10. mas updated at lagi siyang unang nakapanuod ng sine kesa sa iyo. pero kapag niyaya niyo naman, madami siyang excuses.
matapos ka'ng magnobena at humingi ng tulong kay sta.clara, st.jude at kerubin, niyaya mo ang crush mo manuod ng sine. banat mo pa, "napanood mo na ba ang ______?"
sagot naman niya, "oo, ang galing ng efex nun."
"eh yung __________?"
"oo, okay lang naman. mas dvd watching siya eh.
""aaahhh... yung pinakabago, yung ______________?"
"yup, nung rest day lang."
kulang na lang talaga tanungin mo, "bakit hindi ka nagyayaya?"
"gusto mo ba'ng manuod ng sine buklas? kahit ano'ng hidni mo pa napapanuod?"
"naku, super busy ako lately eh...."
ewan ko na lang kung hindi ka talaga mapamura.
9. kapag naging (mas) maporma at nagpapabango na siya ngayon.
kung isang araw, may naamoy ka'ng mabango, tapos first time mo pa'ng maamoy ito, at lalo na hindi pa naman malapit ang pay day, hanapin mo kaagad ang crush mo. kapag nakita mo siya na nakapower dress at malayo sa typical look niyang tshirt, jeans at rubber shoes o tsinelas. kabahan ka na, tsong!
8. kasama na sa expression niya ang linyang: "hindi ako pwede eh. may gagawin/pupuntahan ako".
kapag narerealize mo na lang na alam mo na ang pangalan ng tatay at nanay niya, mga kapatid niya, pet niya at lolo't lola niya o basically, alam mo na ang buong family tree niya kahit hindi mo pa sila nakikita. naku, wag ka'ng maging feelingero, hindi ka niya ipapakilala sa kanila. ginagamit lang niya, sila as an excuse para hindi sumama sa iyo.
7. hindi sumasabay umuwi, laging nauuna o iba ang dinaadaanan.
isang oras ka ng naghihintay sa labas. wishful thinking na pwede mo siyang sabayan sa pag uwi at maihatid man lang sa kanila. first move itong ng panliligaw kapag nagkataon. pero huli na ng malaman mo, kanina pa pala siya lumabas. at infact, mas nauna pa pala siyang lumabas sa iyo. the next day, gusto mo'ng kornerin. sinigurado mo ng mauuna ka'ng lumabas. nung nahuli mo na at inalok sabayan sa pag uwi, biglang nagtawag ng taxi at natatae na daw siya.ayun! dugo ang puso, durog ang first move...
6. Kapag may sudden change ng routine at hindi niyo na siya madalas kasama.
kapag madalang niyo na siyang nakakasama: sa ibang lugar na siya kumakain, sa ibang side na siya ng building nagyoyosi at iba na rin ang brand ng yosi niya---hindi ito simpleng pagbabago o make over lang, may nag iimpluwensiya sa kanya. believe me!
5. kapag patay na rin ang kanyang friendster, multiply, facebook at iba pang social networking site> last log in more than 3 weeks ago.
kasama sa panliligaw strategy mo ang pang-iistalk. at isang efecktib way ay anonymous viewing sa mga profiles niya sa internet, para malaman mo ang kanyang interest, favorites at madalas puntahan. pero 3 linggo ka nang nag oonline, ubos na ang pera mo sa kakarenta sa netopia, hindi pa rin siya nag uupdate at nag oonline. ang masaklap pa, nakaprivate viewing siya at hindi pa niya inaaccept ang invitation mo. haaay, sayang pera!
4. hindi o madalang na siya nag tetext. kahit lagi mo naman siya nakikitang nag tetext mag isa.
nagising ka isang araw at narealize mo na namimiss mo na ang mga text messages niya kahit na group forward messages pa ito. tapos isang araw, matutuwa ka dahil nag "goodmorning" siya. pero nang rineplyan mo naman, hindi na siya na nag reply back. minisscall mo pa pero wala pa ring epek, wala talagang reply.pero nang biglang pasuko ka na, biglang tumunog ang cellphone mo. magmamadali ka'ng iopen ang message tapos madadagdagan lang ang inis mo dahil globe advisory lang pala. argh!
3. kapag pumasok siyang naka turtle neck kahit hindi naman malamig o may band aid sa mga weird part ng katawan with the excuse na nakagat ng malaking kulisap.
matapos ang mga serye ng biglaang pag popower dress, magugulat ka na lang dahil papasok siya ng naka turtle neck kahit naknakan naman ng init sa labas. kung hindi naman talaga kaya ang init, nag baband aid pero super last resort na ito. panahon pa yata ng lolo at lola ko, ganito na ang mga style ng mga nagtatago.tip naman sa mga crinu-crush-an, pasalamat ka at uso ang mga scarf lately. kaya pwede mo'ng itago yan, kung ano man yan, gamit ito. kaya hindi magiging ganun ka obvious. *sorry dude, ayoko lang maging bias sa mga readers ko. its a subtle way of saying, i understand what they are going through. naks naman!
