ang panunuod ng indie movie ay parang isang kahon ng tsokolate, hindi mo malalaman kung ang titikman mo pala ay tae.
frustrated ewik
kagabi, pagkatapos ng aking klase, inimbitahan ako ng isang kaibigan na manuod ng isang pelikula sa UP film institute. sabi ko sa kanya, hindi ako pwede, wala ko'ng pera. pwera na lang kung manlilibre ka. kumagat naman siya at linibre niya ako. ayus!
hindi ko alam kung ano ang papanuorin namin. ang alam ko lang indie film na naman ito, kundi ito gay film ay award winning international film ito.
pagdating namin sa FI (film institute, ugali ng mga taga-UP na mag abbreviate kundi man ay gumamit ng generic ie. manang xerox, manong fishbol, manong guard etc.), WHOOOH!!! ang daming tao. nakakagulat. hindi naman kasi madals na ganito kadami ang mga taong nanunuod ng pelikula sa FI. last ko'ng nakita ang ganito kadaming tao ay noong nag premier ang lihim ni antonio. nang mapansin ko'ng mas madami ang lalaki kesa sa babae, na parang meron na naman grand eye ball ng bi-manila sa mirc, una ko'ng tanong sa kaibigan ko, gay film ba ito? sagot niya, hindi naman si allen dizon at gwen garci ang bida. anong synopsis? hindi daw niya alam. anong title nga ulit? butas (loopholes).
hmmm...
isang tingin pa, kinilatis ng mabuti ang mga taong nakapila at naghihintay, huwaw... andaming mga premyadong direktor meron din mga kilalang artista, at hindi din naman pala lahat ay mga inaakala ko, meron din mga manong na parang galing lang sa pakyawan.
naiintriga na talaga ako kung anong meron sa pelikulang ito. nang makapasok kami, isa na namang malaking WHOOOOHHHH!!! standing sa loob ng FI. at sa unang pagkakataon ay nakatayo akong manunuod dito. may kakaibang ambiance ang lugar, ito yung pakiramdam nung teenager ako at nauso ang mga ST na pelikula. kahit wala pang ako'ng 18 ay nanuod ako ng R18 na sine sa probinsiya, na kadalasan ay may kadobol pa. mas malikot pa sa malanding kiti kiti ang mga mata ng mga tao at hindi mo maiiwasang kagahan.
nagsimula na ang pelikula, unang bungad LEO films. hmmm... parang natatandaan ko ang production house na ito. nostalgic sa pandinig. nang iresearch ko sa Internet siya pagdating na pagdating ng bahay, ito ang ilan sa mga pelikulang prinoduce nila: sa iyo ang sarap, sa akin ang hirap (1999), hiram na katawan (1998), alipin ng tukso (2000), hiyas... sa paraiso ng kasalanan (2001), tukaan (2002), ligaya...pantasya ng bayan (2002) at marami pa'ng ibang pelikulang mapapanuod mo lang sa mga liblib na sinehan ng recto at cubao.
anyhow, mas pinili ko ng hindi ikwento sa inyo ang synopsis baka mahawa pa kayo sa disappointment na nararanasan ko. to be brutally honest, walang kwenta ang pelikula. hindi bago ang kwento, actually walang bago sa kabuuan. ang lame ng twist at halos wala nga'ng climax o totoong conflict, na pwede'ng mag engage sa kwento. pilit na pilit as in talagang pinilit ang kwento para magmukha, take note sa salitang ginamit: MAGMUKHANG kwento. siya ay hindi kwento. aside pa sa fact, na napaka as in napaka SLOWPACED at DRAGGING nito!
infairness, nag effort naman si direk, si direk bong ramos. siyempre naalala ko yung pangalan ng director. aside kasi siya nag director, siya din kasi ang may ari ng story at concept, script writer, at producer. at everytime na lalabas ang pangalan niya ay magpapalakpakan ang mga tao. kaya lalo na kaming nag expect. ang ginawa ni direk, kumuha ng dalawang shot to represent two side of the stories. kung pamilyar kayo sa pelikulang hero ni jet li. parang ganun, na parang hindi din. kasi kung ano yung unang kwento halos ganun din ang ikalawa. hindi ko alam kung may relevance ang tono na pagsasalita ni gwen graci sa bawat perspective, dahil kung oo, sorry hindi naging effective. imaginin mo na lang na pinapanuod mo ang isang napakahaba at napakadragging na pelikula ni jinggoy estrada ng dalawang beses sa isang upuan. nakaka stress, anu po?!
at kung sasabihin niyo'ng napaka bias ko naman po, kung andun kayo marahil ay isa kayo sa mga taong panay ang tayo, labas, tayo, labas ng kanilang inuupuan dahils a boredom. buti na lang talaga at hindi ako ang nagbayad dahil kapag nagkataon ay marahil ay susugurin ko si bong ramos at ipapareimburse ko ang ticket ko.
