Monday, October 6, 2008

top 10: another mrt reminders

10. ate, kung sasakay ka ng mrt at balak mong makipagigitgitan sa mga kalalakihan dahil alam mo'ng mas malaki ang tsansa mo'ng makaupo ka kesa sa cart ng mga babae, siguraduhin mo lang na hindi ka magsusuot ng medyo plunging o nagbabacon strips na kwelyo. medyo nagiging humble kasi ang mga manong na nakatayo sa harapan mo at lahat sila ay biglang iniistiff neck ng nakayuko.

9. sir, sa hubog at laki ng yung biceps, malalaman na ng lahat na nag ggym ka. kaya kung sasakay ka ng mrt, please lang, huwag ka na magsando. maliban kasi sa kumikintab sa tawas ang iyong lekileki, medyo disoriented at kung saan saan pa nakakarating ang mga buhok mo diyan.

8. madam, kung naiinis ka dahil walang lalaki nag aalok sa iyo ng upuan, huwag ka ng lagatik ka ng lagatik (tsk! tsk!). siksikan ang mga tao sa loob ng tren at hindi mo kontrol kung saan dadapo ang iyong laway.

7. kuya, hindi po ikaw ang tipo ko at lalong malayo pa ang sweldo. kaya please, huwag kang masyadong nakasandal sa akin. medyo alam ko na kasi kung nasaan ang pusod mo.

6. mga magigiting na manggagawang manong at manang, alam niyo po'ng nasa inyo ang aking lubos na paggalang at respeto. subalit kapag minsan, dapat po two-way process din yan. kapag sasakay naman po tayo ng tren, medyo sana po ay pilitin natin maligo. kung hindi naman po talaga kaya dahil nauunawaan ko rin naman minsan hindi lahat tayo sa lungsod ay may access sa tubig, sana naman po huwag tayong masyadong manggitgit at sumiksik kahit bumubulwak na sa dami ng pasahero at lalo na kapag walang aircon ang tren. hindi po kasi ako nagdadal ng extra na damit. may tren din naman pong dadating. lubos na gumagalang, yours truly.

5. people! sabi nga sa radyo, maging magalang. huwag sasalubungin ang mga bababa, hindi niyo po sila kamag anak.

4. manong at manang guard, alam ko po'ng pangunahing layunin ninyo ang aming kapakanan. subalit pag minsan naman po huwag masyadong marahas sa bag ko. japeks lang po yan dahil wala akong pambili ng original at lalong wala akong pambili ng bago. isa pa, matangkad po akong tao kaya taas-taasan niyo din po ang kapkap sa akin. baka po ibang baril ang makapa niyo. patay tayo dyan.

3. auntie, sabi ng sign don't step the yellow line. kung hindi mo maintindihan. huwag lumagpas sa dilaw na linya. huwag ka'ng mag alala nasa unahan ka na at hindi ka iiwan ng tren. baka kasi sa kaatatan mo kunin ka na tren ng tuluyan.

2. manong tren driver, halos kalahating oras na akong naghihintay. nasaan ka na? lunch break mo ba? 3 tren na mula sa kabilang lane ang dumating at umalis wala ka pa rin. pucha! naiihi pa ako. sa wakas, ayan na si manong tren driver. matulin ang takbo at parang nagmamadaling kunin kaming mag sabik na sabik na pasahero. eto na ang pintuan, malapit na. sabik na sabik na akong pumasok. andyan na bilis pa. biliiissss paaaaaa..... lumagpas ang tren. naihi daw ako.

1. dear mrt, tatlong tren na ang dumaan hindi pa ako nakakasakay. bakit ba kailangan kasing pagdating ng cubao, e bumubulwak ka sa dami ng pasahero? ang hirap mo sakyan. kapag ang susunod na tren ay puno pa rin, bababa na ako at kukuha na lang ng taxi at isusumpang hindi na muli sasakay sa iyo. sawang sawa na ako puro na lang frustrations ang nakukuha ko sa iyo. kundi ka lang talaga time-saving at cheap, hindi ako magtitiyaga sa, kala mo. ito na ang susunod, naku... keep your finger cross na lang. huwag ka'ng puno. huwag ka'ng puno. huwag ka'ng puno..HU..waawww!!! totoo ba ito, walang laman? para lang ako sumakay sa north edsa station ah. o siya, since maluwag ka na naman at nakikisama ka din pala, hahayaan ko na ang ibang pasahero makaupo. baka naman sabihin mo wala akong utang na loob. TING! "next station, santolan station. ang susunod na istasyon ay santolan station" konti din ang mga tao. teka, parang kilala ko siya.... artista ito, crush ko ito. hindi ako pwedeng magkamali. sumasakay din pala siya ng mrt. naku, tumayo pa sa tabi ko. siya nga! hala... sana kahit dumampi lang ang braso ko sa balat niya, kahit dumikit lang ang amoy. lapit pa...lapit ka pa. ortigas, shaw, boni, guadalupe...

TING! istasyon ko na...

anak ka talaga ng TOOOT!!! MRT, bakit hindi ka sumikip??! nakaka-FRUSTRATE ka na talaga! PACHU! PACHU!


