Tuesday, June 23, 2009

three way relationship: hindi lang basta orgy

"sana dalawa ang puso ko...
di na sana kailangan pa'ng pumili sa inyo."

lumaki ako na pinakikinggan ang kantang ito ni ogie alcasid. at madalas ito din ang kinakanta ko kapag may family reunion kami. siyempre P100 muna mula sa mga tito at tita, before i sing. oo, bata pa lang ako businessminded at performer na ako sa ibabaw ng dining table namin. ngayon, sa ibang ibabaw na ako nagpeperform--- 'di biro lang.

siyempre, napakainosente ko pa noon, pagdating sa mga bagay na ganito. saka na lang nung nagpatuli ako at pwede nang makabuntis, nang unti-unting kong naintindihan ang ibig sabihin ng kanta. sabayan ba naman ng broken heartedness from your first puppy love at pag intindi sa pagkakomplikado ng pag-ibig habang kinakamot ang tumutubong pubic hair, bingi't bato ka na lang kung hindi pa ito ang all time favorite song mo.

sa pagiging masyadong imaginative, eksplorative at experimental ng mga tao, hindi na malayong magkaroon ng ganitong klaseng relasyon: kung meron ngang tao sa hayop, fucking doll, puno, uod, alupihan, alakdan, buto ng chessa (na mukhang tae kapag nasagasaan) at kung anu-ano pa, hindi na malayo kung sa multiple partners. ika nga nila, the more, the merrier.

pero merrier nga ba talaga? posible bang may tatlong tao ang mahal ang isa't isa ng sabay-sabay? at kung ganun nga ba talaga kadali iyon? naisip ko, mahirap na nga ang magmahal ng isang tao, papaano pa kaya kung dalawa? multi-tasking pa.

sa panahon ngayon, wala na atang imposible. pero meron pa ding mga tinatawag na mga anak ng diyos.
doon ko biglang naalala si abdel, isang kaklaseng muslim nung college. pero iba naman ang kaso niya, dahil may dalawa siyang asawa at pareho nilang mahal siya. kunbaga, dalawang babae na nagmamahal sa iisang lalaki.

please, don't be confuse. dahil hindi yun ang tinutumbok ko, naalala ko lang kaya ko nakwento. ang punto ko ay kung pwede bang may tatlong tao, na nagmamahalan ng sabay-sabay. yung tipong mahal ni A si B, mahal din ni B si C at mahal din ni C si A.

UNLESS...

bisexual ang dalawang asawa ni abdel. tsktsk! siya pala ang AN ultimate anak ng diyos. kaya naman pala hindi tumaba-taba ang kaibigan kong iyon.

hanggang isang araw, halos pumalakpak ang wepaks ng kaibigan ko habang binabalita sa akin na taken na daw siya. finally, akala na kasi namin kelangan pa namin hintayin ang muling pagbabalik ng mga dinosaurs sa mundo bago ulit madiligan ang tigang at bumibitak-bitak ng lupa ng san fernando, pampanga.

dahil matagal-tagal nawalan ng booking ang aking kaibigan, hindi naging madali para sa kanya ang muling bumalik sa commitment track. wala din kasing fireworks at MGA tingkerbells nang huli siyang nakipaghiwalay sa kanyang dating karelasyon. hindi din naman naging madugo o bayolente. bagkus, napuno lang siya ng mga floating bubbles sa kanyang paligid. yung tipong kung kelan amaze na amaze na siya at parang lumilipad na sa gaan, biglang isa-isa na lang silang pumutok at biglang naglah ang mga iyono. hindi man lamang niya napaghandaan ni hindi man lamang siya nakapagpaalam.

to make the story short, naging masyadong cautious si friend sa kanyang current relationship, to the point na prini-empt o inunahan na niya ang tadhana. nag offer siya ng suggestion o opinion sa kanyang karelasyon dahil sa takot na baka masaktan muli for the Nth time.

ano ang sinuggest ni friend?

tama! natumbok mo!

pinili niyang maging alagad ng simbahan.

di joke lang!

sinuggest niya ang isang open relationship na set up. buti na lang hindi bumula ang bibig ng karelasyon nang sinabi niya iyon.

