Showing posts with label bitchesa. Show all posts
Showing posts with label bitchesa. Show all posts

Tuesday, May 24, 2011

para sa bewtdey boy

para sa taong mas mabilis pa sa mga motor ng edsa kung magcut at change ng topic.

para sa taong nagtratransform pagpatak ng 10PM kahit hindi full moon.
para sa taong mahilig magsulot ng pekpek short na ang slit on both sides ay 2/3 na buong haba ng tela.

para sa taong may nakakarimarim na poot sa kapitbahay na mahilig magvideoke buong araw.

para sa taong nag-maMATURE INVESTMENTS na sa pagbili ng kama, washing machine at iba pang appliances.
para sa taong naging kaibigan ko noong 21 pa lang ako habang siya ay 25 naman at ngayon, 25 na ako habang siya ay bumalik sa pagiging 18.

para sa kaibigang laging may baong mahigpit na yakap at "namiss na kita" kahit noong isang araw lang kami nagkita.


para sa kaibigang hindi natakot sabihan akong papansin sa text noon. HAHAHAHA! ouch!

para sa kaibigang laging nanlilibre ng YAKIMIX...hehehe!

para sa kaibigang lubos na maasahan sa paglilinis ng bahay kapag lumilipat (hindi tulad ng ibang nangangako dyan---hahaha!)

para sa kaibigang laging bukas ang isip at... ay! sige ISIP na lang muna pala...hahaha

para sa kaibigang napakatamis at STABLE ng ngiti ngayon,

at para sa (toot!) years old na pinakamamahal ko...


HAMPEY BEWTDEY DABO!!!


love with passionate sex,



kabitchesa

Monday, May 24, 2010

poll dancing


i know, what you are thinking.

kung bakit kaya kami magkaibigan ng lalaki ito?

kung bakit ang tulad kong laking kumbento-slash-adoration chapel-na nagshoshower sa aqua bendita at nagbrebreakfast ng ostia ay nagsasama sa lalaking pinaglihi sa mga no entrance fee na kasa?

kung bakit ako na so prim and proper ay nakakatagal sa isang sexual ogre?





ang sagot...





kasi





WE CAN... (ang labo ng punchline. halatang gusto lang manlait! nyahahaha).


and since today is a special day...


may poll question kami!




... TAMA!!!



HAMPEY BEWTDEY KOYA DABO!!!

Sunday, March 21, 2010

bitchesa experiment 4: kontrabida lines

its been a while since i have been compiling and thinking of kontrabida lines. well, i guess this is my release. trying to be perfect the kontrabida beneath the silent, shy and dorky guy that i am... whatever!

in short, since wala na si dabo, ang aking partner sa mga bitchesa experiments namin, ako na lang muna mag isa. tribute ko na sa iyo ito... enjoy!

'“Mabilis ba mabuntis ang mga bobo? Bakit ang dami niyo?”

"Malakas ka pala kumain.halatang galing sa hirap."

"Kailangan na natin ng bagong biktima. Hindi na humihingi ng awa ang isang ito."

"(tugon sa mayabang na matanda) kapag inaalala mo ba ang childhood mo, naka SEPIA?"

"Bakit kaya ako single? pero ang mas nakakapagtaka, bakit ikaw meron? "

"Wala kang kwenta mas masahol ka pa sa DIZ IZ IT!!!"

"Nilalamig ako, magsunog ng alipin."

"(talking to someone with bad breath) Hulaan ko, pinainit at hapunan mo yung laman ng timba sa ilalim ng lababo noh?!"

“Shucks, it’s so hard to be pretty noh? Ay sori, you wouldn’t know nga pala.”

"Kapag tinitignan kita, bigla akong naniniwalang galing talaga sa unggoy ang tao."

"Namumublema talaga ako sa mga pimples mo, hindi ko na din alam kungsaan pa sila pwede tumubo.

"Ay balbon ka?! Maswerete daw yan! Maswerte kasi naging tao ka pa!"

“Siguro taga-Marikina ka, kasi mukha kang takong!”

"Ito pala ang feeling ng hampaslupa. kaloka!" - isadora, iisa pa lamang.

"What a coincidence the word UGLY starts with U."

“Ang gwapo ng lalaking ipinalit mo sa akin.mula ulo, mukhang paa!”

"Masyadong tahimik. nabibingi ako. bottomin ang mga bihag!"

"I was born beautiful, ikaw.. You were just born!"

"Buti na lang at nag hiwalay na tayo, dahil bigla kong narealize TAMA NA ANG CHARITY CASE!"

"Excuse me, hulaan ko agahan mo, tae noh?! "

“Everyone’s entitled to be stupid, but you’re abusing the privilege!”

