Thursday, August 7, 2008

sa loob ng tren

minsan ko nang narinig ito sa ilang mga kaibigan at akala ko nuon sa pelikula lang nangyayari ang mga ganitong bagay. pero iba pala talaga kapag nasa loob ka na nito, isang napaka surreal na palabas.

padilim na nang ipinilit ko ang sarili ko makasakay sa tren. pero isang pisngi na lang talaga ng pwet ko ang nagkasya. okay lang naman sa akin kahit maipit at maiwan ang kabila dahil super late na talaga ako. pero ang pintuan na ng tren mismo ang umaayaw. bwaka ng inang tren ito napakapihikan.
no choice. nakakahiya man pero kinailangan ko'ng bumaba. at yun yung mga sandali sa buhay mo na makikita mo ang sarili mo'ng nakatayong mag isa habang tinitignan ang mga taong nakasakay sa loob at tinitignan ka din nila pabalik. dahan-dahang sasarado ang pintuan at saka aandar ang sasakyan papalayo. tapos iisipin mo na lang na isa na naman yun sa mga malungkot na sandali ng iyong buhay. kungsaan napag iwanan ka na naman. duon, kusang tutulo ang iyong luha ng hindi mo namamalayan---siyempre hindi totoo yun! ano ako emo?! iba lang talaga ang epekto kapag umuulan. kung anu-ano ang naiisip ng mga tao.
pero sinuswerte pa din pala ako dahil hindi ganun kasikip ang sumunod. may biyaya nga talagang naghihintay sa mga tao matiisin at may bonus pang mauupuan. saan ka pa?! sana nga lang walang matanda o babaeng sasakay at tatayo dahil alam ko'ng hindi ako lulubayan ng aking pagiging gentleman. buti na lang at boni na'y wala pa rin at kung meron man, may ibang mga lalaking agad na nag aalok ng sa kanila. nakakatuwang isipin na marami pa pala kami. naks!

marami-rami rin naman ang mga nakasakay. pero sa kabila ng dami, naging tahimik ang lahat, maliban sa isang lalaki sa kabilang upuan na pasimpleng nagfafalceto at sinasabayan ang kanta ni alicia keys sa kanyang mp3. naisip ko ang polite talaga ng mga pinoy, nagpapanggap na hindi siya naririnig para hindi mapahiya. pero sa kabilang banda, naisip ko baka naman nag eenjoy silang pinagtatawanan siya.
maya-maya pa'y nag umpisa ng lumikot ang mga mata ko. parang mga tipong mata ni terminator na kalkuladong naghahanap ng isang potential target. pero sa layo ng tinatanaw ko, hindi ko namalayan meron naman pala sa harapan. artistahin, makinis ang kutis at malakas ang ER factor. mukhang hapong-hapo ang bata, gumigiwang-giwang ang ulo kaliwa't kanan dala marahil ng sobrang antok. sa sandaling yun, pinangarap ko'ng sana'y katabi ko na lang siya nang maalok ko din naman ang balikat ko. para lang maging consistent sa pagiging gentleman. pero hanggang pasimpleng pagsulyap lang ang banat natin. mahirap ng mapagkamalang manyak.
subalit sa di kalayuan, nakaramdam ako bigla ng ibang tumitingin. aba, si manong na tatlong tao ang layo sa bata ay sumisimple rin. gusto pa akong agawan. gusto ko siyang sabihan ng "manong, possesive ako. first come, first serve. matuto ka'ng kumilala ng amoy ng ihi ng iba." pero ang conceited na manong, ayaw magpaawat kahit naka-todo corporate attire at mukhang kagalang galang. masama mang maghusga ng iba, pero nasa threshold na talaga si manong ng pagiging open minded ko. sa wakas nakilala ko na si mr. exception-to-the-rule. marahil kung krimen lang talaga ang pag-iisip ng masama sa kapwa, three counts of reclusion perpetua na ang napataw sa kanya. dahil sa titig niyang daig pa ang 41-in-1 na surigao scandal na nilalako sa gilid ng kamuning o baka naman malisyoso lang ako.

