Friday, May 22, 2009

something seriously stupid

"i just realized you don't take things seriously," animoy isang boses sa isang malalim na panaginip ang gumising sa akin. at sosyal na panaginip ito, nag-eenglish.
halos mamutik ako sa pawis pagkagising. kahit alam ko naman, na naghilod ako ng umagang iyon. hindi ko alam pero nanginig ang laman ko sa loob, na parang isang usang nakaliyad ang leeg sa pagitan nang pagkakasakmal ng isang malnourished na leyon. walang laban at ikmi ang mga salitang lumalabas sa kanyang lalamunan.

source

subalit maliban dun, naging surreal ang panaginip--- cryptic. masaya, in other words. may complete arching rainbow ang langit at in full bloom ang mga bulaklak sa new found lihim na hardin. may mga ilang paru-parong nagpabaliktad sa aking sikmura at sumuka din ako ng pinaghalong mga dyamante at mangilan-ngilang burak sa sahig.


source

nito lang nang naisip ko, dalawa lang ang mukha ng pagiging seryoso. ang una ay karuwagan sa pagsasabi ng totoo sa taong gusto mo at ang huli ay ang mga kahulugang nakatago sa sulat na ito.

*try niyong habaan ang tulog niyo, baka dalawin din kayo ng panaginip na ganito.

16 comments:

DN said...

Aw. Di ko magets ang hidden meaning... Sirit na!

Trainer Y said...

naguluhan ako..
parang iba ung pagkakaintindi ko..

Yj said...

kainis ka....

dalawa lang ang mukha ng pagiging seryoso. ang una ay karuwagan sa pagsasabi ng totoo sa taong gusto mo at ang huli ay ang mga kahulugang nakatago sa sulat na ito.


tagalog na nga dinudugo parin ilong ko... hahahahaha

<*period*> said...

KAIBIGAN, MAYRUON BANG BUMABAGABAG SA IYO?

pwede bang mahiram ang palad mo?

no, hindi ako psychic, o manghuhula

masyado lang nakakabagabag ang laman nito

hindi ko maiwasang maalala ang post mo dati about sa mga naging panaginip mo

it must be something

tsk, tsk

Kiko said...

Hmmmm Kelangan nating magusap...

hihihihi.

xoxo

Winter said...

in short..
naalimpungatan.
choz

kiel estrella said...

read it three times. i feel i get what you mean, pero i can't be sure. meron bang literature na abstract?

sali na rin ako kay DN, sirit.

lucas said...

napakaphilosophical!

[ dalawa lang ang mukha ng pagiging seryoso. ang una ay karuwagan sa pagsasabi ng totoo sa taong gusto mo at ang huli ay ang mga kahulugang nakatago sa sulat na ito.]

may cerebral hemorrhage na yata ako..hehe! sirit na rin!

Niel said...

sineryoso talaga nila...

*humahagikgik sa aking pwesto*

Anonymous said...

*taas kilay lang...

=)

bampiraako said...

.."dalawa lang ang mukha ng pagiging seryoso. ang una ay karuwagan sa pagsasabi ng totoo sa taong gusto mo at ang huli ay ang mga kahulugang nakatago sa sulat na ito."..

papatol din ako..haha. Tingin ko naman dito ay isang pag-amin na ikaw ay in-love. Ako kasi kapag mahal na mahal ko ang isang tao ang hirap sabihing I love You. Parang katumbas ng pagsabi ng I do sa kasal.Totoo ang nararamdaman mo pero hindi mo kayang sabihin dahil seryoso ka at ayaw mong pagtawanan ito. katulad ng panaginip mo, nakakaramdam ka ng kakaibang kaba at ligaya sa bagong pag-ibig pero pilit na tinatago at dinadaan na lang sa biro ang diskarte (pinaghalong dyamante at burak na suka)hehe

This entry makes me seriously stupid..lol

wanderingcommuter said...

clap clap to bampira ako!

Looking For The Source said...

buti na lang hindi english. naku. eto pa lang tagalong, bumabaha na ng dugo dito sa room ko.. english pa kaya!

wow. inlove ka pala! nyahaha

gillboard said...

ang lalim...

Chyng said...

patola si ewik! wag ka manood NetGeo bago ka matulog para walang sakmalan ng animals sa panaginip mo. harhar

Anonymous said...

hehehe. kamusta wandering...

ako madalas puro bangungot ang nasa pagtulog ko. nyeta... lage na lamang ganun. binangungot ka na nga sa pagtulog mo. sasalubungin ka pa ng bangungot sa tunay na mundo. tsk tsk!