It's Complicated (the Buhol-buhol Trilogy)
June 24, 2009: 3PM
Cultural Center of the Philippines, Pasay City
Isang clerk, isang sales lady, isang binubugbog na asawa at isang puta.
Ano ang bago sa kwento nila?
Wala.
Dahil tulad natin, pare-pareho din silang umiibig, umibig at iibig muli, sa kabila ng sakit at mga komplikasyon nito.
Walang "bagong kwento", ika nga ni Roland Tolentino. Subalit nagbabago lamang ito upang maging isang "magandang kwento" batay sa kung papaano natin sila bibihisan at titignan sa ating kanya-kanyang mga konteksto. Ito ang napagtagumpayan ng Virgin Labfest sa CCP kahapon at marahil sa susunod pa na mga araw.
Sa kabuuan, ang araw ay naging isang selebrasyon ng iba't-ibang kwentong pag-ibig ng mga kabit, solong ina at puta: ng mga babaeng malayo sa nosyon natin ng pagiging BABAE at ng mga relasyong hindi katanggap-tanggap. inshort, Its (Immorally) Complicated.
Para akong kumain sa isang Chinese restaurant ng araw na iyon. Ang kaibahan lang unang sinerve ang dessert: Bochi-Bochi. Bochi (para sa Salise) at Bochi uli (para sa Mamanugangin ni Rez). Matamis subalit walang laman. Animoy intensyon lamang ng unang dalawang palabas, ang kilitiin ang kanyang manunuod. Binabad sa mga cliche na kwento at winili sa katatawa subalit may pagtangkang manggulat sa bawat dulo. Unfortunately, hindi ito naging sapat upang sabihing matagumpay (?).
Then here comes the last play o ang main course, So Sangibo A Ranon Na Piyatay O Satiman A Tadman. Matapos kang purgahin sa kakatawa, bigla kang babagsakan ng isang heavy meal sa harap mo nang hindi mo inaasahan.
Breathless at kahanga-hanga ang paglilok ng direktor at manunulat sa panahon at consciousness ng bawat karaker sa kwento. Parang lighter version ng In the Mood for Love ni Wong Kar Wai. Pinagpira-piraso ang bawat eksena at hinabi muli sa isang chronologically-erratic pero lohikal na ayos. Hindi ka pababayaan at lalong hindi ka mawawala. Bagkus, nakatulong ito upang lubos mong maintindihan ang kwento at marinig ang mga linyang pinagsisisihang hindi sabihin (the unsaid) ng karakter noong may pagkakataon siyang sabihin ito.
Sa dulo, winner at victorious ang double twist dahil aakalain mong ang twist ay nasa loob lamang ng bawat dula. Pero sa pagdilim ng entablado at pag-uwi mo sa inyo, doon mo marerealize na ang tunay na twist pala ay nasa kwentong binuo sa dulo ng tatlong kwento mismo: na ang mga komplikasyon sa mga kwentong pag-ibig na gaya nito, na madalas kutyain at pagtawanan ay isang seryosong bagay na dapat intindihin at unawain dahil lahat naman tayo ay mangingibig rin. Nagkataon lang na may kanya-kanya tayong mga kwento, luma man o bago.
*
I want to thank my sponsor for the free ticket, Gibbs Cadiz! you're the man, zobrah! hahaha.
16 comments:
Gusto ko tuloy manood. Wala na bang free tickets? =P
ako rin
-enJAYneer-
JAYtography: An Online Travelogue
my 1st play that I'm going to see for like, ages!
clap! clap! consider me a fan sa mga reviews and thoughts on life mo teng! :)
"Ano ang bago sa kwento nila? Wala.
Dahil tulad natin, pare-pareho din silang umiibig, umibig at iibig muli, sa kabila ng sakit at mga komplikasyon nito." - tama!
whew,,namiss ko naman ang pagnood ng mga ganyan..
PARANG NAPANOOD KO NA TULOY... IBA KA TALAGA :p
Me hindi ako sinabi sayo... me habol ako pag nanalo ka sa reviews...
Pwede akin nalang ung "Sinta" na book? Sobrang fan kasi ako ni Sir pagsi.
Pweeeeeaaasseee. thanks thanks.
Ipakilala moko kay Gibbs now na!
walang bago s kwento but i'm still looking forward to watch it!... sounds interesting, lalo na siguro kapag nasa stage na...
naks naman... hehehe. dalawin mo naman ako.
magaling magalin. kelang pa kayo ako maging tulad mo kagaling? :)
Maraming salamat sa panonood at sa pagsusulat tungkol sa aming mga dula. Malaking bagay 'yon para sa amin. Sana magkita tayong muli sa VLF6.
Your wandering does leave you with enriched with storylines throbbing to be told. I hope am not preempting things in your contest, but I think you are a shoo-in. Woot!
Good job! Among the entries so far your's stands out. To be sure though, you don't have to take my word for it.
Congratulations dude!! :)
Told you so...
Congrats!
Post a Comment