A wink of reality in a make believe
set up we've made
Both peeking into the holes
of our imaginations
seeking for the perfection
we keep on denying
A play of struggle,
from the steaming pot of lust
and lost box of love
we keep losing track
weave me,
your delicate satin
And let us cover ourselves
baring the emptiness inside
for the whole world
to witness and feast
with laughs and prejudice
Thursday, April 28, 2005
the night I keep on remembering
blinding midnight beam
broken, tainted window pane
flowing frozen sore
peeking of rose vines below
hiding shaft of brilliance
over dense dew of shadows
dripping fluid of each others body
tang of bitter-sweet melancholy
touch of juicy lips
digs deeper grave of abyss
decades of harsh strokes
heals no numbing wounds nor sores
yet, taps our broken souls
treasures of collected sins
and remained hidden pleasures
then, expect an arrangement that is not meant
for another tomorrow

Wednesday, April 27, 2005
*isang gabing nakatayo at nagyoyosi
nangungusap ang labi ko sa init ng iyong sigarilyo
nais ko muling malanghap ang hininga ng iyong apalaap
na kikiliti sa kalamigan ng aking tadyang,na babali sa litid ng aking singit
at hahagod sa nanunuyong lalamunan
at sa bawat sandali,tikumin mo ang yungib
ng ating kapwa labing ito'y maging lagusan
ng iyong mainit na laway na huhupa sa uhaw
ng aking pawisang dibdibid
antay mo ng marahan ang iyong mga halik
siilin ng mahigpit ang yakap sa aking batok
nais ko'ng matikman ang pait ng iyong dila
upang mabatid ang kaibhan sa alat nito sa aking luha
Nawa'y hayaan umagos ng ninuman ang dugong dumantay
sa marka ng ginawa mo'ng latay
sa aking likod, sa aking puwit
at sa mga bahaging hindi mawari ng nararamdamang sakit
at sa sandaling maubos na muli ang upos
na sinandal mo sa piniping tingga
hayaan mo'ng ako ang huling humithit
sa natitirang usok, kasabay nang pangakong
paglasap hanggang sa dulo ng pagkaubos,
hanggang mapaso ang labi
hanggang tumulo ang luha
hanggang hanapin kitang muli
hanggang sa huling sandaling ika'y mawala

patetik
ibigay sa kawalan
ikubli sa pangako
at ipako sa lawak ng dalampasigan
sa mga abstraktong salita
sa bukas na hindi naman darating
at sa tagpuang patuloy ka pa rin hihintayin

