Saturday, March 5, 2005

liham para sa isang tao

walang masamang pagmamahal,
tanging masamang relasyon...
hindi kailangan ikulong sa mga masasamyong anyo
at katha ang bawat pagkatao
upang sabihin na ikaw ay karapat-dapat.

walang kailangang manghinayang
dahil bawat pagkilos ay pagsulong at hindi pag-atras.
hindi kailangang manahan sa naririnig, sinasabi, ginagawa
o sa inaasahan ang kabuuan ng kung sino ka.

ito ay nakabatay kung paano mo isasabuhay
sa sarili ang ikagagaling ng lahat, at hindi ng sa iba.

07:54 ng gabi
ika-3 ng mayo, 2006
session road, baguio city

1 comment:

WAIT said...

ako ay napadaan sa iyong bahay,
at binasa ang kauna unahang mong sanaysay : )

apir!