source

matapos ang dalawa pang istasyon, sa wakas, naramdaman din ng pobreng musmos ang pagtitig ni manong conceited. umayos ito ng pagkakaupo at pinako ang tingin sa malayo. halatang abot buwan na ang pagkabalisa niya. sa sandaling yun, nakaramdam din ako ng awa sa bata. naisip ko, kung talamak man ang eye-to-eye contact para magkaroon ka ng instant fubu (c'mon don't tell me kapareho din kita na lately lang nalaman ang meaning nito) sa panahon ngayon, sana maunawaan din ng mga lumalahok nito na hindi lahat naorient at nakapagregister. may ilan, at actually marami sila (kami, whatever!), ang hindi naglagay ng check mark sa i accept and understand the terms and conditions of this agreement checkbox at piniling hindi sumali sa crowd. nakakalungkot man isipin pero dapat isaalang-alang natin na hindi lahat ganito kabukas ang pananaw at hindi rin naman ito dapat itake against sa kanila. ito rin ay isang personal na desisyon na dapat igalang at dapat maunawaan at siyempre with special citation kay manong conceited.
tumigil ang tren sa guadalupe station. tumayo si manong conceited patungo sa pintuan na wala na ang bakas ng kung anuman meron siya kanina. habang si pobreng musmos naman ay nagiging conceited na din sa pagiging patay-malisya. maya maya'y may hinugot si manong conceited at inabot sa pobreng musmos. nagulat ang lahat nang nakakita, isang business card ang naiabot. pagkalabas ni manong conceited agad na kinuha ng pobreng musmos ang kapirasong papel at dali-daling sinilid sa loob ng kanyang bag na parang walang nakita at nangyari. balik agad si pobreng musmos sa pagpapatay malisya.
bumaba rin ang bata sa parehong istasyon na binabaan ko. hindi ko na siya tinignan hanggang sa dumaan siya sa gilid at palabas ng istasyon. madaming naglaro sa isip ko habang dinudungaw siya papalayo. subalit isang bagay lang nagtibay sa akin. at ito'y tapos na ang isa na namang bahagi ng palabas at ako'y mag aabang na naman hanggang sa susunod na atraksyon.

29 comments:

Anonymous said...

namiss ko tuloy ang pagsakay sakay sa MRT, kakatuwa ang pagkakakwento mo.
korekkk ka jan andami nga gwapo sumasakay sa MRT, hihi.
at dapat talagang may tsek yung terms and conditions nung titigan, haha. definitely hindi lahat open sa kulturang ganito, kelangan pa i educate.

Boying Opaw said...

talaga namang nakaka-aliw ang pagsakay sa MRT... iyon lang, po...

uhmmm, LRT pala ang tawag dun sa linya na dumadaan sa Katipunan, iyong sabi ko na pinaka-magandang station na nakita, so far? kala ko MRT.

. said...

Andaming naglalaro sa isip ko matapos mong isulat ang entry na ito. Gaya mo ay hindi ako masyadong aware sa ganitong kalakaran sa pampublikong sasakyan.

Pero napaka-moving nitong mga lines na to ah.

nakatayong mag isa habang tinitignan ang mga taong nakasakay sa loob at tinitignan ka din nila pabalik. dahan-dahang sasarado ang pintuan at saka aandar ang sasakyan papalayo. tapos iisipin mo na lang na isa na naman yun sa mga malungkot na sandali ng iyong buhay. kungsaan napag iwanan ka na naman. duon, kusang tutulo ang iyong luha ng hindi mo namamalayan-

Sobrang emo. Hehe.

... said...

...syempre 'di na naman ako maka-relate kasi walang tren sa bukid. lol

ewik, dapat nakisali ka rin sa 'show'. u don't have to be the narrator all the time.
choooos! =p

Boying Opaw said...

@mugen: sumasang-ayon po.

ilang beses ko na rin pong naranasan ang mapag-iwanan ng tren na mas masikip pa kaysa sa lata ng sardinas at hindi na ako kayang ikasya...

[chocoley] said...

kewl, astig yun ah.. bihira lang ako sumasakay ng mrt. pro sa bihirang nakakatakot kugn minsan kasi, lagi akong nakakatiempo ng mga hindi mo inaaasahan, pero sa case, expected ko na yun!

hay naku, bakit nga ba ang daming emo 'pag umuulan?

Abou said...

ewik masyado ka observant sa tren, mukhang di ka madudukutan nyan hehe

wala tren dito sa amin

Anonymous said...