Friday, February 5, 2010

bitchesa experiment vol.3: si dabo ang tunay na echoserang froggy!

mahirap maging bitchesa ng wala lang. lagi itong may pinaghuhugutan.ika nga ni engel, marx at ni gramsci, dapat laging may dialectics.

tulad mo, hindi din ako mahilig makialam sa buhay ng ibang tao. pero isa sa mga bagay na umuubos ng mitsa ko ay kaCHEAPan, kacheapangagahan, o kachipipayan. alam ko, hindi ako mayaman, pero napapamura talaga ako sa kacheapan!

so dear dabo aka Echoserang Froggy,

as much as i don't want to do this, but i guess kelangan may magsabi sa iyo nito...

for you can never claim that you didn't see this coming, since simula palang gusto mo ng makita ka bilang MASA... ang laging API. bigla kong naalala. si politoad with matching clap clap and "politoad, politoad!" naimagine mo? good! cute noh?!
so ito na ang kontrabidang hinihintay mo. kaya dapat hindi ka mapikon o magalit.

dont worry kasi surprisingly, hindi ako nakastillettos, naka LV, o chanel. nakatsinelas lang ako, binabacon ang SUNJOY na brief at suot ulit ang tshirt na sinuot niya two months ago.

believe me, i tried, i really really tried to understand. and you can even ask my gynecologist about it.

but dear, you just crossed the line of intolerable kacheapan. daig mo pa ang piratang dvd ng WAPAKMAN!

you see, appreciation and friendship are two of the things in this world that you acquire. they are not something you push or beg from others.at lalong lalo na, at the expense of other people ( especially of they're my friends).

kacheapan man na matuturing ang pagpatol sa kacheapan. atleast nalaman natin na my levels din ang kacheapan. and kelangan nating matuwid yun para sa isang ideal kacheapan world. nahilo ka ba sa dami ng salitang kacheapan!

kacheapan, kacheapan, kacheapan... ayan, magsawa ka sa kacheapan!

KACHEAPAN!

hindi ko lang talaga magets, kung bakit ka pa VICTIM... alam mo yun yung pelikula ni judy ann santos na "pa-victim! pavictim! pavictim!"?

minsan, may nagsabi sa akin,walang biktima, kung walang nagpapabiktima, at funny kasi IKAW ang una kong naisip. napicture out ko na nga din kung ano ang itsura mo kapag ginawa kang emblem: right hand on the chest tapos nakatingin sa langit...may liwanag! o di ba? glamour shot ng mga api.walang sinabi ang pag amen ni santino sa kuha mong ito.

anyhow, hindi mo pa din ba nagets? its not about exclusivity, its not you not passing a qualification for friendship because in the first place, walang qualifications sa pagkakaibigan. nagdedeliryo ka lang, nasobrahan marahil sa dose nang pinaghalong pang aapi mo sa sarili at isang kutsarang tinunaw na mothballs.

believe me, madami akong kaibigan, may pangit, may gwapo, may maganda, may mahirap, may mayaman, may streetsmart, may mahina, may manginginom, may bookish, may tamad lang mag aral at maging "pariwara." at lahat sila hindi ko naging kaibigan lang dahil sa facebook o anumang social network. dahil hindi lang sa facebook ang paraan para makipag kaibigan.

sa mundong ito, importante ang space o ispasyo kaya may value ang anonymity lalo na sa mga blogger, lalo na sa mga PLU.

isang indikasyon na mataas ang importansya ng anonymity sa isang blogger ay ang kanyang profile. kapag nakita mong wala siyang picture, iba ang kanyang litrato o hindi siya nagpapakita ng isang parte ng lanyang pagkakakilalan, halimbawa ang kanyang mukha ay dahil gusto niyang maging anonymous. dahil duon nakakapagsulat siya ng mas malaya. nasasabi niya ang kanyang mga gustong sabihin ng hindi nag aalala sa maaring maging bias sa kanya ng ibang tao o ng makakabasa.

at sa oras na may nakakakilala sa kanya kaibigan man o hindi, kakilala man o hindi, in a way, nawawala ang kakayahang iyon. nasesensor na ang mga bagay na gusto niyang sabihin o isulat.

magkaiba naman ang kaso ng facebook, in a way masasabing isa itong online resume ng isang tao. nakapaloob dito ang ilang impormasyon tungkol sa kanya at dahil sa impormasyong yun, minararapat ng marami na ilimita lamang iyon sa mga piling tao, sa mga kaibigan, sa mga kamag anak at sa mga taong kaya niyag pagkatiwalaan. kaya hindi mo masisisi ang isang tao kung hindi ka niya inaccept dahil desisyon niya yun. again, respect begets respect. and the same logic goes kung di ka respectful.

so bago pa man maubusan ng semilya ang kontrabida mo, mag conclusyon na tayo, lagpas na din ito sa primetime at inaantok na ako.

basically, simple lang ang CONCLUSION.

hindi ka api, dahil hindi naman sinasabi ng mga api kung papaano sila inaapi. kusa itong nalalaman at nararamdaman ng kanyang audience. hindi niya sinisigaw sa buong set kung paano siya pinapahirapan ng paulit ulit.
(sinasampal ako! sinasampal ako! binubugbog ako! binubugbog ako1 nag sakit! sakit!---di ba ang weird?)

at lalong hindi siya gumagamit ng iba para magtagumpay.

so hindi ka api, hindi ka din si rubi dahil hindi ka pwedeng maging bida sa eksenang ito--- echusera ka lang! ECHUSERANG FROGGY!

P.S.
tanggapin mo man o hindi, wala na din akong pakialam. at wala din akong pakialam kung hanggang saan ang kakayahan mo. wala akong pakialam kung ikaw ang hahalakhak sa huli. at lalong wala akong pakialam kung magsarado ka ng blog at magsimula ulit ng panibago... kung ako sa iyo, panindigan mo na lang kundi mo kayang tanggapin or make it a lesson learned kung narealize mong mali ang iyong pagtingin.

and yes, may karapatan akong magbitchesa dahil kaibigan ko ang tinalo mo!

(this is so mean girls, i love it!)

yun lang.

now back in aiming world peace!

bye-bella!

mmwwwwaaaaahhhh!

itchy to be a bitchy spider!