ang punto marahil ni friend, at least sa ganitong set up, kahit makipagkita man ang karelasyon niya sa iba, hindi ganoon kasakit dahil at least napaghandaan mo na ang sarili mo na pwede itong mangyari. jerjer all you want basta at the end of the day, alam mo kung kanino ka uuwi.

pero ang hindi alam ni friend, taliwas dito ang iniisip ng karelasyon niya. ang dating sa karelasyon, hindi seryoso ang kaibigan ko, na naisip niyang pumasok sa ganitong anyo upang majustify ang kati-kiri ni friend, na sa katotohonan naman ay mas mayumi pa sa mga mongha ng sta.clara.

tumbling-split ang dalawa. buti na lang at nagkapaliwanagan.

sabi ko na lang, it takes so much maturity for someone to put themselves in such relationship, na hindi naman din base sa edad. it takes a lot of experience to fully understand and equip yourself with it. tipong, you can't harvest anything without cultivating it first. considering nagsisimula pa lang sila. dagdag ko pa, just seize the moment, ienjoy niyo lang kung anong meron kayo. don't expect so you won't get frustrated and love as if you're falling inlove for the first time again. and above all, yes, mahilig din ako sa mga cheesy romantic movies.

kinabukasan, mineet ko si odin at blackrabbit sa GJ na hinihintay si john lloyd. habang naghihintay sa pag ibig na animoy hindi darating, binigyan nila ako ng ideya para may masulat. bigla ko tuloy naisip ang isang weird at crazy idea, siguro dala na din ng isang linggong deprivation sa porn at kelangan ko na din isipin ang sarili kong lupain sa sorsogon.

what if both of them fell inlove with the same person at the same time. and this person happen to love them too, at the same time. andami pong love at time, ano po?

pero paano nga? is it possible? sa hinaba-haba ng post na ito, ngayon ko lang sasagutin ang tanong ko kanina.

cliche man, love is the most abstract thing in the world and being abstract it is not constraint with just two persons alone. hindi man ito ang inaasahan o pinapangarap ng marami sa atin bilang ang kanilang love story, posible pa din mangyari ito sa atin. dahil wala din naman kahit isa sa atin ang magsasabing nagkatotoo ang pinapangarap nilang lovestory, exactly as they want them to be.

oo, hindi ito madali. napakahirap nito kaya madalas nasasabi nating imposible. subalit naisip ko, na minsan marami din sa atin ang nagsabing imposible na darating ang panahon na magkakaroon ng same-sex relationship at marriage, na imposibleng magbuntis ang lalaki, na pumuti ang uwak, na magkaroon ng baklang alimango at na bibilhin ang tubig at hangin.

sa panahon ngayon o maging sa hinaharap, wala na halos imposible. at sa ganitong klaseng relasyon basta handa ang bawat karakter ng may bukas na pananaw, aware at rinerespeto ang pangangailangan ng bawat isa, tingin ko posible siyang mangyari.
katunayan, meron na ding mga taong pumapaloob dito. malay mo yang katabi mo, isa sa mga kaibigan, nakasalubong mo kanina sa daan o maging kamag anak.

hindi mo lang alam.

nagbabago ang lahat ng bagay, maging ang emosyon at relasyon nag-eevolve din kasabay ng ating sariling mga pagbabago. siguro ang importante lang, maging mapagpamatiyag tayo, maging bukas at magkaroon ng respeto para dito dahil malay mo, sa iyo pa pala pwedeng mangyari ito.


***pictures taken from the movies, shortbus and wildside.

15 comments:

Anonymous said...

--

Yj said...

siya pala ang "AN" ultimate anak ng diyos....


ng mabasa ko yang linyang yan, nawala na ako sa pokus....

hahahaahaha

Niel said...

Pwede siguro yun pero sa theory lang meron talagang equal.

Laging masmahal (gaano man kaliit ang lamang) nung isa yung isa kaysa sa isa.

Rain Darwin said...

may naka-chat ako dati, naghahanap sila ng 3rd party for a 3-way relationship. top yung isa, bottom yung isa, at ang hinahanap nila versa.

tinanong ko kung bakit? marami syang paliwanag, ngunit ang hindi ko makalimutan nang sinabi nyang, discreet daw kasi sila, walang nakakaalam ng pagkatao nila, Kung kayat kung 3 silang magdi date, hindi obvious. Kumbaga parang tropa-tropa ang kalalabasan ng date. At pwede raw silang manirahan sa iisang bubong na walang makakahalata. Oo nga naman kapag 3 lang sila. Walang makakapagsabing nagli-live in sila.