Waw. Nakakainlove naman. Hehe. Ang gentleman.

wanderingcommuter said...

mink: yup, i believe that if people wants to accept them for who they are, they should know how to respect other people's belief as well. the simple rule of reciprocation.

boying: you its lrt2, the purple line. you should tell your own share of the story boying. hehehe. emo ka din pala eh. hahaha!

mugen: really now, kuya joms? hehehe. hindi ko alam kung psychotic lang ako sa pag iisip nito or dahil sa umuulan lang, but its really how i feel whenever this happen to me. kaya minsan kung hindi talaga kasya, madalas i just opt to sit on the benches na lang kesa mapahiya... but the bottomline is: ang ulan ang emo, hindi ako! nyahaha!

mel: naku, dadarating ang panahon lahat ng lugar sa pilipinas ay pag uugnayin na ng mga tren. hahaha! naku, medyo malabo pa yun, hidni ako ganun ka assertive at aggressive sa mga ganung eksena. hahaha!!

dazedblu: tulad ng anong mga di inaasahan? hehehe... matagal ko na ring tanong yan eh. hahahaha.

abou: ang basic rule sa pagcocommute para sa akin ay huwag matutulog dahil napaka unpredictable ng mga tao. hidni natin malalaman ang pwede nilang gawin sa iyo...

bino: opcors! hehehe.

Chyng said...

anlakas ng loob ni manong. at tlgang di pinalampas ang chance at ngbigay ng offer sa bata.

magandang bata tlga cgro yan para maging center of attraction ng buong mrt!

nakakamiss makipag-emotan sa MRT! hehe (yare na naman ako nito sa cnbe ko..)

ewik,
can you do / have you done the same before? (--,)

Joaqui said...

I take the MRT almost everyday too but not much action are happening because usually it is during rush hour. However, when I take the MRT going home very early in the morning, that's when it is entertaining. I have good memories of it. lol :)

TENTAY™ said...

Huyyyy nadanasan ko den yan. kaso hindi sa tren. sa isang kainan sa may raja sulayman park. nakaupo ako sa may upuan sa labas ng resto ng magisa at may D.O.M na palakad lakad at balik ng balik. tapos kinausap un waitress. at hala, inabutan ako ng business card. windang. hahhahaha.

wala lang. nakarelate lang ako sa musmos na bata. at araw araw dina ko sa MRT at lagi lang ako nakatayo sa pintuan. o ha.

lucas said...

hays...gusto ko ulit sumakay ng MRT! haha! pasimpleng manyak si mr. conceited...saludo ako sayo at nakapagpigil ka..hehe! gentlemannnn! haha!

---kamusta naman ang pagkagat sa puno? haha! i remembered the movie "superstar" haha!

escape said...

hahaha... dami talagang ganyan kaya buti na rin at meron ng espesyal na lugar ang mga babae at kahit papaano safe sila doon.

escape said...

hahaha... dami talagang ganyan kaya buti na rin at meron ng espesyal na lugar ang mga babae at kahit papaano safe sila doon.

Kape Kanlaon\ said...

ganyan din ako pagsumakay ng jeep (wala kc tren dito cebu or negros, kung meron man, eh tren ng sugarcane..hehe)...

I love your storytelling. I also find it very moving - standing by a slowly moving train...

ey, buti nalng hindi nagchange ang surrounding at naging NARNIA or Harry Potter ang effect...

Chyng said...

@joaquin_miguel,
be more observant. meron jan sa loob na ng tren ngkakilala, so sabay na bababa. (--,)

Kiks said...

hindi ako marunong makipag-eye to eye. i dont know how to start a fubu.

ganito pala yon.

jericho said...

sex is in the eyes of the beholder talaga ... ;)

Anonymous said...

ok ah! interesting entry! nakakamiss ang MRT! ahhaha!

dito sa tokyo ang namimiss ko yung 'pagka-gentleman' na sinasabi mo. hay. hindi ganun ang mga hapon. mga lalaki pa minsan ang pinapaupo. kainis!

Eben said...

na-miss ko din ang pagsakay sa mrt dyan sa Pinas. dito kasi sa kinalalagyan ko, kahit rush hour hindi naman kami siksikan parang sardinas sa loob ng tren. at walang masyadong 'eksena' dito kasi walang pakielamanan ang mga tao.


btw, ganda ng mga pics, na-inspire tuloy ako magphoto shoot sa mrt. haha!

Boying Opaw said...

