Thursday, June 18, 2009

Ang Paghahanap

Pangalan pa lang ng bar, may ideya ka na kungsaan maaring magsimula at magtapos ang lahat.

Sa lugar na gaya nito, nakakatuwang isipin na kung saan madilim duon naghahanap ang mga tao. Subalit ang mas nakapagtataka, maging sila hindi din nila alam kung ano ang kanilang hinahanap.

Hindi na bago sa ganitong lugar si Frank. Halos tahanan na nga niya kung ituring ang madilim na establisamentong ito, na nakatayo sa tagong sulok ng Maynila. At lalong hindi na din bago sa kanya ang mga kalakarang nagaganap sa loob. Kung tutuusin, dito na siya namulat sa halos lahat ng dapat niyang malaman tungkol sa kanyang buhay, sa buhay na pinili niya. Maliban na lamang sa isa, ang magmahal ng tunay.

source

Minsan nang may nagsabi kay Dale, Malate is not the place to find love. Subalit para sa binata, may choice pa ba siya kungsaan pwedeng makita ito? Ilang beses na din siyang naniwala sa pagitan ng malalakas na tunog ng speakers at umiyak sa ilalim ng nakakasilaw na flasher at laser lights. Subalit sa dulo, naniniwala pa din siya dahil yun na lang ang bukod tanging pinanghahawakan niya--- ang tanging pinaniniwalan niya.

Sa gitna ng dance floor, nagtagpo ang pawisang katawan nina Frank at

Dale. Sumasayaw sa nakabibinging tugtog at umiindak sa halimuyak ng kanilang pinaghalong mga pawis. Kinabig ni Frank ang katawan ni Dale palapit. Samantalang halos abutin naman ni Dale ang mga labi ng kasayaw na parang tinutuksong idadampi. Di nagtagal, naglaban ang malakas na tugtog at palitan ng mga halos hindi marinig na mga salita. Habang ginagalugad naman at pilit na kinikilala ng kanilang mga palad ang isa’t isa. Tinapos nila ang gabing iyon na magkahawak ang kamay at ang pangako nang muling pagkikita.

Napadalas ang pagkikita ni Frank at Dale, matapos ang gabing iyon. Kasabay nang unti-unting pagkahulog nila sa isa't isa ay ang unti-unti din nilang paglayo sa lugar na iyon. Hanggang sa tuluyan natapos ang kanilang paghahanap.

Di nagtagal, nagdesisyon ang dalawa na magsama at naging masaya naman ang kanilang pagsasama. subalit sa relasyong meron sila, sapat ba ang pagmamahal lamang? Dito pumasok ang panibagong paghahanap: Ang paghahanap sa kung sino ang gagampan na lalaki at babae papel sa kanilang pagsasama? Sa kanilang relasyon? Sa pakikipagtalik? O kung kailangan nga ba talaga ito?

Ang problema, parehong top sina Frank at Dale. At kahit mahal man nila ang isa't-isa, walang gustong magparaya upang gampanan ang tinuturing na babaeng papel sa pakikipagtalik. Noong una, pinilit nilang hindi maging malaking sagka iyon sa kanilang relasyon. Pinilit nilang maging kontento sa pwedeng ibigay at matanggap, para at mula sa isa't isa. Subalit kalauna'y unti-unting linalamon nang monotonya ang kanilang relasyon. Hanggang isang gabi, nagpumilit si Dale na pasukin ang kasintahan, na labis namang dinamdam ni Frank. Tuluyang nagliyab ang kanilang mga tinagong baga. Hanggang sa tuluyang nagkalamat ang kanilang pagsasama.

Totoo nga ata, na minsan, kahit ang problema sa kama gumagapang sa bawat sulok ng bahay. Hindi na muling nagluto si Frank para sa kanila at panay na lamang ang order niya sa labas. Samantalang si Dale naman ay nagsimula na din dalhin ang kanilang damit sa laundry shop at hindi na muling nagpresentang labhan ang damit nila. Hanggang sa napabayaan na din ng dalawa maging ang paglilinis ng bahay. Napadalas ang kanilang pag-aaway at hindi pagkakaunanawaan. Hindi nagtagal tuluyang linamon ng lamat ang kanilang relasyon hanggang sa isang araw napagpasiyahan na ni Frank na umalis at iwan si Dale.

source

Walang gabing hindi umiyak ang dalawa sa kani-kanilang kinaroroonan. Pilit na inaalala o linilimot ang mga bagay na minsan ay nagpasaya at pinahalagahan nila. Umasang aanurin din ng kanilang mga luha ang mga iyon.

Nagsimulang bumalik si Frank sa malate. Inisip na mag umpisa muli sa parehong lugar, kungsaan siya nagsimula. Samantalang ipinangako naman ni Dale na hindi na muling tutungtong sa lugar na iyon, na hindi na muling aasa.

Pinilit na kalimutan ni Frank ang lahat sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa iba't ibang lalaking nakikilala niya doon. Habang si Dale naman ay sinubukan ang mundo ng Internet chatting, at maging sex eyeball. Subalit kahit anong gawin nila, patuloy silang sinusundan ng mga larawan ng isa’t isa.

Hanggang isang gabi, linamon ng depresyon at alak si Frank. at isang kasayaw ang nagdala sa kanya sa isang kalapit na motel. Walang mahanap na lakas ang binata upang pigilan ang kasama. Hanggang sa pinilit ipasok ng lalaki ang kanyang ari sa pwerta ng lasing na binata. Halos mawalan siya ng ulirat sa sobrang sakit. Halos hindi mo na din masabi kung ano ang mas malakas ang pag agos: kung ang luha ba mula sa kanyang mata o ang dugo sa kanyang likuran.