Maraming nang ganito sa buhay PLU. Tahimik lang sila. Actually minsan naisip ko din ito noon, parang masaya....

(ang hot nung tatlong bata. may pumitik sa ilalim ng brief ko.)

LoF said...

its not love but shadow aspects like domination that is at work. the human psyche is not presently designed for a 3way relationship based upon love. anything making grand philosophical claims about its possibility lack anything remotely empirical to demonstrate the presence of love in such a situation. but in your teens and 20s, who cares, di ba? tell your friend: experiment away, just be honest about it. it's not love!

gillboard said...

di ata si ogie alcasid yung kumanta ng sana dalawa ang puso ko...

Luis Batchoy said...

Nagbabago nga ang buhay at emosyon ng tao, at ako ay nakahanda na para sa isang napakalaking pag babago... salamat sa pag comment sa entry ko ewik... this time, if I work in Manila sana makita na kita hehehehe

<*period*> said...

kaibigan, hindi po si ogie..bodjie's law of gravity...naging pelikula ni rustom at carmina at nirevive ni jed madela, janno gibbs at lani misalucha

HOMER said...

There was this blog where I read something about a three-way relationship, she referred to a movie/book, I cant recall. Anyway there was this guy who chose to enter into a relationship with two women. The two women agreed to the setup.They're straight people by the way. The point of the story is that you dont need to make a label in a relationship. Making labels and meanings would only make us set expectations which in the end we cant achieve..In the story the guy was able to make his polygamous nature seem like an okay thing. As if it's possible for him to love the three women all at the same time.

Sorry medyo napahaba.. :D

DN said...

haaaaaaay...

siguro nga, sometimes protecting yourself will ultimately lead to hurting others.

Looking For The Source said...

hay.

no comment.

basta usapang love and relationships.

no comment.

mag-aral na lang tau magviolin ha?

Anonymous said...

kabogera naman pala yang friend mo hahaha...

Prop Carl said...

actually, fren, naramdaman ko ang time na gusto ko ng ganung klase ng relasyon. isang babae at isang lalaki.

eternal bisexuality na yata ito te. di ko magets.

anyhow, i love the movie shortbus. sobra. lalo na nga ung scene na chupaan three-way. tapos yung kumakanta yung model. ang cute.

Unknown said...

well, common na rin naman yan. ;-] just enjoy. hehe!

Anonymous said...

Share ko lang sa mga curioius diyan. I am living with my bf when we met this cute boy (estudyante) sa Facebook. We had 3some, we loved it and we are maintaining it. Top ako, Versa yung bf ko at bottom yung bata. Pag may time yung bata pumupunta sa amin at lumalabas kaming 3. Pero pag wala yung isa, yung 2 ang lalabas o kaya magsi sex. Usually ako yung wala kasi malayo place of work ko so most of the time sila magkasama. Tingin ko nag i-enjoy bf ko kasi may na fa-f*ck na siya lagi. Ako naman mas iniinitan pag nakikita ko silang nag se-sex. Pag nanonood ka ng live sex talo pa ang porn videos. Then we agreed together na bwal na makipag sex yung bata sa iba at bawal na rin kami makipag 3some sa iba para iwas hawaan ng sakit.
I was toying the idea na ipasok sa relasyon namin yung bata since pareho naman kami ng bf ko nag i-enjoy sa ganitong set up. I mean trinogamous (others call it amorous love) relationship. Yung di lang ka sex kundi magiging bf na rin namin siya. Sinabi ko to dun sa bata pero sabi nya mahihirapan daw siya kasi mahal ko sila, mahal ko yung bf ko at mahal ko siya. Siya naman, mahal ako, mahal bf ko at mahal kami. Parang dun palang daw parang niloloko na namin ang isa isat. Sinabi ko rin yung idea ko sa bf ko pero nagalit siya. Ayaw daw niya may kahati siya sa pagmamahal ko. Ok lang daw yung sex lang. Siguro di pa ganun ka open-minded yung isip nung bata kasi 18 pa lang siya. Yung bf ko naman ayaw kasi seloso yun. Pero sakin, ok lang sana yung ganung set-up.