haaay, pagkatapos ng pelikula, may apat na bagay lang ang narealize ko. una, unti-unting ginagamit ng mga naluluging production houses ng mga ST films, nauso noong 90s ang pag usbong ng mga indie films para mainfiltrate muli ang market. ganito ang formulang hinahanap nila: kwentong mula sa mga film students + lots of sex = pa-indie movie. ikalawa, dahil walang jurisdiction ang mtrcb sa mga pinapalabas ng UP film institute at bawal na rin ang mga R18 na pelikula sa SM, ginagawa na ang FI bilang center for soft porn industry. ikatlo, narealize ko kung bakit ang daming nanuod kagabi, hindi dahil sa kwento kundi dahil sa muling pagkakataon ay makakapanuod tayo ng mga ST movies, katawan, please!. kung bibigyan lang siguro ng remote control ang bawat nanunuod kagabi, siguro finast forward at pinause na lang nila ang pelikula kungsaan may sex scene at may frontal nudity sina gwen garci at marco morales. at ang pang huli, na sa tingin ko at ang tanging positive points lang sa pelikulang ito ay, ang galing ng promotions at advertisements supervisor nila!!!
sensiya na, kelangan ko lang talagang irelease ito...
inhale, exhale... inhale, exhale... inhale, exhale...
yan okay na ako...
pweh, lasang tae pa rin...
18 comments:
Ay parang gusto tuloy panoorin. The photos helped a lot.
Pero ayaw ko din pagkagastusan. Sana may manlibre din sa akin.
yung friend ko pina nood din yan, mabuti na lang hindi ako sumama.
You were right about your conclusions. Dati pa nila ginagamit ang UP-FI to promote their so-called Indie Films. And since most of the time the movies are free, students flock the theater. Tapos ipre-press release nila that it was well received by UP students. :)
Sana hindi ma-tarnish yung legitimate Indie movies like those shown in Cinemalaya.
Just dropping by...
pipila para sa pepe at et-et ng mga bida? wag na oy. hehehe. tenx for saving me a hundred-or-so bucks.
i hope makapunta din ako sa fi ng up not for the movies but for the place itself. pwede ba outsider jan... never been to the place yet.
tagadavao but in dubai now...
Bakit ang mga pelikulang Filipino lagi halos may sex or gay themes na kasama; lalo na yung mga Film Festival baits. Nakakairita.
I don't watch Filipino films. Unless gawa nina Brocka, Bernal, Mike De Leon, or Mario O' Hara. Sadly bihira na gumawa ng pelikula ang iba sa kanila. Ang iba naman ay patay na.
Lalang, gusto ko lang magreklamo. Hehehe =)
nakapanood na rin ako minsan dyan sa FI sa UP... nakakadisappoint nga...hehe! at nakakailang! hahaha!
ilang oras din yan ng buhay mo na hinding hindi mo na pwedeng bawiin... kawawa ka sa pagtitiis, ang friend mo nagtiis na, para pang nanakawan ng dalawang beses... kaloka....
yun nga parang parepareho tema ng mga indie fi;ms-----gaya ng sabi u. oldo pasalamat din tayo na buajay pa ang industry and we owe it to the shift to burlesk? ST movies before---kundi patay na sana......
sana nga lang maexplore pa ang ibang topics since bold namna ang mga film-makers natin---yun ang advantage natin.....
sayang...
. ganito ang formulang hinahanap nila: kwentong mula sa mga film students + lots of sex = pa-indie movie. ikalawa, dahil walang jurisdiction ang mtrcb sa mga pinapalabas ng UP film institute at bawal na rin ang mga R18 na pelikula sa SM, ginagawa na ang FI bilang center for soft porn industry. ikatlo, narealize ko kung bakit ang daming nanuod kagabi, hindi dahil sa kwento kundi dahil sa muling pagkakataon ay makakapanuod tayo ng mga ST movies, katawan, please!
Hindi kasama dito ang Ligaya ang Itawag mo Sa Akin. Sabihin mong walang wenta yung film na yun at talagang mag-aaway tayo.
Lol.
hmmm... walang kwentang kwento pero ginawang pelikula?
Life story ba to ni Madam Auring?
pansin ko rin yang sabi mo, nowadays indie films na ang tawag sa mga pelikulang ST dati.
Kaya di ako mahilig manuod ng mga pelikulang ganyan.
ang kaisa-isang R-18 pinoy indie film na napanood ko na masasabi kong maganda, yung "Ilusyon" ni Yul Servo at JC Parker..hehe..kwaliti! haha! marami na kasing sumasawsaw sa indie movie industry kaya may mga nakakalusot na ganyan, bibihisan ng maganda pero sa huli wala ding kwenta...
tama ka. nagmamakaawa sila sa publiko na tangkilikin ang mag pelikulang pilipino, pero pano nga naman eh puro walang de-kalidad ang pinag-gagawa nila. Sa totoo lang naawa ako sa mga walang pangalan na actors kasi mukhang exploited sila sa mga ganito. kung minsan, naniniwala ako na front ng lang to nang prositution, kumbaga ginagawa nilang commercial ang mga ganitong pelikula para i-advertise ang mga tunay nilang pinagbebenta.
people just went to see it cguro dahil sa publicity at s mga photos ni marco morales hehe
may kopya ako ng isang korean na pelikula na ganito ang plot. ilang beses ako nakarating sa langit dahil dun. erotic at tragic. better check that one out.
"butas" ang title. baka sadya ang pangit na pagkakagawa sa pelikula. LOL.
parody sa mga pa-indie movies na sabi mo nga eh pulos sex lang naman ang iniinugan ng kwento. parang "tuhog," though mahusay yun talaga.
pero iniisip ko lang naman ito bilang mabait na tao na naniniwala sa katalinuhan ng iba. chos.
Post a Comment