Saturday, May 9, 2009

logical (?) reasoning

mahal ni A si B, at mahal din naman ni B si A. subalit kahit mahal nila ang isa't isa hindi sila nagkatuluyan.

magkarelasyon si X at si Y, nagkaroon sila ng problema at nagkahiwalay sila. Mahal pa nila ang isa't isa pero magkaganun pa man, hindi pa din sila nagkabalikan.

nagkakilala si M at N sa isang party, nag usap at labis na nagkapalagayan ng loob. Subalit natapos ang party at nagsiuwian na, nang hindi nila nakuha ang numero ng isa't-isa. yun ang una at huling beses na nagkita ang dalawa. 
scribbles:ink and paper:08/2003
***

ang main ingredient ng tatlo: lahat ng tauhan ay naghintay na magfirst move ang kanilang kapareha. sa kanilang paghihintay, wala silang napala!

sabi ng isang kaibigan, pride daw ang tawag dito. 

sabi ko naman, siguro (kasi guilty din ako).

26 comments:

Joaqui said...

That also happened to D and E as well as S and T. hehehe :)

LoF said...

lol

<*period*> said...

huwaaaaaa.. bakit ganun ka..sapul ako..huwaaaaaa

Ely said...

tama, may kasamang pride yun. guilty din ako dyan.

Chyng said...

kala ko too much confidence lang ang masama, you know. pati pala pride..

hahaha

gillboard said...

they're probably not meant to be... di lang sa pride.. minsan kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, kung di talaga kayo para sa isa't-isa, hindi tatama.

wanderingcommuter said...

joaqui: can i start dropping names na ba?

lof: lol din!

period: sorry hindi ako nakabusina agad para nakailag ka!

ely: haay, buti na lang. hidni pa krimen ito no.

chyng: everything in excess is bad.

gill: ayokong maniwala sa fate. it cripples us of what we can do if we chain our hands into its hands.

Anonymous said...

ako rin di naniniwala sa fate. i believe that everything can be learned. :)

twink boi said...

may take is takot.

baka takot si A na kapag sinabi nya kay B eh ma reject lang sya.

takot sa rejection? maari ring ang takot na ito ay dulot ng pride. ayaw mapahiya by being rejected kaya kebs na lang.

haha. bumalik din pala sa pride!

chong go said...

tama tama. walang mangyayari pag walang kikilos. pag nireject, dun lang malalaman na hindi pala talaga "meant to be." hehe. bitter. napadaan lang.

pie said...

guilty din ako dito paminsan minsan. pero dahil mahal ko, i usually make the first move to patch things up..

Luis Batchoy said...

sometimes there are things that are better left unsaid.

Sabi pa din ng titser ko nung elementarya,
Kapag ukol, bubukol.
Kaya sya naging matandang dalaga

At kaya din laging bumubukol kapag may nauukol...
tulad na lang ngayon
bukol na bukol di ko lam kanino ukol
lols...

Badong said...

kung sila talaga ang para sa isat-isa, dapat sila ang gumawa ng paraan para magkasama sila. sila mismo ang gumawa ng fate nila.

jason said...

bakit 'pride'? may nangyari na ba sa kanila before kaya nagkaka-alangan na ngayon?

fear of rejection perhaps

mikel said...

or fear of the unknown, of what ifs, perhaps?

Herbs D. said...

same thing pag nanlilibre ng starbucks LOL

Anonymous said...

Sabi nga nila, makikita mo sa mata ang mga bagay bagay. Sigurista ako, kapag nakita ko sa mata na hindi ako mapapahiya, gagawa ako ng move para hindi siya mawala sa paningin ko.

Myk2ts said...

hehe algebraic expressions ang kailangan nila. haha :) nice one ewic

Mike said...

baka takot sila sa pwedeng mangyaring hindi maganda sa kanila.

Anonymous said...

Napa-aray naman ako dun. Hindi dahil tinamaan ako kundi dahil and title ng isang post tungkol sa relationship at pagibig ay logical reasoning.

Naipapaliwanag ba ang kinahinatnan ng tatlong eksenang kinwento mo? Wala. Ganun talaga. May mga bagay-bagay na di ka yang pwersahin.

Sabi nga... good things come to those who wait.

Sabi din... seize the day!

Andaming sabi-sabi. In this instance, wala talaga akong masabi. Shy ako eh.

Unknown said...

nakoow. ang ikli lang ng post na un. pero napaka malaman! haha. :]]

Rain Darwin said...

(kasalukuyang nag-iisip)...

Gawin nating algebraic expression yan para ma-solve. Lagyan natin ng variables, terms and coefficient.

concentrate lang tayo sa Binomial, para hindi complicated.

lol.

bampiraako said...

guilty.

jericho said...

sayang ... wala talagang logic minsan ang libog .. ay love pala!

lucas said...

it's weird how love could still be so selfish...

guilty rin ako dito. no wonder i'm still single. but i'm complaining or anything. hehe!

'nough said. :D

Yj said...

good one....

anyhow... bakit wala ka pang exhibit ng mga artworks mo?