@wanderingcommuter: haha. gustuhin ko mang ikwento ang lahat ng mga interesanteng mga pangyayari sa buhay ko ay hindi ko magawa. ito ay sa kadahilanang magmumukha lang akong nagmo-monologue sa mga kwento ko. hindi kasi ako marunong magkwento, e. halata ito sa mga storyang ikinuwento ko na.

hahaha.

tsaka parang nag-iba ata ang title. mas gusto ko iyong 'tren'. hehehe.

mikel said...

dalawang tanong: ano ang (1) fubu at (2) ER? haha. toink toink. di ko talaga alam.

hindi ako nag-ooffer ng upuan sa mrt pag sinuwerte akong makaupo, maliban na lang sa (a) babaeng buntis, (b) matandang babae, at (c) batang wala pa sa hayskul. siyempre pag matandang babaeng buntis na may akay na batang wala pa sa hayskul, e ako na ang nagpupulis na may magpaupo. hehe. joke lang. wala pa akong nakasabay na ganun.

odin hood said...

uu nga ano yung fubu at ER?! hahahahaha kunwari wala ako alam

wanderingcommuter said...

chyng: oo tingin ko nung araw na iyon nasa top siya ng listahan ko sa mga magagandang nilalang sa loob ng tren.
naku, palagay ko hindi lang ako ang nag eemote sa tren, kaya madaming nakikipagsiksikan kasi ayaw makapag emote. hahaha!
me? i don't think so. hindi po ako ganun kaarrogant at kaasserive.. saka conservative ako eh... binatang pilipino! hahaha.

joaqui miguel: during rush hour kasi iba na ang mga aksyon na nagaganap. yung mga tipong tinatago sa likod ng mga siksikan. hahaha! during dead hours naman pakiramdaman ang lahat. hahaha1 bakit ko alam ang mga ganitong bagay?!?!!! waaaahhhh... hahaha.

tentay: OH NO! nakakatakot naman yun. dapat malaman din ng mga tao na hidni lahat ng nakatambay sa park at mga kaladkarin. hehehe.
ako, as much as possible ayoko malapit sa pintuan hindi ganun katibay ang katawan ko para sa mga banggaan at hidni rin siya flexible para sa mga siksikan. hahaha!

ron: as much as i want to just for the sake of experiencing it, i cannot see myself doing it. hahaha.
but man seriously! yun daw ang dapat gawin. yan ay kung naniniwala ka din sa mga meaning ng panaginip na ganun. hahaha! superstar? hindi ako familiar sa movie na yun or nalimutan ko na... refresh me...

the dong: naku, sabi naman ng friend ko'ng babae, mas gusto pa daw niya sumakay sa hindi segrated kasi daw normally mas madalas daw ang away sa cart ng mga babae lang. hahaha.

lance: takot ko na lang kung nagchange yun ng ganun... huwaw, ang klasik ng scenery na yun tren ng mga tubo with matching usok... hahaha. ang lupti nun. last time ko nakakita nun sa hacienda luisita pa. trak nga lang.

chyng: parang bihasang bihasa ka sa mga ganito ah? hahaha... biro lang. pano kung ikaw pala yung nakita ko noh? hahaha. biro again!

kiks: naku, nakakarelate ako. pareho tayo. hahaha!

jericho: i must agree since its coming from the expert. hahaha.

caryn: hahaha. naimagine ko. parang ang hirap nga'ng sumakay ng tren jan sa tokyo. pero palagay mas mabilis jan... bullet eh! hahaha.

eben: nasan ka na ba dude? naku, tingin ko din kahit anong pagrereklamo natin sa mrt kapag umalis na tayo sa bansa. nakakamiss din talaga... only in the philippines ang mga ganitong bagay.
grinab ko lang din po yung mga picture. hehehe.

boying: so nagmomonologue pala ako?.. huhuhu. ayoko na nga. hahaha! try mo lang. there's always room for either the first time or for improvement. naks! lablats, joe d mango.
para maiba try mo kaya bus o kaya padyak! hahaha.

amicus: naku, nung lumabas ako ng adoration chapel saka ko lang din nalaman ang mga terminologies na ito. FUBU means FU** BU**Y... yung ER, hahaha. ipopost ko na lang. abangan mo. hahaha!
tingin ko, general and unwritten rule dapat talaga ito. tingin ko walang konsensiya ang mga taong hindi magpapa upo ng mga taong binanggit mo.

Denis said...

huh? anung fubu? lothing brand?

gek. anu un? hahaha

KRIS JASPER said...

wats fubu?

[chocoley] said...

@Erick, yung inaasahan na sinsabi ko, is tht effin' condition where these beaucoup of guys are standign.. usually sa likod, so anyways para hindi pahabain... may nagaganap, Ohh you touch my tra-la-la, Hmmm.

I never exp, but I always see them havin' this testosticross-like doin' it sa umaandar na tren. Oh dba kalowka, and mind yew.. marami kaming viewers :) lol.

Oh gush, menace and kris dunno wht is fubu. Ayun oh may answer sa taas (i mean previous comments) [period]

Eben said...

OT: Ewik nasa Singapore ako, one year na this August. :p