssshhh!!!

6. madaming nagsasabing hot si dave. ikaw ba naman ang may daan-daang portfolio ng body shots sa kwarto, sa sala, sa banyo, sa dressing room ng mall etc. ewan ko na lang talaga?!

sabi ko nga sa kanya minsan, kung nasusuot lang ang katawan mo siguro may show at sariling line ka na para sa fashion week.

paano nga naman siya hindi magiging hot. ako nga na bikolano na, naweweirduhan pa sa tuwing nakikita kong inuulam niya ang hot sauce. at minsan hindi lang inuulam, sinasabaw pa.

5. masarap kasama si dave kumain. masarap siyang kumain. ay mali!!! rephrase. rephrase. rephrase. masarap siyang tignan kumakain. best in rice ang kaibigan kong ito. may palagay nga ako na dahil sa kanya kaya wala ng eat all you rice sa tokyo tokyo. well, theory pa lang naman yun. mahirap nang mademanda ng libel.

guiltless din kumain kapag kasama si dave. hate niya ang mumo. dapat walang tira sa pinggan, walang laman ang balde, walang bara sa lababo, kaya wala din siyang pet na pusa o aso.

4. basta ako alam ko, kundi laway at luha, pawis ko pa lang ang natitikman ko galing sa katawan ko. si dave nag more than three... HAMAZING!

*aminin mo nagbilang ka din ng iyo? hahaha!

3. kung si superman ay may kryptonite, may sarili ding kahinaan ang ating bida. at ito na marahil ang pinakamalaking revelation/ scoop tungkol kay dave. siyempre liban pa yun sa sex life niya. ayaw ni dave ng anumang nilalang na may higit pa sa apat na galamay.

pagdating sa pagkain, sumusuko ang tiyan niya sa pugita/ pusit. para itong gatas sa isang lactose intolerant. pero hindi naman siya allergic sa seafood. infact, siya pa nga ang nagsuggest mag halloween party kami na under the sea ang theme. siya daw, ang sirena. ako naman black shirt and pants lang na may glow in the dark spots. tanong niya, e ano ka? sabi ko naman with conviction, PLANKTON! hahahaha!

in relation sa number 8, may mga pagkakataon din namang nakakahit ng mga high notes si dave. tipong makabasag pwit ng baso/ pero yan ay kung hagisan mo siya ng gagamba. yes, gagamba. kahit anong gagamba tinitilian at kinikiligan ni dave. malaki ang phobia dito... pero siyempre iba na ang timbre ng tili at pagkakilig niya kung si peter parker na ang nakita.


2. at sino ang makakalimot sa classic line niya na nagpatahimik sa lahat ng scandal. one night, while we were driving along serendra para maghanap ng makakainan (legitimate term for cruising), naisipan nami siyang tanungin. dave, how do you find sex? may panginginig at kagaralgalan pa sa aming tinig.

ang sagot niya, finding sex is so easy that IT ACTUALLY BORES ME.

naglactate kaming lahat ng dugo sa loob ng kotse!!!

1. kapag natrap kayong dalawa sa isang isla. kawawa ka! humanda ka na sa mga kung *blank* questions niya. eto tip, madalas niyang tanungin, kung bibigyan ka ng isa pang etits saan mo gusto ilagay sa noo o sa gitna ng ilong mo? o kaya naman kung ikaw bibiyaan ng malaking boobs saan mo gusto ipalagay sa earlobes o sa armpits? o di ba, mind boggling?

at ito na ang inaabangan ng lahat, ang tanong na: ano ba ang tipo ni dave sa isang partner, romantic o sexual man.... mahilig si dave sa...




ay 10 nga lang pala noh?! sige next time na lang yung ika 11th. hahaha!

21 comments:

a.r.d.y.e.y. said...

yup napabilang din ako tuloy sa sinabi mo.

tatlo na ang natitikman ko sa katawan ko. laway, pawis at...

kulangot. (counted ba 'to?)

Yj said...

lagot ka.... mas bitchesa pa naman si Davey boy sayo,....

cant wait na himayin ka niya hahahahahahaha

this should be fun....

Clipped Wings13 said...

alam ko gumawa nag x'mas tree made from bubbles ng perla... hhehhe

Tristan Tan said...

Luha, Laway, Pawis at... Sipon? Hahaha.

Birthday na naman ba ni Dabo at may ganito? Haha.

Boying Opaw said...

number 4.
hahaha. more than three na rin pala ako. laway. pawis. luha. dugo. at hindi ko ikakahiya, _____. hehehe. maraming beses na. hee hee. hindi jebs o kulangot yan ha. hahaha.



JTSS,
Boying Opaw

Eternal Wanderer... said...

AHAHHAHAHAHAHA

di ko maantay ang rebuttal ni dabo!

<*period*>; said...

@TUKAYONG ERICK..maraming salamat po sa concern...oo, malungkot din ako kasi magaabroad na si kuya marvs..love na love ko pa mandin yun kasi sobrang bait sa akin

ANO PONG MERON at napagdiskitahan mo si dabo?

infairview quezon city, mukhang amputi niya, kaya kailangan nito ng concealer kapag nagkaroon na naman siya ng mishap sa loob ng cr

gillboard said...

i smell war!!! hehehe

LhanDz said...

I think I need to see Dave. Ü

mel beckham said...

humanda ka. LOL

pie said...

hahaha! tribute ito! of some sorts nga lang. hamshur ewik, may bawi sa yo si dabo. :)

Maxwell5587 said...

uu nga, ano kaya pambawi no dabo? can't wait.

Xavier Randol said...

haha! si jacklin jose po yung gingaya ni mr.fu sa the night show with mr fu niya dati. nakakatawa siyang mangaya! ;-]

kiel estrella said...

i met dabo in a friends party. he didn't struck me as one that would get bored with sex. o sarcastic ba yung comment na yun?

close pala kayo...

elYAS said...

hhmkei. di ako nakarelate dito. nyaha!

but i followed the dave blogger's emo page. inspiring. )

+++
@kuya EWIK

Why o why, you moved to another job na naman?! XP
i know you can between read the lines. talent mo yun. haha!

for me night is a jungle. it is when all are turning to who we really are, who we want to be, and who we are forced to be. gypies or fairies or call whores. we are all the same. Weee!

salamat. akala ko nakalimutan mo na tong kuta ko. (^wink)

isipipis said...

ang close close na pala niyong lahat...

Chyng said...

Panalo, I miss dave!

Sama ko sa Christmas party!

Meron pa kong idagdag sana, nalimutan ko namna as I am writing this. hehe

Chyng said...

ah naalala ko na, ang ultimate pang blackmail - bulacan blogspot something. haha

the geek said...

parang gusto ko ma-meet si dabo.hehehe

Mr. Scheez said...

isa lang masasabi ko ...

kakaiba kayong magmahalan ni dabo. hehehe =)

Herbs D. said...

bloodddddy.

etchosera talaga si dabo kahit kailan: finding sex is so easy that IT ACTUALLY BORES ME.