Thursday, March 24, 2005
Isang Araw
Hinithit ang huling usok sa pangwalong yosi ni Paul. Mahapdi man ay nakapako ang kanyang tingin sa nag aapoy na bumbilya. Hawak ang kanyang bolpen, nakadiin sa pirasong papel na kanina pa niya nais sulatan. Namumuo na ang tinta, animo’y dugong dumadanak sa sinaksak na katawan.
***
Makakapagtapos na siya ng kolehiyo, kumukuha ng kurso sa agham pampulitika, na salungat sa hilig niya. Dahil sa ito ang gusto ng kanyang mga magulang, hindi na rin siya nakatutol. Mas madali raw kasi kumuha ng abugasya kung nakapagtapos ka ng ganitong kurso, kahit hindi naman talaga. Kung nalalaman lamang nila.
Hilig ni Paul ang pagsusulat. Subalit hindi ito makikita sa diplomang kanyang makukuha. Para sa kanya, ang diploma lamang, ang kanyang susi, ang kanyang tanging katibayan. Isang pangarap ang nahubog para siya ay makalabas sa kulungang nais tahakan. Balak ni Paul ang lumayo. Oo, aminado siya’ng escapist siya. Subalit ano ang magagawa niya. Sa sistemang wala siyang ibang mahanap na paraan at ang pagbabago ay tinutuligsa mismo ng sariling lipunan. Tanging pagtakas ang natitira’t nakikitang hakbang. Babalik na lamang raw siya hanggang sa magtagumpay na ang pagsikat ng araw.
Madalang dumaan ang mga dyip sa kalsadang katapat ng apartment ni Paul. Kaya nasanay itong sumakay ng taksi hanggang sa pinakamalapit na terminal ng dyip. Tahimik. Hindi gusto ni Paul ang pakiramdam ng mag-isa sa loob ng umaandar na kahon. Matagal niyang tinititigan ni Paul ang drayber ng sasakyan. Sinusuri ang mga latay ng init na bakas sa maitim na mukha ng lalaki. Inuungkat ang nararamdamang pagod mula pa kaninang madaling araw, binabaybay ang maruming kalsada at daanan. Hanggang sa bumungad ang repleksyon ng isang panibago at di kilalang daan. Unti-unti rin naman itong nawala.
Kinagabihan ay hinoldap at pinatay ang drayber. Kaawa-awa ang limang anak na pinag-aaral. Sa bahay lamang nakatangan ang kanyang asawa, habambuhay nang iiyak.
Ang holdaper, sinanay na ang katauhan sa ginawa.
‘lumaban pa kasi’
Habang pinupunasan ang icepick na pinansaksak. Pinangunahan ng mga hiyaw, daing at hilab ng kanyang sikmura at ng sanggol na iniwan niya sa kuna. Mula ng matanggal sa minahang dalawang dekadang pinagsilbihan. Bago na raw kasi ang may-ari, isang banyagang Aleman.
Hindi na kinuha ni Paul ang kanyang sukli.
‘Salamat, Buenas’ , ika ng drayber ng taksi.
Hinintay mapuno ang dyip. Medyo natagalan, pero punung-puno umalis ito ng paradahan. Hindi lamang mga tao ang laman ng sasakyan, meron din mga kain-kaing gulay na itinitinda at mga bayong na wala pa namang laman.
Mag isa lamang si Paul sa kanyang apartment. Linggo-linggo siya binibisita ng kanyang mga magulang. Dinadalhan ng mga kinakailangan. Bukod tanging anak na lalaki si Paul. Unico hijo kumbaga, bunso pa. Tatlo silang magkakapatid. Kasal na ang kanyang panganay na ate sa isang kilalang doktor sa Maynila, may isang anak na lalaki rin. Ang kanyang ditse naman ay naglayas, nagrebelde, tanging naglakas loob upang kumawala? Lumayo? Tumakas? Hanggang sa hindi na muling nakita. Huling balita ay kawalan ng balita. Kaya’t si Paul naman ngayon ang binibigyan ng karampatang atensyon. Madaling minamatyagan upang hindi matulad sa ikalawa. Ayaw na rin daw kasi nila ng isang panibagong kahihiyan(?).
May binatang sumakay, nadaig ang amoy ng palengke. Kumamot sa ilong ni Paul. Moreno ang binata. Katamtaman ang taas at laki, pula at manipis ang labi, mayabang ang ilong, at kinubli ng basang buhok ang malagong kilay at malalim na mga mata, na hindi matagos ni Paul ang nadarama. Nakalutang ang diwa at diretso ang tingin sa labas ng bintana. Animo’y walang kasama sa loob ng sasakyan. Datapwat hindi lang naman siya, maging si Paul, sa halos kalahating oras na pagkakasakay sa dyip, kailanman, hindi nito napansin ang apat na magkakapatid na pinilit ikandong ang mga sarili sa kanilang ate, araw-araw upang makapasok sa paaralan.
Sampung taon na si Ana. Subalit sa istruktura ng kanyang pangangatawan, aakalain mong pitong taong gulang lamang ito. At sa kalagitnaan ng pasukan, bagamat hilig nito ang pag-aaral, tumigil siya sa pag-aaral. Pangarap rin niyang makapagtapos at makaalpas sa kahirapan. Subalit ngayon, ang pumangalawang lalaki na ang kumakandong sa iba pang kapatid. Hindi na nakapasok ng paaralan si Ana.
