Saturday, July 26, 2008

saan nagwawakas ang mga tula?

sa alaala,
doon ka nagsimula 
isang buwan, isang linggo
at tatlong araw
ang gunita mo'y patuloy na umaalingangaw

binilang ko hindi ang oras
kundi ang alimuong lumandi sa buwan
hinintay ang sandali na maubos ang mga butil 
na umaamba
sa kawalan na nakatulala 
habang pinupukol
ang pagsayaw ng nagdududang dalampasigan

kinabisado ko ang pagluha ng mga bato,
inaalam ang pinagmumulan nitong nanunuot na lansa
habang kinakalas ang taling kumanlong sa bukas

teka,

hindi ko pa, nais na masaksihan ka'ng muli
palapit sa aking pagnanasa

pakiusap,
huwag mo ulit yakapin ang aking pangungulila
dahil alam naman natin, sa iyo pa rin nagwawakas
ang aking mga tula


*mula sa aparador ko'ng amoy naptalina
linikha noong ika-pito ng abril, 2006
**alay sa isang matalik na kaibigan at sa kanyang pagsasarado ng humigit kumulang tatlong taong relasyon. 

13 comments:

Chyng said...

whoa, first honor ako!

good thing you explained what this poem is for. mahina ako sa comprehension ng tula! hehe

Mel said...

gusto ko to, solid, bat ngeon mo lang nilagay?

mejo lunod ako sa pagiisip ngeon, gusto ko lang magtula ng magtula

Kape Kanlaon\ said...

sad naman neto.. pero cool.. haaay sana malimutan ko nalng na parang magigitang tatay na pala ako...

. said...

Foetic!! Galing ni supremo!

Anonymous said...

Ganda naman. Nakakalungkot nga lang.

Dakilang Tambay said...

ang ganda pero nakakalungkot. naalala ko yung tropa ko. 4 years sila den naghiwalay lang :(

Mel said...

dude, invite kita na magdagdag ng lines sa latest post ko, actually sinimulan ko yung tas inimitahan ko lang si bunso at ate pen na magdagdag, padamihin natin

asteeg kasi pag iba't ibang utak ang gumawa ng isang utla :D

KRIS JASPER said...

talented mo talaga, wc.

parang sad nga lang?

chroneicon said...

maurag padi... muntik na ko mapahibi...

mikel said...

saan nagwawakas ang mga tula?

sa alaala,
doon ka nagsimula



wala. wala akong masabi. pagpugay!

Eben said...

mahusay! mahusay!

an ode from thee junkie said...

nasan yung akin?? mahigit kumulang 3 yrs din!!


ang ganda, i love you hehe :)

Yas Jayson said...

superbo. grabe, nakaka-antig.

[yas]