masalimuot ang kwento ng buhay ni marie, yung mga tipong pwedeng ipadala sa maalala mo kaya at papamagatang "lamat."
isang malapit na kaibigan si marie nung nasa baguio pa ako. naging magkabahay kami, kahatian ng yosi, tagaluto ng pancit canton at hingahan ng mga problema: sa buhay, pera, lovelayp at maging sexlayp. halos kilala na nga namin ang isa't isa, na wala na kaming pwedeng matago pa.andun ako nung iniyakan niya ang pagkamatay ng karelasyon niyang babae for three years. nasagasaan ito sa tapat ng east avenue hospital. ironic, dahil dead on arrival. kahit up and down ang naging relasyon nilang dalawa, alam ko sobrang minahal yun ni marie. hindi ko malilimutan sa kanila yung mga gabi na mangungulangot silang dalawa bago matulog at ipapahid sa ilalim ng bunker ng doube deck na kama at mag aastang nag stastar gazing hanggang sa makatulog. nakakadiring kasweetan.
nauna siyang bumaba ng baguio at pumunta dito sa manila. nung natapos ko ang kolehiyo siya rin ang nagrefer sa akin sa kanyang pinagtratrabahuhan. isang araw habang nag geget-together kaming magkakaibigan, nagulat ang lahat nang sinabi niyang buntis siya. uunahan na daw niya ang tsismis, bago pa siya mapasama. tawanan ang lahat ng marinig yun. naalala ko pa'ng sumigaw ako ng hardcore. pero nung hindi niya kami sinabayan sa pagtawa, duon lang namin nafigure out na totoo pala ang sinasabi niya. yun yung mga eksena sa pelikula na after ng malakas na tawanan ay may abrupt at ackward silence.
after 8 months, nagkita-kita kami ulit. pero hindi sa isang coffee shop, bar o bahay ng isa sa amin kundi sa loob ng ospital. tense na nag aabang sa pagbukas ng pinto. pagpasok ng nurse, sigawan lahat. babae ang anak ni marie. sa unang pagkakataon, doon ko nakita ang katahimikang matagal nang tinatago ng kaibigan. may ngiti sa labi at animo'y ang tangan ang tuluyang kumumpleto sa kanyang pagkatao.naroon rin si jorge, tulad namin ay nakangiti rin siyang pinagmamasdan ang bata. hindi siya makapaniwala na ito ay nanggaling sa kanya. naisip ko, ito nga ata tlaga ang nararamdaman kapag naging ama ka.
ang mga sumunod naming pagkikita ay binyag at birthday celebration na ni sophia. naging ninong ako. nang binuhat ko ang bata para magpapicture, sandali akong nakaramdam ko ng pagiging ama kahit alam ko'ng hindi naman sa akin nanggaling ang bata. cliche pakinggan pero may mga bagay pa rin talaga na hindi mo kayang ipaliwanag.matagal-tagal kaming hindi nagkita ni marie.
hanggang noong nakaraang linggo ay nag text nga siya. wala na daw sila ni jorge. may ibang babae ang lalaki. hindi kasal si marie at jorge, at tulad ng lagi niyang sinasabi may anak lang kami. bukod pa dito ay nakatira sila marie at jorge kasama ng mga magulang ng lalaki. although halos 60% ng upa at gastusin nila ay sagot ni marie. bigla akong nag alala, hindi para sa kaibigan ko, kundi para sa lalaki at ang second party niya. kilala ko kasing magalit si marie. at siya ang tipo ng taong wag mo'ng tataluhin. kaya niyang makipagsabunutan kay oprah kung maapakan nito ang bagong pedicure niya. wala siyang sinasanto, in other words.
hindi nga nagtagal ay nagkatotoo ang kinakabahala ko. nagsimulang magpadala ng mga hate messages si marie sa lahat ng contacts niya sa kanyang cellphone, friendster, facebook, multiply at myspace. pinost niya rin ang picture ng babae pati ang cellphone number nito. hinihikayat niya kami na bugbugin ng mensahe ang babae para makonsensiya. kahit malapit ko'ng kaibigan si marie at nalulungkot ako sa nangyari sa kanya, pero mas naawa ako sa babae.
naisip ko, bakit kailangang sisihin ang babae? o di kaya nama'y bakit ang babae lang? hindi kaya pareho lang silang naging bikitima sa sitwasyon yun? bakit hindi kaya si jorge? bakit niya ginawa yun? o di kaya, bakit hindi si marie? hindi kaya siya din ang dahilan?