Subalit animoy hindi naririnig ng lalaki ang pagsusumamo ng binata. Nagpatuloy ang paghagod sa likod ni Frank hanggang sa nawalan na lang siyang nang pakiramdam at malay. Nagising na lamang si Frank na mag isa sa bakanteng kwartong iyon, wala na ang lalaki pero patuloy pa din ang pagtulo ng kanyang luha at pagdugo ng kanyang pagkatao.

source

Hindi napigilan ni Dale ang sarili na yakapin nang mahigpit si Frank nang makita ito pagbukas ng pinto. Halos hindi natigil ang kanyang pagluha ng maramdaman muli sa pagitan ng kanyang mga bisig ang dating kasintahan. Sinimulang siilin ng mga halik ni Dale ang kayakap upang punan ang kanyang pangungulila. Subalit wala pa ding imik si Frank, pinatahimik nang nagpupuyos na galit ang kanyang pananabik na makita din si Dale.

Inakay nila ang isa't isa patungo sa kwarto hanggang sa ibabaw ng kama na isang panig lamang ang may bahagyang gusot. Marahas nilang tinanggal ang saplot ng isa't isa at sa unang pagkakataon ay nagpakita ng pag-ubaya si Dale. nagulat si Frank. Subalit nabulag siya ng bugso ng kanyang magkakahalong damdamin.

Marahas niyang inangkin ang ipinaubaya. Kungsaan imping namang tiniis ni Dale ang bawat pagbayo nang nakapatong. halos mawalan din siya ng ulirat sa sakit at gusto na niya sanang ihinto. pero tiniis niya ito. Subalit nang nagsimulang tumulo ang kanyang luha, naramdaman din niya ang biglang pagbagsak ni Frank sa kanyang dibdib. Dito sila nagsimulang humagulgol.

Nang gabing iyon, kahit walang salitang pumunit sa malamig na hangin ng silid, natapos ang magdamag na sila'y magkayakap, dala ang panibagong katotohanan na kanila muling nahanap.

20 comments:

the geek said...

no comment, yan sabi ng isip ko...hahaha


magaling, magaling, magaling. mas powerful yung post kaysa sa summary na binigay mo.

saludo ako sayo, sir!!!

Aris said...

ang precise ng pagkakakuwento. ang galing! nadala ako. sasabayan ko si geek sa pagsaludo. :)

Mugen said...

Sa lugar na gaya nito, nakakatuwang isipin na kung saan madilim duon naghahanap ang mga tao. Subalit ang mas nakapagtataka, maging sila hindi din nila alam kung ano ang kanilang hinahanap.

- Tinamaan ako dito. Bihira ako magbasa ng short story, pero nacapture mo ang buhay malate na kinagisnan ko.

Impressed ako wiwik.

Herbs D. said...

i love it. reminds me a lot of Orosa-Nakpil. So who's who? this can't be entirely fiction my dear hehehe :-p

The Green Man said...

No offense friend but i think this is an unfortunate story.

Why do people wait until something tragic (or so) happens before they realize what they should have done n the first place.

I will post an entry of a personal experience that is on the same level as this one.

Anonymous said...

ang kuwento bang ito ay bunga ng masayang paglalakad sa isang mall kahapon kasama ang isang nilalang na may suot na puting jacket?

Jinjiruks said...

sigh. kelangan ba talaga pag-awayan kung sino ang magpaparaya na maging bottom. wala lang. kung sex centered ang relationship wala talagang mangyayari. ei nde ko pala tapos basahin yan ah ung first few paragraphs palang nababasa ko.

Chyng said...

aha, siguro nagBED na kayo di mo ko sinama! hate you!

Chyng said...

and agree. it reminds me of orosa-Nakpil (book). you should read this!

Anonymous said...

sang ayon ako kay jin. bakit kailangan maging isyu o gawing representasyon ang sex role sa di pagkakaunawaan at pagkasira ng isang relasyon?

maganda ang pagka kuwento pero ang paksa, over rated na.

cencya na. naging bad na naman ako. hehehe.

peace. :)

Yj said...

mahusay......

")

Dagger Deeds said...

Maganda ang storytelling, pero parang may mali sa story. I dunno. Can't point it out.

bampiraako said...

Ang galing! parang short film. haha.

Ganun talaga siguro kung hindi naging malinaw sa 2 taong kasama sa relasyon ang mga maliliit na detalye nito, hindi magiging maayos. Tingin ko naman normal ang power struggle sa isyu kung sino ang bottom o top.

jericho said...

may ganito na palang story-telling na nagaganap dito ... so pareho na ngayon silang bottom? chos!

DN said...

Hehehehe. I think the topic is a true problem among PLU's.

Anyways, so mejo in-alter mo ang mga pangalan ah. Good. Nyahahahaha.

Dabo said...

=)

mikel said...

reminds me of greeks and how they view the phallus. role playing and sexism even on male-male relationships? i agree: a non-mainstream story is new when told--but still just a function of time, space and timing. [am not making any sense]

Kiks said...

gusto ko ang simula. :-)

siguro, masyado lang akong matanda na para sa mga teenage gay love stories katulad nito.

btw, e: what has become of gay literature in pinas?

ZaiZai said...

one word - galing! :)

The Itinerant said...

awk, sakit nun ah!