Thursday, March 16, 2006

punyal ng ngiti sa malungkot na bahaghari

ganyang mga ngiti,
laging ganyang mga ngiti
ang iyong binubungad kapag tayo ay nagkikita.

linalasap kahit nakakapuwing.
kahit krus ay tutuwad sa iyo.

walang pagbabago.
nagbabago ang paligid,
nagbabago ang mga detalye
subalit hindi ang iyong ngiti.
hindi ang iyong mga labi.

ang hulma ng iyong labi
at kung papaano sinaayos ng iyong mga ngipin
ang mga sarili nila upang buuin ang kaakit akit na obra.
makamandag na obra.
nakakahalina.
minsan,

tulad ng clicheic, paulit ulit,
walang kamantayan,
nasa mata raw madudungaw
ang pagkatao ng isang nilalang.
kaya pala, naiiba ka.
wala sa iyong mga mata ang kasagutan.

kinubli ng iyong mga ngiti ang tore ng pagadadalamhati.
binalot sa magandang palamuti.
duon lahat kami ay tumatangis.
nakakagutom ang pagfantasya.
kung maari lang makatalik ang mga ngiti
marahil puta ka na ngayon.
at isa rin ako sa mga milyon-milyong mo'ng parokyanong,
nakikisawsaw sa iyo.

subalit sa bandang huli,
kapag tapos na ang lahat.
matatauhang ika'y hindi pa rin akin.
kundi ikaw ay para sa lahat na tulad namin.

hihintayin ang momentong,
ika'y mapapagod sa pagbuka ng iyong labi.
at ako naman ang kukuha ng malamyong hulma
upang masalsal mo ang mga luhang pinagkait sa iyo.
maghihintay sa sandaling inaasam-asam.
sa dating tagpuan, sa m(h)uling pagkakataong makikita
ang pagngiti mo.

No comments: