Thursday, June 4, 2009

the ending

tulad ng ibang mga pangyayari sa buhay, naniniwala akong ang isang kaganapang hindi kwinikwento ay isang bagong kwento at kadalasan, ang isang katotohanang hindi pinag-uusapan ay tinuturing na magandang istorya.
-ewik, kabahay



subalit ang katotohanan ay hindi nanahan sa iisang mukha lamang ng buhay. nagbabago ang istorya batay sa kung sino ang gumagampan nito at nagpapalit ang bida at kontrabida batay sa kung sino ang nagkwekwento.

"mas marami pa sa mga daliri ko ang times na nagkita kami ni jo sa halos isang taon naming pagsasama," panunumbat ni alex nang una niyang kwinento sa akin ang pakikipaghiwalay sa dating kasintahan.

ang hindi niya alam, labis ang sakit na naramdaman ni jo para sa isang rasong hindi naman niya talaga kontrol.

"sabihin mo sa kanya kung nalulungkot siya, balikan niya ang mga kalandian niya sa kama, yun lang naman ang nagpapasaya sa kanya," sagot ni jo nang minsan ibalita ko ang pagkadepress ni alex.

ang hindi niya alam, totoong nagsisisi at nangungulila na si alex para sa kanya.
nakakalungkot lang isipin na, datapwat aminado silang mahal pa din nila ang isa't-isa, pinili na lang nilang hindi magsama. para lalong hindi masaktan, para hindi lalong mapamahal.

minsan tuloy naisip ko, sa ganitong buhay hindi ko na alam kung ano ang mas dapat, ang maging malandi pero panandalian o maging matino pero iniiwan?

12 comments:

<*period*> said...

bakit nga po ganun kuya...kung sino yung matino, siya pang iniiwan

Mugen said...

"minsan tuloy naisip ko, sa ganitong buhay hindi ko na alam kung ano ang mas dapat, ang maging malandi pero panandalian o maging matino pero iniiwan?"

Sa ating mundong kinasasadlakan, kinakailangan ang may pangil at may puso. Ang kalandian ay isang deterrent, upang ipakita na gaano man tayo handang magpakatino at magmahal ng wagas sa isang tao ay marunong rin tayong maglaro at manakit kung kinakailangan.

Dabo said...

la me load.

Najua Scribbles said...

oh well.. good girls and guys finish last.. that catch phrase won't be popular for nothing.. ;)

Yj said...

lloyd umali, PASOK!!!!

Luis Batchoy said...

"minsan tuloy naisip ko, sa ganitong buhay hindi ko na alam kung ano ang mas dapat, ang maging malandi pero panandalian o maging matino pero iniiwan?"

At mas masakit isiping kahit matino ka, hindi pa rin sapat na rason para wag kang sasaktan kahit alam mong kung gugustuhin mo lang kaya mong maglandi din.

laging sapol yang mga katanungan mo eh. Letcheng good karma points na yan kasi. Haynax ewik.

DN said...

di ko trip ang pangalan nila. tsk tsk. bwahahaahhaa.

DN said...

"mas marami pa sa mga daliri ko ang times na nagkita kami ni jo sa halos isang taon naming pagsasama,"

- parang di akma ang literal na kahulugan sa kaisipang nais mong iparating...

================

"...sa kung sino ang gumagampan nito"

- "sa kung sino ang gumanap nito" 'ata ang mas angkop gamitin.

ACRYLIQUE said...

Sa tingin dapat maging matino.

Di lang sila para sa isa't-isa.. :)

Theo Martin said...

ok ha. swabe ang pagkakasulat!

matino pero iniiwan.

sa bandang huli, ikasasaya mo na hindi ka umasa sa panandaliang ligaya para mabuhay. ;)

gillboard said...

mas masarap seryosohin... kahit matagal na maghintay.. kesa magpakapromiscuous na madaling palitan..

citybuoy said...

"minsan tuloy naisip ko, sa ganitong buhay hindi ko na alam kung ano ang mas dapat, ang maging malandi pero panandalian o maging matino pero iniiwan?"

it sucks because at times it feels like these are our only choices.