ito ay isa lamang sa mga komplikasyon ng isang relasyon. madami ka'ng kailangan ikonsider pero hindi mo pwedeng isipin na lahat ng tao, lalo na't nasa peak ng kanilang emosyon, ay pwedeng maisip ang mga bagay na ito. nagkaroon ako ng pagkakataon na makatext si marie. text lang kasi nagtitipid ako ng load.
ewik: pinag usapan niyo na ba yan?
marie: oo at ayoko na. hihiwalayan ko na siya.
ewik: ilang beses niyo pinag usapan.
marie: isa lang. tama na yun.
ewik: ano ka ba, marie? hindi na ito parang nung college tayo na magkamali lang ang isa ay hiwalay na. iba na ang sitwasyon mo ngayon. may anak ka'ng dapat iconsider.
marie: bahala siya, kaya ko'ng mabuhay at buhayin ang anak KO mag isa.
ewik: alam ko'ng mahirap ng baguhin ang isip mo kapag napagdesisyunan mo ng isang bagay.yun lang ang gusto ko'ng ipoint out. please consider.
madami pa ako'ng gustong sabihin kay marie, nung araw na iyon. subalit, tulad ng tinext ko sa kanya, mahirap ng baliin ang desisyon ng lukaret. minsan kasi ay binabaha ng toyo ang utak nun dahil sa labis na emosyon. baka ngayong linggo, magkita kami, kung papahintulutan ng mga schedule namin. at sana ay maka-come up siya ng mas mainam na desisyon sa aming pag uusap, tulad ng dati.
12 comments:
mahirap makialam sa buhay ng may buhay. basta nandun ka lang pag kailangan nya ng kaibigan.
ang ironic nga..sa tapat pa xa ng hospital nadale..tsk tsk..pangmaala ala nga...
suportado ko ang desisyon ni marie...tama ang ginawa niya. un lang. :)
"mangungulangot silang dalawa bago matulog at ipapahid sa ilalim ng bunker ng doube deck na kama at mag aastang nag stastar gazing"
-natawa naman ako dito nyahaha angsweet...
Hardcore!
>>yan tlga tumatak sa isip ko. Hilarious!
Titigil din si Marie pag napagod siya. And I believe kahit wala siyang gawin, maghihiwalay din si Jorge at ang babae niya! Mas sweet revenge yun!
wik, ang galing ng pagkakasulat.
be the supportive friend by all means but as niel said, kailangan matimbang mo din kung hanggang saang line ang iko-cross mo. i'm sure marie will ruminate on your pieces of advise and see things for herself. goodluck sa meeting. :)
gross yung kulangot part. lahbit! hehehehe.
marie is a very lucky to have a friend like you... but true, magigising din yan sa mga kagagahan niya. at kapag nangyari yun, nandun ka. yun nalang siguro ang tyhe best na magagawa mo para sa kanya.
Mahirap mangialam sa buhay ng iba. Lalo na kapag hindi naman niya hinihingi ang iyong opinyon.
Yun lang mapapayo ko sayo Erik.
Akala ko ung biskwit na marie, tao pala.
Madami na din akong pinagdaanan na mga encounters ng the "others". Minsan ko na ding pinagsungitan ang naging mga girlfriends ng tatay ko. Hanggang sa me nabuntis.
Hanggang sa huli, napagod din ako sa pagiging brat. Narealise ko na kelangan din sumaya ng tatay ko. Kahit ako di ko ikakatuwa, hinayaan ko nalang sya.
Naisip ko din, me anak na sila. Kawawa nmn ung bata. Madami na din silang pinagdaanan. At dahil napamahal na din sakin ang mga half brothers ko, ako pa ngayon ang nagpapaaral sa kanila.
Minsan me nagsabi sakin, I have to let go of hatred and negativity, if not for myself but for my dad. Think of the greater good kung baga. Mahirap gawin, lalo na kung nagkakabangayan na. Pero kinailangan.
Hay, twilight zone uli ako dito. nakakainis ka ewwik!
i like this... !
_marco_
www.marcospot.blogspot.com
www.estudyantenghectic.blogspot.com
wala tayong magagawa bilang kaibigan sa mga choices at desisyon ng mga kaibigan natin. tama na rin yung pagadvise mo sa kanya. pero nasa kanya pa rin naman desisyon dba?
ok na rin siguro ung ginawa nya. ung hiwalayan ung guy.
ingats palagi!=p
ang sarap sanang kumumpuni ng mga relasyon, kung puwede at kung papayagan. pero sana pati sariling relasyon din. LOL.
Post a Comment