2. biglang bawal na mag overnight o mag inuman sa kanila.
ang bahay na pinag uugatan ng lahat ng nararamdaman mo. ang lugar kung saan mo siya unang nakilala: ngayon ay close na. kahit makailan ulit kang magyaya at kahit back up-an ka ng mga kaibigan niyo, hindi na raw talaga pwede mga visitors dun. siyempre classic na excuse dito ay nagagalit ang land lady, ang mga kapit bahay, ang mga askal at pusakal.
1. kapag may sun cellular na number na siya.
talaga nga namang hindi ka pa talaga sumusuko at natatauhan noh?!last resort na talaga, tatawagan mo na siya kahit below 20 pesos na lang load mo. kaso kahit ang pagpapaulan ng mga chummy at personalized messages ay walang epek at unlitxt na ang sumusuko, wala pa rin response. kungkaya't tawagan mo na. pero kung biglang nag out-of-coverage area, naku, isa lang nag ibig sabihin niyan mayroon siyang sun cell na tanging karelasyon niya lang ang laman sa phonebook. sa kasalukuyan, habang ikaw ay nagmumukmok sa kinalalagyan mo, sila naman ay nagpapalapnos ng tenga sa pakikitelebabad sa isa't-isa.
Tuesday, March 29, 2011
Sunday, March 13, 2011
J.A.P.A.N. (Just Always Pray At Night) Japan!
when i heard the news, the first thing i thought was 2012, the alleged end of the world.
but it was actually my next thought that really drove me to post something in my status,
"wait lang 2012... bigyan mo muna ulit ako ng lovelife. its been a year, nalimutan ko na..."
then while waiting for a response, i saw a picture that made me realize how stupid, insenstive and selfish the status was. hence, i immediately deleted it and contemplated.
for at the end of each day, this is just one of the scenes, that goes beyond any selfishness and hope one will never see in his/her life.
all my prayers to the victims of the recent earthquake and tsunami in japan.
Wednesday, March 9, 2011
8 signs na crush mo na ang isang tao
8. kapag wala ka sa mood lumabas kapag hindi siya kasama. pero kapag andun ka na't kasama siya, hindi ka naman nagsasalita. basically, kahit hindi mo naman siya tinitignan, kuntento ka nang nandun lang siya.
7. gumagawa ka ng eksena o okasyon para magkita kayo. kunyari, kahit wala ka'ng pera at katuldok na lang ang itim ng mata mo dahil sa gutom, magyayaya ka pa rin inuman at sagot mo pa, para lang pumunta siya.
6. kapag nag iisip ka ng gagawin o pupuntahan kasama siya prior ng pagkikita niyo. kapag nagkita na kayo, palalabasin mo'ng naisip mo lang ang ideya by the spur of the moment at hindi mo naman talaga pinagplanuhan.
5.kapag daig mo pa ang bagyo sa pag-eemote at ang sunset sa pagiging artistic. kapag hindi ka nabati tuwing nagkakasalubong kayo, feeling mo ang pangit pangit mo na, tapos sisihin mo pa siya dahil hindi niya kino-compensate yung attention na binibigay mo sa kanya. may pagkakataon din na sobrang nagiging artistic ka at sinisipag gumawa ng mga tula, kwento o kahit anu ano pa. kahit alam mo'ng wala ka naman talagang talent. kebs ba nila? art is a form of self expression.
4. everytime na gusto mo'ng itext siya, mandadamay ka ng iba at gagawin mo'ng group message para lang may lusot ka kapag nagkabukingan, kaya siguro nauso ang GM. pero kapag nagsireplyan naman, siya lang ang nirereplyan mo. may tama ka!
3. kapag nangungumusta ka na ng mga tao sa mga common friend/s niyo, tapos siya yung laging hinuhuli o ikalawa sa huli mo'ng kinakamusta, para di halatang atat ka'ng may malaman sa kanya. pero obvious naman kasi siya yung may pinakamahabang conversation.
2.kapag ginogoogle mo ang pangalan niyat tuwing wala ka'ng makita sinusubukan mo naman ang nickname niya, kung wala pa rin, ang palagay mo'ng nickname niya, school na pinanggalingan, work na pinagtra(tra)bahuhan. minsan kapag nakita mo'ng maraming results, pindot agad ng image. sabay print o di kaya save sa computer.
1. kapag dinedeny mo sa sarili mo'ng crush mo siya, kahit na 6 or more sa mga nabanggit ay guilty ka.

Subscribe to:
Posts (Atom)