Thursday, April 16, 2009

can we blame them? chronicle: ang kondesa at ang reyna (the last installment)

sa isang malayo at tagong-tagong kareynaan, may dalawa makapangyarihan nilalang ang nag-aagawan ng kapangyarihan: si kondesa botomesa, ang mangbibiyak ng mga turumpong kangkarot at si reyna tirada, ang tirador ng mga mesang punggok.


walang mga mandirigma ang kareynaan dahil hindi sila naniniwala sa agresyon o pisikal na labanan. ang siste kasi, ang anumang hindi pagkakaunawaan o away ay dinadaan sa lambingan. pinagsasama ang magkakaaway o hindi nagkakaunawaan sa iisang bubungan.

walang kondisyon ang kasunduan. Pwede nilang gawin ang kahit anong gusto nilang gawin basta magkasama. paliligo, pagtatae, pagplupluck ng bulbol at kahit pagtatalik ng nakasabit sa puno ng balete, pwede.

walang din tiyak na pagtatapos ito. magpapatuloy hanggang sa may isa ang bumigay, manghina ang tuod at mahulog ang loob. samakatuwid, ang unang mainlove, talo at kung anuman ang pinagtatalunan ay ipapanig o ibibigay kung sino ang nanalo.

ito ang batas ng kanilang kareynaan.

kilala si kondesa botomesa at reyna tirada bilang mga kilabot ng kasunduan. naging mayaman at makapangyarihan ang dalawa dahil dito. madalas kapag may gusto silang makuha, gumagawa sila ng paraan para maagaw ito sa may-ari. madalas, dahil sa takot na mainlab, sinusuko na lang ng mga may-ari ang kanilang ari-arian sa mga ito.

kilala si kondesa botomesa sa kanyang pamatay na bongang-barurotan-teknik. samantalang si reyna tirada naman sa kanyang con-todo-romansa-totnak-teknik. madaming nahumaling sa kanilang dalawa, nainlove, nabaliw at may ilan ding nagpatiwakal.

pero ang pinagtatakhan ng lahat, ni minsan ay hindi nangahas ang dalawa na kalabanin ang isa't isa.

hanggang sa isang araw ay kumalat ang balitang namatay si emperetris versosa---AHHH! at kinailangan ng kareynaan ng bagong pinuno. nag-unahan ang dalawang hitad sa registration. nahati ang pila na kasing haba ng edsa sa dalawa. nag unahan ng naka full panggayak, kahon na lang ang kulang at animoy may ibuburol na.

sabay na nakarating sa unahan ang dalawa. nagkaroon ng pagtatalo kung sino ang nauna. BINGO! pinataw ng kareynaan ang batas sa kanila at napagkasunduang kung sino ang unang sumuko ay siya ang papalit sa na namatay na empretris versosa--- AHHH!

nagsama nga sila.
sa kanilang pagsasama, tatlong taon, silang hindi nag-usap at naghintayan kung sino ang gagawa ng unang hakbang. mga 6 and a half years nung, di sinasadyang magtama ang kamay nila habang natutulog. then another 15 years, 5months and 21 days, nang narinig nila sa kauna-unahang pagkakataon ang boses ng isa't-isa. Nung nagcelebrate silang ng silver anniversary, unti-unti ng naging pisikal ang kanilang relasyon. kailangan nang masahehin ng kondesa ang kumekebang na spine ng reyna. samantalang finafacial naman ng reyna ang tinutubuan na ng kamoteng mukha ng kondesa. di naglaon naging malapit sila sa isa't-isa hanggang sa natutunan ng humirit at mang alaska. at sa unang pagkakataon nagtalik sila. lumabas ang kani-kanilang natatagong mga teknik. sabay-sabay na biyak ang mga trumpong kangkarot at napilayan ang mga mesang punggok.

nagsigawan ang mga tao. nag-alunlungan ang mga aso. nagkatitigan ang reyna at kondesa. hinihintay kung sino ang unang bibitaw. inabot ng umaga ang titigan, animoy unang kumurap na ang labanan. hanggang sa pareho silang sumuko at nagyakapan. magkahawak kamay silang naglakad. tiyak nilang naghihintay na ang mga tao sa labas at inaabangan kung sino ang nagtagumpay. sabay nilang binuksan ang pintuan at nagulat sa nakita. wala na ang buong kareynaan.

walang nagtagumpay.

6 comments:

Yj said...

nice one..... hmmmmmmmmp kung hindi dahil sa pride.... sayang na sayang ang mga pagkakataong pinalagpas....

Niel said...

Reaction entry 'to ano?

Nakakatawa sya kasi sobrang flat nung mga characters.

lucas said...

hmmm...

walang bumigay? hehehe! really interesting story. i wonder what inspired you to write this...:D

Anonymous said...

corny

ok na sana ung previous

akala kasi bebenta ang trilogy

corny

Herbs D. said...

niceeeeey. tagalog na ang drama ni ewik ngayun. i love it.

ditto what Niel said, the characters were kinda flat parang road hehe. but I guess they're just your stereotypes or something.

and the Anonymous guy is such a meanie.

gillboard said...

sensya ha.. ano yung barurotan?