*pansin ko puro na lang rin ako mrt... hindi na ako marunong sumakay ng jeep. hahaha! dapat may sarili na rin label ang MRT...

Saturday, October 4, 2008

kuliti: pagtatanggol sa pag-ibig

naalala ko, noong bata pa ako, nagising ako na may kakaibang kati sa kanang mata. nagulat na lang ako ng kinamot ko ito at nakaramdam ako ng kirot at parang may bumubukol pa. hindi ko naman ito masyadong pinansin nung una hanggang sa nakalabas ako ng bahay. pagpasok ko ng klase, umulan ng panunukso at kumulog ng tawan.
"ahhh, may kuliti... naninilip!," tukso ng isang kaklase tapos ay nagtawanan ng malakas ang halos buong klase.

subalit sabi ng titser ko sa science, hindi naman daw totoo ang ganitong paniniwala sapagkat ang kuliti ay nangyayari dahil sa duming pumasok at umiimpeksyon sa mata. pero siyempre dahil ako ang bida ng araw na iyon, hindi naniwala ang mga kaklase ko. hindi ko na lang matandaan kung umuwi akong umiiyak o may pasa sa mukha.

pero dahil batang lucky me ako noong bata (batang smart), naisip ko, papaano nakakabuo ang tao ng mga ganitong paniniwala partikular sa kuliti? wala lang ba silang maisip na ibang pantukso? at bakit sa dinami dami pa ng pwedeng iugnay paninilip pa?

malamang, kahit isang kawa ng lucky me beef ang kainin ko noong bata ako, hindi ko masasagot ang sariling mga tanong ko. noong nagcollege na lang ng natututo ako mag yosi nang naalala't napag isipan ko ulit ito. kapag naninilip ka, tinitignan mo ng palihim ang mga bagay na pilit na tinatago sa iyo: mga imaheng hindi mo dapat makita. subalit may kakaibang pagnanasa ang bawat tao na malaman ang mga ganitong bagay, kaya marahil may tinatawag na curiosity.

marahil ito rin ang dahilan kung bakit pilit ko'ng inaabot noong bata ako ang mga bala ng betamax na tinatago ni papa sa tuktok ng aparador (kaya din siguro tumangkad dahil sa kakaabot nun). o kung bakit palihim akong pumapasok sa kwarto ng tito ko para hanapin ang mga magasin na ayaw niyang ipakita sa amin. bakit kasi kailangan may itago at bakit may bawal malaman?

sabi ng isang pilosopo, may kakaibang ibinibigay ang paninilip. nagkakaroon ito ng kapangyarihan laban sa kanyang (mga) sinisilipan sapagkat nakakabuo ito ng mga larawan na hindi batid ng kabila. pwede niyang balahurain ito, pabukakain, bastusin, padapain, patuwarin ito sa ayon na rin sa wildness ng kanyang imahinasyon. ang mga bagay na kadalasang itinatago kaya tinatago ay madumi daw. binabahiran daw nito ng dungis ang mga nakakakita sa kabila ng katotohanang lahat naman tayo ay may kanya-kanyang dumi. subalit tingin ko, ang mata o ang sariling isipan ang siya lamang nagbibigay dumi rito.

marahil kaya nabuo ang paniniwalang magkakakuliti ang taong maninilip ay upang takutin at ilayo ang nakararam sa mga bagay na dapat raw itago. subalit naiisip ko, kadalasan, ang mga bagay na tinatago sa atin, ay yung pa'ng mga na nagpapalaya sa atin. dito tayo namumulat at lubos na naiintindihan ang mga bagay na hindi natin maintindihan. tayo ay lumalaya sa mga pag iimbot at mga sariling konsiderasyon, na ibinakod sa atin ng sariling lipunan.

***

inabot sa akin ni dette ang sequel ng kanilang libro, na may pamagat na kuliti: pagtatanggol sa pag ibig. ito ay isang antolohiya ng maiiksing kwento tungkol sa iba't-ibang tagong relasyon. sabi ni dette, layon daw ng librong ito ang pasilipin at magawang ipaunawa sa mga mambabasa ang dinamismo ng iba't ibang uri ng relasyon meron ang tao.


kadalasan kasi, kapag sinabing relasyon, marami sa atin ay nakakakahon lamang sa depinisyon ng lalaki at babae. ang seks ay dapat sa loob lamang ng kasal. ang pag ibig ay kailangan pa'ng nakabatay sa iba't ibang kwalipikasyon at lahat ng labas dito ay tinatawag ng abnormal o hindi tanggap.

ang bawat isa sa atin ay may kanya kanyang kiling o bias. palagay, ko wala kahit sino ang maaring sabihing open minded siya. maaring open tayo sa isang bagay at hidni naman sa kabila. sapagkat lahat tayo ay may kanya-kanyang o iba-ibang paniniwala batay na rin sa kung papaano tayo hinuhubog at pinalaki.

kahit ako masasabi ko'ng hindi pa ako ganoon kamulat tungkol sa maraming bagay sa paligid ko. ilag pa rin ako sa konsepto ng bestiality o pakikipagtalik sa mga hayup, necrophilia o ang obsesyo na kalauna'y passion sa mga patay at pedophilia o ang obsesasyon sa mga bata at marami pa'ng iba.

kaya naman marami sa atin, ang hindi maiwasang magpahayag ng mga pananaw na lubhang nakakadurog ng pagkatao. sabi nga ng isang linya sa libro, ang tao ang gumagawa ng sarili niyang katotohanan. at sa tingin ko, ito rin ang nagsisilang ng napakaraming kasinungalingan sa mundo. siguro gulong gulo na kayo sa mga pinagsasabi ko. mabuti pa't basahin niyo na lang ang libro.

trivia: ang libro ay nalimbag sa tulong ni ginoong boy abunda. wala lang. hahaha!