Pinagpasyahan ng inang tumulong na lamang ito sa paghahakot ng tira-tirang mga kainan, gabi-gabi. Hinahain mismo sa kanilang hapag kainan ang mga kinagatang piraso ng manok at maputlang hibla ng spaghetti, pinapainitan naman daw. Nasaan na kaya ang kanilang itay? Buong araw na tumagis si Ana. Datapwat habambuhay na rin siyang iiyak. Hindi na siya kailanman nangarap.
Malayo ang binabaan ng binata sa unibersidad na pinapasukan ni Paul. Umangkas sa panibagong dyip patungo sa pupuntahan. Marahil ay estudyante rin ang binata. Dagling naghinayang.
Kinabukasan sumakay muli ng dyip si Paul sa mismong paradahan at hindi namalayang umupo sa mismong posisyon ng mahabang upuan. Subalit hindi na nito nakasabay ang binata. Pero hindi ito nanghinayang.
Malumanay na naglakad si Paul. Dalawampu’t limang minuto nang huli ito sa kanyang klase. Nagtsek ng attendance ang propesor. Sinusulit niya ang kanyang paglalakad, ang kanyang pag-iisip. Maraming iniisip si Paul. Tila malaking mga bomba ang hinuhulog sa kanyang bumbunan. Bigla na lamang darating, bigla ring nawawala. Iilan lamang ang kanyang nagagapgap, mahuhulog at dagling sasabog hanggang ito ay unti-unting mawawala. Kadalasan ukol sa buhay, sa kanyang mga pananaw, paniniwala, kritisismo at idelohiya. Maliliit na mga piraso nang nabasag na banga. Hindi agad nabubuo, hindi madaling hulmahin.
Mataas ang ekspektasyon ng mga magulang ni Paul sa kanya. Nais ng mga ito na maging abogado siya upang madali na raw para rito ang maging isang pulitiko. Kahanga-hanga raw kasi ang maging pulitiko, kilala, yaring makapangyarihan, maimpluwensiya at higit sa lahat ay madali ang pera.
Lumuha si Paul.
May pilit na hinahabol, pilit na binabatbat, pero kahit anong pilit hindi niya magapo sa kanyang palad ni gunita. Ang bawat silahis pumapahapyaw sa kanyang nanlalabong paningin. Dala ang kanyang munting kwaderno at bolpen. Sinimulang galugarin ni Paul ang kanyang isipan habang naglalakad.
Maraming tao sa lungsod ng hapong iyon. Lahat may kanya-kanyang mga alalahaning iniisip at ginagapo.
Mahilig si Paul tumingin ng mga mukha. Lalake, babae, bakla, tomboy at maging mga mukhang bakla’t tomboy. Subalit mas masarap para sa kanya ang tumingin sa mga maskara. Isinusuot upang may ikubli ng mga bagay sa kanilang mga sarili. Tinatago at pilit na linalayo sa kung saan man paningin.
Ang bawat mukha at masakara na nadadaanan ni Paul ay may kanya-kanyang kwentong nais ilahad. Mga larawang nais ipakita sa likod ng mga imaheng nais itago.
Hindi napansin ni Paul ang paggabi. Kulay dugo ang pinakitang kulay ng langit. Datapwat malamig, naging maalinsangan ang nadama ng bawat tao sa paligid. Pagkabalaha, pag-alala sa mga bagay na akala ay tapos na. Subalit hindi pa pala. Paulit-ulit, sa iisang tagpo kung saan lahat tayo ay nakakulong. Lahat tayo ay bida sa isang telenobela, lahat tayo ay inaapi.
Mula sa kung saan, nakita muli ni Paul ang lalaki. Nakayuko at malumanay na naglalakad. Taglay pa rin ang mapunglaw na mga mata at saradong gunita. Napako si Paul. Bagamat ang mga binti ay patuloy sa paglalakad. Hanggang sila ay magtagpo.
Nagayuma?nakulam? O nadaig ng sariling pag-aasam?
Nagising na lamang si Paul mag-isa muli sa kanyang kwarto. Hinhithit pa rin ang huling usok sa kanyang pang walong yosi. Mahapdi man ay nakapako pa rin ang kanyang tingin sa nag aapoy na bumbilya. Hawak pa rin ang kanyang bolpen, nakadiin sa pirasong papel na kanina pa niya nais sulatan. Mas malaki na ang tinta. Patay na ang sinaksak na katawan.
Nais niyang magsulat ng kwento, o anuman makakapaglarawan sa buhay niya nang segundo na iyon. Maraming nangyari, maraming (di) nalaman at maraming naramdaman. Datapwat hindi niya alam kung papaano sisimulan. Ang lahat ng nangyari sa loob ng isang araw.

Saturday, March 5, 2005
liham para sa isang tao
walang masamang pagmamahal,
tanging masamang relasyon...
hindi kailangan ikulong sa mga masasamyong anyo
at katha ang bawat pagkatao
upang sabihin na ikaw ay karapat-dapat.
walang kailangang manghinayang
dahil bawat pagkilos ay pagsulong at hindi pag-atras.
hindi kailangang manahan sa naririnig, sinasabi, ginagawa
o sa inaasahan ang kabuuan ng kung sino ka.
ito ay nakabatay kung paano mo isasabuhay
sa sarili ang ikagagaling ng lahat, at hindi ng sa iba.
07:54 ng gabi
ika-3 ng mayo, 2006
session road, baguio city

Subscribe to:
Posts (Atom)