Thursday, October 2, 2008

to be sexual is to be political

boy meets girl, girl swings to girl, girl meets girl, girl swings to boy and boy swings to boy, then boy meets boy and who knows who else or how many more characters will be in this set up we call relationships.


relationships nowadays, are quite complicated from the one that our parents or grandparents had, or even more way different from what our ancestors knew about.

although, these non-conventional forms of relationships would have probably been present before, because of lack of knowledge about it, some have decided to conceal it from the ignorant mind of the public, especially since the word relationship is either tagged with love or the generally considered tabboo word, sex. nonetheless, it is a given fact that human relationships just like any elements of human societies evolve as men approach modernity.

modernity is an endless operative term for a society's survival. its main purpose is to clear ignorance and promote change. on the other hand, not all social changes just happen in an instant. for we have religion to censor, check and balance it with our established morals. religion is basically the product of human faith and at the same time the protector of established traditions, norms, mores and beliefs.

now, the question is, what happens when all these three elements deal with a particular social change?

probably, the best example to picture this out is the ongoing debate regarding the passage of the reproductive health bill in the congress. the pros of the bill say that this will help us in controling population explosion, in which also has a direct effect to what the nation is experiencing regarding poverty crisis. in addition, the proponents of the said bill are also alarmed about the growing number of infants, women and minors who dies and vulnerable against the threats of unplanned pregnancy and sexually transmitted diseases.

while the cons of the bill contest it, because they claim that passing the bill will run over the nation's strong foundation of morality particularly within the christian faith: that it goes beyond the natural process of life.

well. i would no longer hide my stand behind my words, for my say into this topic would have probably been more pungent than any scent by now. i believe that there is no other time, place nor way to pass this bill than today.

who can blame me?




everyday, as i pass every single street here in manila, there is no instance that i didn't see a single street kid begging for alms. its just heart crushing to wonder where they're parents are or how they struggle to live the next day. these children are scattered all over the metro: in the stairs of the mrt station, in front of your building, beside your house, near your school and even infront of your face either blowing and inhaling solvent in a plastic bag or scavenging for left over food infront of a fastfood chain. aside from the fact that these scenes are just in metro manila alone.

i asked myself before, how come poor couples still keep on producing kids eventhough they know that they are not capable of supporting them financially, at the very least? someone then told me that it is because of lack of jobs. these people just make themselves productive with their partners. while others live within the belief that the more number of children one have the more chances of the parents to achieve a well off life. quite logical right? and i actually lived within those answer up until earlier.

i received an email from my thesis adviser regarding an online petition for the passage of the reproductive health bill. after running along the bill, i realized that it is not really the lack of things to do that drives these people to bear more and more children nor the raffle-like belief of most of us, that the more children (entries), the more chances of winning, rather it is the lack of information and available options for them to plan their family.

i believe that, like what the bible teaches us, freewill should always be observed and respected. in addition, it should also be provided with the complete and necessary options. one should be informed and educated about his/her options and not to be constrained with what other people/ institutions think as right or wrong. human beings deserve more than that, regardless what you're religious affiliation is.

the bill is all encompassing. it doesn't only tackle the issue of couples planning their family. but also the growing concerns regarding premarital, juvenile and homosexual sex cases anchored (only) upon the rising cases of sexually transmitted diseases, abortion and what have you.
the presence of such concepts are clear manifestations that there are already "morality" cracks in the very foundation that the church is protecting even without the passing of the said bill. this is a fact that all of us need to own and recognize. we should also remember that a bill is created in response to the call of its very society and at the same time a reflection of its very situations and needs. nonetheless, i am not blaming anyone because of this outcome. since this is a shared responsibility of everyone. with the various venues and media that modernity offer us, it is really difficult to cope up and take actions to balance things out. but i believe that providing options such as the proposals of the said bill gives as a good battling chance in achieving this.

lastly, everyone should understand that promoting the bill don't necessarily mean that it is promoting rampant and anarcheic view toward sex. in fact, i believe that it equips and develops us, people toward the necessary knowledge, responsibility and tools to cope up with the concept of sex, plain and simple.

probably, what i am really driving at is, changes are inevitable since it promises growth ofr everyone. but not all changes are necessary thus we need to sort it out and there is no better way to attack it than to have an open mind instead of a dogmatic one.
if you share the same sentiments. please free to attach your digital signature to this website. the organization is aiming to gather on emillion signatures to show the congress the wide support for the bill's passage.